You never turned around to see the frowns on the jugglers and the clowns

GENTLE READER: dear unkyel batjay. ang tanong ko lang e.. bakit walang reverse gear yung mga bike??? thanks sa reply ha.. if ever na masagot mo.

BATJAY: very interesting gentle reader. bakit walang reverse gear ang bike? ano ito trick question. ngyahaha. ang dahilan kung bakit walang reverse gear ang bisikleta ay dahil ang kadena ng typical na bisikleta ay nakakabit galing ng pedal papunta sa likod na gulong, thus producing forward motion. imposibleng magkaroon ng reverse ang biskleta dahil dito. pero kung may matalinong scientist ang mag imbento ng bisikleta na sa harap na gulong ang connection ng kadena ay siguradong magkakaroon na tayo ng reverse gear. naisip ko rin, kung gusto mo talaga ng reverse gear, bakit hindi mo na lang baliktarin ang iyong bike seat para doon ka nakaharap sa likod pag nagbibisikleta ka.

10 thoughts on “You never turned around to see the frowns on the jugglers and the clowns

  1. baket yung racer ng tatay ko na ginagamit nya pangrasyon ng dyaryo dati, naandar ng pabalik? bad trip nga eh, kasi hindi mo pwedeng i-rest ang paa mo habang nagba-bike ka. at kung nakahinto ka at i-pedal mo pabalik, eh paatras ang andar ng bike.

    yun ba yung reverse gear? o malayo ang sinasabi ko sa topic na ito? hehe.

  2. ang tawag don dinah ay REKTA, pag ang bisikleta naman pag tinapakan mo pabalik ang pedal at ito ay nag preno ang tawag dyan ay DISKANSO pero ngayon ang mga bike ay FREE WHEELING na.
    kumusta na lang BATJAY matagal akong hindi naka libot dito sa blog mo. enjoy ako sa mga pics , hehhe

  3. ayan dinah, sinagot ka na ni kiko. rektang bike nga yung hindi free wheeling, pwede mo itong i-pedal ng paatras.

    maraming salamat sa information kiko. welcome back… ayos ba sa mga litrato. bukas mayron pang mas maganda.

    ingat sa inyong dalawa.

  4. Uy, dami kong natutunan tungkol sa bike a. Anyway, bakit naman kailangan pang tumakbo ng paatras? Unang-una na, hindi ka naman magpe-perform sa circus, di ba? Pngalawa, baka magka stiff neck ka pa nun dahil kailangan mong tingnan from an awkward position ang pupuntahan mo…yun e kung hindi mabali ang leeg mo pag sumemplang ka ng una ulo, ha

  5. oo nga eye. pwede naman talaga ang paatras na bisikleta – lalo na yung mga rektang bike na pwede mong i-pedal nang pabalik.

    ngayon, bibilib na talaga ako pag may nag imbento ng bisikleta na umaandar ng patagilid na parang alimango.

  6. hi tito rolly.

    ok na ok talagang mag bisikleta rito sa singpore. from monday to thursday, swabeng swabe. inabutan lang ako ng ulan twice na pag uwi dahil medyo umuulan na ngayon sa late afternoon pero ok pa rin. naubusan ako ng damit kaya namasahe ako ngayon. nagbabaon kasi ako ng weekly.

    di ko alam kung bakit tinanong sa akin yung kambyo na paatras. nasa previous post ito na comment – baka nagpapatawa lang siya. sinagot ko rin manan eh. hehehe. sabi ko nga, mas maganda ang patagilid na andar ng bisikleta – parang alimango.

    malapit nang mag pasko. pepper steak time – kailan bang vacation ng mga school? 15 december siguro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *