ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…

1. makakalulon ka ng insekto pag nagbisikleta ka na nakabukas ang bibig.

2. always treat every story you hear (especially the heart warming stories) with a grain of salt

3. hindi masarap ang hotdog dito sa singapore

4. bago ka umalis sa umaga, siguraduhin mo na hindi bukas ang iyong zipper.

5. hindi pwedeng mangulangot pag nagbibisikleta

6. more often than not, you will loose money in get rich quick schemes… UY, tongue twister. say this a hundred times: “get rich quick schemes, get rich quick schemes…”

7. huwag kang utu-uto (in english: don’t be gullible’s travels)

8. mas reckless ang mga malay drivers kaysa mga intsik

9. if you think that something is too good to be true then it probably is not

10. pag pinara ka ng magandang babae, yung taxi sa likod mo ang kinakawayan niya at hindi ikaw.

11. pag magtitimpla ng kape, tikman mo muna yung white grainy crystals at baka ito ay asin.

12. masarap gulpihin ang mga bumbay na driver dahil mayabang silang magmaneho

13. pag medyo sikat ka na, maraming gagawa ng paraan para ikaw ay mabaduy.

14. mas magaling na singer si nora aunor kaysa kay vilma santos pero mas magaling na artista si ate vi.

15. madaling mahalata ang mga may “crab mentality” dahil tagilid silang maglakad

16. may dahilan kung bakit “bad breath” ang tawag sa bad breath

17. bull durham: “…Sometimes you win, sometimes you lose, sometimes it rains.’ Think about that for a while”

18. maganda ang pelikulang “the incredibles”

19. masarap maligo

20. pag umutot ka habang nagbibisikleta, hindi mo ito maaamoy.

21. paano ba malalaman kung may lagnat ang demonyo?

22. although parehong masarap, hindi pwedeng maghalo ang ben and jerry’s at saka bagoong.

36 thoughts on “ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

  1. walandyo.. the things you think about when you’re left to your own devices. hehehe

    pero maganda yan, fafa. nae-exercise mo ang iyong brain sa pag-iisip ng mga bagay na walang katuturan. uy, ha.. minsan kelangan natin yun. kasi kung hindi dahil sa mga langkatuts na mga bagay, hindi makakapagpahinga ang utak. kung hindi sya nakakapagpahinga, paano na lang kung kelangan na kelangan mo na sya tapos ang sabihin nya sa’yo.. “ayokong mag-isip! Haym tayerd!” hehehe

  2. hello… lo… lo… lo!
    MyLabOpMayn… mayn… mayn… mayn!
    Sumuko ka na ba… ba… ba… ba?

    Hehehehe.

    bakit ko papalitan si buddah mylab? malaki ba tiyan ko? minsan i am also amazed with my wisdom – kasi pakiramdam ko minsan puro hangin lang ang laman nung space between my ears.

  3. hi ate glo.

    salamat. hamo’t mag-ingat ako. ano ba yung number 9: “too good to be true”. oo nga. pag may nangyari sa aking too good to be true medyo nininerbyos ako. minsan mabigat ang kapalit o kaya may nanloloko sa akin.

    fan ka ba ni ate vi o ni ate guy? ako isa sa paborito ko ay yung pelikula ni nora aunor na “sidhi”. kasi galing ito sa storya ni idol rolando tinio. isa pa: magaling ang acting ng lahat ng cast at saka nag bold dito si glydel mercado.

  4. kuya batjay,

    Amen ulit to that: some good things never last. (he he..kanta ata un ah?!)

    maliit pa ako nung “golden voice years’ ni ate guy…pero fan nya ang nanay ko.

    favorite ko namang movie ni ate vi yung “Imortal” directed by Eddie Garcia.

  5. gusto ko rin yung himala. kung makailang beses ko ngang ginagaya si ate guy dito….

    “WALANG HIMALAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!”

    may haiku pa nga akong ginawa tungkol rito. eto siya:

    ang talangka
    tagilid maglakad
    walang himala

  6. Talgang tinotoo mo na ang pagba- bike ha> At merong magandang pinatutunguhan bukod sa pagiging healthy … ang mag-isip ng todo. Bihira kong gawin yan lately e. Ang ma-isip. Kita mo naman ang mga thoughts na na-induce ng pagba-bike. Sino makakaisip na pag umutot ka habang nag-babike e hindi mo maaamoy? Siyempre yun lang may first hand experience, di ba?

