Young and pretty on the mean streets of the city

ang hirap pala ng nag-iisa ano? ngayon lang ako walang kasama ulit ng medyo matagal at hindi na ako sanay. hindi naman ako hiniwalayan ng asawa ko. umuwi lang siya sa pilipinas ng dalawang linggo. kaya eto, naiwan ako rito na parang trumpong kanggarot, parang manok na walang ulo, parang saranggolang may kilya, parang langaw na tinanggalan ng pakpak, parang titing walang betlog at kung ano-ano pang descriptive na salita na nagpapahiwatig na walang direksiyon ang iyong buhay dahil hindi mo kasama ang iyong minamahal.

pero praise be to god jee-zhus, babalik na naman si jet mamaya kaya ok lang. impak, susunduin ko siya ngayong gabi sa LAX, ang bwakanginang kasumpa-sumpang airport ng los angeles.

nag re-reflect lang ako ng kaunti itong mga nakaraang araw. iniisip ko kung gaano kahirap para sa mga OFW ang nakahiwalay sa pamilya at mag-isang namumuhay sa ibang bansa. siguro, may mga araw na halos mabuwang ka sa lungkot.

34 thoughts on “Young and pretty on the mean streets of the city

  1. mr batjay tumpak ka dyan! medyo makapal na nga ang palad ko panay na lang hard labor ang gawa ko pacenya na faithful kasi ako sa kabiyak ko. sigurado ako pagbakasyon ko sa pinas diklapan walang humpay ito. mabuhay kang muli!

  2. Hi unkyel! Ang nangyari sa akin, halos 1 year bago nakasunod dito sa NZ sila misis and kids dahil wala naman akong kamag-anak dito at wala pang siguradong trabaho nung dumating dito. Tutulo na lang minsan ang luha mo at uhog habang nakatingin ng malayo!

    By the time lumabas itong “leave a reply” ko dumating na siguro si jet. Ano ang pasalubong sa iyo?

  3. aynaku, korek ka kuya!! nakakabuwang na ewan… mahirap talaga!

    ingat sa pagsundo kay ate jet! teka, bakit kasumpa-sumpa ang LAX??! masyado bang malaki ang airport na yan? hehehe…

  4. chaotic ang LAX. ito siguro ang pinaka nakaka inis na airport sa southern california. oo nga pala, nakahiwalay ka sa asawa mo ngayon. hirap no?

    mamayang gabi pa siya darating.

  5. pareng jay……sakto….mahirap talaga ang mamuhay ng mag isa….kala ko nung nasa pinas pa ko madali at kayang kaya……pero pag mag-isa ka na, tsaka mo ma-realize na super duper hirap……maswerte na rin ako at every three months ay nakakauwi ng pinas, sabi nga eh striking distance lang….

    btw…papunta pala si misis bukas dito, for two weeks vactaion….yehey!!!

  6. hirap talaga magisa sa abroad, iniisip ko na lang lahat ng masasamang katangian ng asawa ko para masabi kong enjoy din magisa at malayo sa asawa . Biruin mo nakakaisang taon na kong nagiisa? hehe!

  7. Ewan ko pero ako kapag nagiging alone saka ko ako nag-e-extra init-katawan! Ewan ko ba!!!!! Kadalasan kapag home alone ako saka ko nararamdaman ang super hot ng aking from-within…

    Ikaw ba Idol Batjay naranasan mo yon?

  8. Many were driven to commit suicide – i guess samang lungkot at problema. And indeed some were driven mad. I remember one Pinay here in London (2001) was like “Sisa”. As in, hanap sya ng hanap sa mga anak nya. Nadestino kasi sa liblib na countryside ng England, tapos di pa maganda treatment sa kanya nung care home. Yung Pinoy priest dito na tumutulong sa mga katulad nya ang nag-initiate ng “rescue” at sa area namin nadala for safekeeping until she could go home. Nakakaawa talaga.

  9. bosing,

    ang sweet mo naman, though nalulungkot din ako na wala si jet diyan pero alam kong happy happy kayo mamaya, naks! pakikumusta mo ako kay jet with a kiss ha?

  10. bj, is wifey back home? hmmnnn…. happy days are here again? wala lang lol…

    drew, lol @ “iniisip ko na lang lahat ng masasamang katangian ng asawa ko para masabi kong enjoy din mag-isa…” made me laff. naughty huh lol…

    peps, hush, buking mo naman sila eh lol…

  11. oo nga mr. batjay nakaka ulol ang mag-isa. i walk alone, i eat alone, i cry alone… worst of all i laugh alone 😀 (jo, my friend tnx 4 this) 😉

  12. hayyyy…coincidence ba??saktong nag eemote pa naman ako eh.ano pa kaya kung pumunta ka ng ibang bansa para sumunod tapos biglang nagkaproblema at napauwi due to labor ban ang sinundan mo??isang taon tuloy kami nagkahiwalay.times like this, need….juicy fruit gum.kaya daming nagiging blogger unkyel.

  13. My gf’s far from me too pero there are still things couples in long distance relationships can do to keep the flame of love burning. Thanks to technology, nakakapag-usap pa rin via instant messaging, e-mails, etc. Photos can still be shared.

    It takes immense commitment, love, and maturity to make such relationships work. (My gf’s words, not mine but I agree with her totally.) Mahirap magsalita ng tapos pero we keep the flame alive through constant, daily communication.

  14. PAuwi na pala si Jet. Sayang, hindi ko man lang natawagan at ako’y naging busy ng husto. Di bale, sa pag-uwi nyo ulit dito, pihado magkikita-kita tayo muli.

  15. hi batjay! malungkot nga siguro mawalay sa pamilya. ako nga, miss na miss ko asawa ko kahit isang araw lang hindi umuwi yon. hehe. nga pala, kahapon binili at binasa ko ang iyong libro. nakakatuwa. 🙂 astig ka, mehn!

  16. malungkot talaga ang mag-isa, me asawa/gf/bf man o wala. Solusyon dyan mag exercise , ako nga nag ala Forest Gump one time, sa lungkot ko naka 10 miles na ako, kaya naisipan ko ng tumakbo ng marathon, isang taon, din nag train, naalis lungkot ko, kasi sa gabi, patang pata ang katawan ko, so wala akong time mag isip.

  17. wow. 🙂 hangkyutkyut mo naman. sana katulad mo na lang ang maraming guys, hindi yung pa-tough guy effect! hmmph.
    ang swerte ni jet. parang ang dalang kasi nung guys na sweet na, expressive pa. meron kasi yung mga guys na sweet nga buong buhay ka nang ginagawang manghuhula…
    ah, basta. i salute you!

    pero ang maganda niyan, pwede mo na ipagluto si jet ng adobo pag dating niya! good luck. 😉

  18. yis! lalo na sa age level ko… (i’m almost 22.)
    haay, hirap makahanap ng taong sincere; ang dami kasing defense mechanisms na ginagamit ng mga kaedad ko para hindi mapahiya…. haay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *