You know the preacher likes the cold

alas sinko pa lang ng hapon, sobrang dilim na. nakakapanibago nga kasi gusto mo na agad umuwi at magpahinga. samahan pa ng malamig na hangin eh parang gusto mo nang magtalukbong ng kumot. unang winter namin sa california. actually, mild lang ito compared sa nangyayari ngayon sa east coast. sa new york at chicago halimbawa, may snow na. naku, malapit na pala akong umuwi – 5:30 na ng hapon at pitch black na sa labas. pero dadaan muna ako sa tindahan dahil pinapabili ako ng jet ng kamatis. para saan kaya yung kamatis? hindi ko alam. baka ulam namin mamaya. hindi kasi ako nagtatanong eh – siguro yan ang sikreto kung bakit nakatagal kami ng 14 years. oo lang ako ng oo.


pagkatapos ng ilang sandali…

narito na ako sa bahay ngayon. sa henry’s nga pala ako nakabili ng kamatis. maganda rito kasi lahat ng tinda ay organic. mahirap lang nga para sa akin ang magpunta sa grocery kasi kung ano-ano ang nabibili ko na hindi ko naman kailangan. bukod sa organic na kamatis, bumili rin ako ng organic na tsaa, organic na biscuit, organic na dried fruit na pang nguya pag nagutom, organic na muffins at organic na spinach. may nakita pa nga ako na organic na tsinelas pero hindi ko na ito binili. huwag nyo nang itanong kung paano naging organic ang tsinelas dahil hindi ko alam.

40 thoughts on “You know the preacher likes the cold

  1. sir batjay, yan ba ang sikreto ng matagal na pagsasama? mula ngayon eh gagayahin ko na ang style mo. pero pwede bang pasigaw naman yung “oo” para naman may dating?

  2. Hello KB,

    Nakapunta na ba kayo sa Trader Joe’s? Yung pinakamalapit sa atin yata nasa Rancho Santa Margarita, sa tabi ng pet store (dan-dan-dan-dan — mystery music sound epeks). Naku, kung hindi pa, sumama kayo sa akin. Nakakaloko talaga. I’ll call Jet –ah oo nga, ikaw pala ang tagabili — the next time we go.

  3. Uy, California dreamin’
    on such a winter’s day!

    Ang bilis ng transition nitong post mo bosing, isang paragraph lang ang nakalipas, nasa bahay ka na agad. hehehe

  4. tama ka dyan sir – oo lang ng oo para magtagal ang samahan … sabi nga ng boss ko …

    Ladies you don’t have to understand your husband just LOVE them …

    Gentlemen you don’t have to love you wife just UNDERSTAND them!

  5. pareho tayo, hindi din ako pwedeng mag-grocery o kaya mamalengke mag-isa. nung isang beses na pinapunta akong palengke para bumili ng gulay para sa sinigang, umuwi ako na may dalang pang-sinigang, pang-bulalo, baron’s super antenna, gigantic ihawan, at 10 metrong chicken wire. don’t ask me why.

  6. Uy bosing okay yan ah! Orgasmic food! Di ba nakakapanghina yan?

    Tsk, ala ka na pala sa sg. Ingat na lang sa lamig dyan, baka yang kamatis mo maging pasas. Tsaka yang machete mo maging machinko na lang hehe. Biro laang! =)

  7. welcome to your first winter in california. di naman masyado malamig and winter dito, it could get chilly but not freezing.

    what part of california you’re from? san diego here ๐Ÿ˜‰

    by the ways, nice turf you got here. keep it up.

  8. Thank you sa kamatis mylab ha. Ang lalaki! Auee, panggisa lang naman e. Pero nakakatuwa kasi fresh and healthy ang itsura nila tsaka ang laki talaga.

    Mylab, oo ka ba ng oo saken? Di naman di ba? Sumagot ka!

    hehehe… labyu!

  9. hi tintin. thank you for the welcome. i was watching the news and saw the snow storm in the upper northeast. it didn’t look good at all… and all the more thankful that we’re here in OC instead of there.

  10. uy very sharp si tito rolly. maraming nalilito sa lyrics ng california dreaming. yung iba nga nakakatawa.

    galing sa http://www.amiright.com/misheard/artist/mamasandthepapas.shtml

    Misheard Lyrics:Can’t afford the treatment
    Original Lyrics:California dreamin’

    Misheard Lyrics:I know the creature likes to crawl.
    Original Lyrics:I know the preacher likes the cold.

    Misheard Lyrics:Oliver leads the blind.
    Original Lyrics:All of the leaves are brown.

    Misheard Lyrics: Polynesian brown
    Original Lyrics:All the leaves are brown.

    ok ang transition ko ano? nilagyan ko na nga ng pasakalye para malinaw. hehehe.

  11. kapit bahay na gigi!

    kamusta na? actually nautusan lang ako pero si jet talaga ang namimili ng supplies namin. kayong dalawa dapat ang mag plan pumunta sa trader joe’s. i don’t think we’ve been there yet. ano makikita roon? na itriga tuloy ako, sige punta tayo roon!

  12. nagustuhan mo ba ang mga kamatis mylab? ang laki ano – masarap yan gawing tomatoe with olive oil. yummy! pinili ko talaga ang mga iyon sa pile – gusto ko kasi yung kamatis na malutong pag pinitik.

    lab U!

  13. There’s really such a thing as organic tsinelas? Sometimes hindo ko alam kung nag bibiro ka lang. ๐Ÿ˜€

    You and Jet are becoming *so* California, going to the organic grocery store!

    We have snow now, and today it was about 10F. As long as you’re bundled up, though, it’s not bad. I super cold to super hot weather.

    Isn’t there DST in the Philippines? I know that not every place does that.

  14. sir…medyo makikialam lang ng konti. kung merong world foods market sa vicinity niyo, this place is way better that trader joe’s, and it’s more complete- one stop shop kumbaga.

  15. Hi KB and Jet,

    You can’t say you’re from Southern CA kung hindi ka pa nakakapunta sa TJ’s. Or maybe I just think like that because I’ve been a customer there for 20 years.

    It’s hard to define, but it’s probably unlike any grocery you’ve been to before. Prices are good and you’re certain to get addicted to some of their items (that you can’t find elsewhere). For instance, I get my kosher chicken there (da best for adobo!), Niman Ranch hormone-free beef, and Fage yoghurt (from Greece).

    Basta, sama kayo sa akin. I haven’t led you astray so far naman, di ba? ๐Ÿ™‚ hehe.

  16. Batboy,
    Inbayt kita fishing trip. Halika dito sa San Diego, everyday may trip na nagpupunta sa gitna ng dagat, Baja California. Walang mga sea gull, sea otter, seals at kung anu-anong mga hampas tubig na hayup. Wala din mga lintik na pelikan at wala kang mahuhuling ahas na isda. Dito ay mga tuna ang mahuhuli, barakuda at iba pa pero kung malasin ka naman ay pating makukuha ng bingwit mo, tiyak sira ang bingwit dahail magaling lumaban ang lintik na pating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.