  7. Tutuo yan Tito Rolly. Take it from me, “hindi mo maaamoy ang utot mo pag ikaw ay nabibisikleta. Pwera lang nga kung marunong kang mag bisikleta ng paatras. Actually, doon sa isang “Thought Experiment” ko tungkol sa pangungulangot – pwede ka rin mangulangot habang nagbibisikleta kaya lang delikado… pag kasi may bumaril sa kuko mo habang nangungulangot ka eh siguradong patay ka.

    Headline sa Inquirer: “Cyclist nabaril sa Kuko, Patay!”

    Isang di pa makilalang Engineer sa Singapore ang nabaril sa kuko at namatay. Marami ang nagtaka kung bakit nangyari eto eh napakalayo naman ng kuko sa bituka. Natigil ang spekulasyon nang malaman nga mga imbistigador na tinamaan pala ng bala ang kuko ng engineer habang ito ay nangungulangot.

  8. never thought about #20 before…huhmm…something to ponder and maybe try πŸ˜›

    Not a lot of guys will find exhiliration in keeping fit. Good that you do. It doesn’t bother you taht you have to take that shower when you get to the office? Few guys at my work said that is what they hate, but then some said it’s refreshing to sit at your desk 10 minutes after you just showered.

    Keep it up BatJay – πŸ™‚

  9. 3. hindi masarap ang hotdog dito sa singapore -> Talaga? Bakit? Weird! Iba yun karneng ginagamit?

    7. huwag kang utu-uto (in english: don’t be gullible’s travels) -> LMAO!

    14. mas magaling na singer si nora aunor kaysa kay vilma santos pero mas magaling na artista si ate vi. -> Napagreflectan mo ‘to? Grabe ha!

  10. hi toni.

    sabi ng mga kaibigan kong pinay dito sa singapore, mas masarap daw talaga ang hotdog ng filipino. hehehe. siguro dahil sa timpla kasi maraming muslim dito, most of what you get is tasteless chicken hotdog. wala yung tastiness na hinahanap hanap ko. ganoon din siguro ang opinion ng ibang mga pinoy, which is why in the filipino stores here in singapore sell purfoods tender juicy.

    as for nora aunor (please see pic below)… ililibre kita, if you can name her doll. ask your mom, baka she knows.

  11. hi g.

    taking the shower in the office – personally, i don’t like it as well because there are no locker rooms here in the office and you have to place your clothes somewhere dry in the shower room. it’s a good thing i am the only one who uses it in the morning. come to think of it, i am probably the only one who uses the shower period.

    and yes, being in the office smelling of soap with your hair still wet is the coolest.

  12. Maria Leonora Theresa! My mom is a huge fan of Ate Guy, grabeh. Grabe din ang mga reflections mo, I like #17. Ganon din ang ginagawa ko on my way to or from the office everyday at madalas ay takot ako na lumagpas ng bus stop.

  13. ANG GALING NI YASMIN!

    hehehe…. you just spoiled my blog for tomorrow. i was supposed to ask that question. ngyahaha. here’s your prize…. the picture itself plus free dinner with jet and i should you come to singapore.

    napanood mo na ba ang bull durham? it’s that baseball film (again) of kevin costner. i think this was the first one that he did. susan sarandon and tim robbins were there. siguro doon sila nagkakilala.

  14. amazing ang mga napagmuni-muni mo kuya batjay! makapag bike rin nga! hehe

    uy, pwede na kaya tayo mag book ng sting? wala raw ulit si leah. πŸ™

  15. hi tin

    mararap nga sa inyo mag bike. pwede kang mag detour sa loob ng sentosa. scenic na at major workout pa dahil up and down. yung tungkol sa sting concert – sige book na natin. itatanong ko kay eder kung gusto niya, pero kami ni jet, ok… nagtanong ka na ng prices?

  16. 20 — nag-disperse na agad no? Or di mo naamoy kasi naiwan mo na hehehe

    Kainggit. I always wanted to learn how to bike (sic) but I’ve no guts.

    21 — dadagdagan ko yan ng nabasa ko sa komiks nung bata pa ko… Pag ang kaluluwa sa impyerno, inilagay mo sa freezer o kaya dinala mo sa arctic, magiging pasmado ba sila?

    14 — cannot agree sa part na mas magaling na artista si Vi kay Nora. Mas nagagalingan kong umarte si Nora kesa kay Vi, though if artista you mean ma-gimik, e mas magimik ang staff ni Vi… Bagay e list mo ‘to
    πŸ™‚

  17. wow! buddhist wisdom ang dating hehe

    sarap mag-bike no? dito ang ginaw kaya ayokong mag-bike at baka mag-lock ang tuhod ko madisgrasya pa ako. (sabay rayuma, aguy!)

  18. Koya,
    this is my 3rd post since i discovered your very “intelligent” site… napaka intelihente kasi pati yung mga nerds na officemate ko na papa ‘ohhh, talaga..’.. ok. nuff…

    ang tanong ko lang e.. bakit walang reverse gear yung mga bike..??? thanks sa reply ha.. if ever na masagot mo..
    bong burnok

  19. hi tin!

    kayo na ni jet ang mag usap kung anong price ang gusto ninyo. hindi naman pala masyadong mahal. pwede yung lower box para eye level tayo sa stage. yun yung silya namin sa rolling stones concert. kunin mong ticket yung directly facing the stage.

    ingat!

  20. hi auee, ang pangalang walang consonant.

    farting when your riding a bike is like farting in front of the electric fan. you won’t smell the stink but the people behind you surely will. BWAHAHAHAHAHA! isa ka rin pala sa growing list ng mga di marunong mag bike. bakit di mo subukang mag-aral. pwede ka namang bumili ng bisikleta na may training wheels. ang ganda mo sigurong tingnan. hehehe.

  21. hi justice.

    mayron din ba sa inyong winter biking trail? napanood mo ba yung amazing race? yung portion sa canada showed them biking through snow. ang sarap panoorin – siguro masarap ding gawin.

    mayron bang nabibiling bike na may jacket? para protection sa lamig.

  22. good morning bong burnok… my site? intelligent? hehehehe… ayos.

    bakit walang reverse gear ang bike? ano ito trick question. ngyahaha. kaya walang reverse gear ang bisikleta ay dahil yung kadena ay nakakabit sa likod na gulong. pag may intelligent na scientist ang nag imbento ng bisikleta na sa harap na gulong ang connection ng kadena ay siguradong magkakaroon na ng reverse gear.

  23. naku, pwede kaya patanong si eder kung sasama sya? tapos sige usap kami ni jet.

    yung spot na sinabi mo, palagi dun din ang binibili namin sa kallang theatre. ok na ok yun!

  24. 23. pag pawis na ang kili-kili mo, madaling patuyuin habang nagbibisikleta at tulad ng utot eh walang makakaamoy ng b.o. mo

    “…binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect.” — totoo yan. kaso lang, minsan nasobrahan ata ako ng pag-re-reflect eh hindi ko napansin yung malaking lubak sa harap ko, araaay masaket. hahaha!

  25. hi ulit eye,

    uy delikado ang pag bike sa mga kalye na hindi masyadong maganda. mahirap kasi sa bisikleta, pag na aksidente ka ay walang masyadong protection. may kilala ako sa pilipinas, nakasagasa lang ng bato, tumilapon siya sa bike at nabalian siya ng buto. akala nga niya ay may permanent disfigurement. buti na lang magaling ang doctor niya.

    ingat,
    jay

  26. Kuya Batjay,

    u make my day, nakakatawa kang magkwento. mister ko mahilig ding magbike pero di ko pa natatanong kong nahiya syang mangulangot sa daan pero for sure di nahihiyang umutot yun! hahahaha. para kang kapitbahay ko lang dito sa america pag binabasa ko mga kwento mo.

  27. hi weng.

    maraming salamat sa pagsulat ng comment. buti naman i make your day, the feeling is mutual kasi natutuwa rin ako sa mga feedback (both good and bad) – alam mo naman ang kasibihan diyan sa amerika: you make my day, i make yours. or is it about pagkamot ng likod? in any case – hope na enjoy rin ang asawa mo sa pag bike as much as i do. i’m sure mas enjoyable diyan sa inyo lalo na ngayon kasi hindi mainit. dito sa singapore, parang pilipinas din – super hot during the day time kaya i do my biking in the early mornings, late afternoons or evenings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *