“You guys line up alphabetically by height.” – Bill Peterson, Florida State football coach

EB with Yupki (CLICK TO GROW este TO ENLARGE) maraming nangyayari rito kaya masarap ang nakatira sa singapore. regional hub kasi. impak, last saturday, narito si leah salonga at nanood sina leah at tin ng kanyang concert. on-going din ang sound of music na papanoorin namin bukas ng gabi. my favorite band lampano’s alley was here recently for a concert and i was fortunate enough to meet my idol, binky lampano. there’s also the World Economic Forum – Asia Roundtable this week. kaya nga narito ang isang pinoy blogger from thailand (parang US navy ng japan ang dating sa akin) na si yasmin. matagal ko nang dinadalaw ang site niya – ever since student pa siya sa england. masarap kasing basahin ang mga post niya. she is a journalist and it shows. nakakatawa nga kung paano nagkakabit kabit ang mga magkakaibigan. maliit talaga ang mundo. bilangin natin according to height, ok. here goes: etong kaibigan naming si yasmin ay kaibigan din pala ni favel na kaibigan ni jenn at amor na unang naging kaibigan ni reggie na kaibigan ni leah na kaibigan namin. kaya kahapon, nagkita kita kaming lahat at nag dinner. ayon – galing ano po?

17 thoughts on ““You guys line up alphabetically by height.” – Bill Peterson, Florida State football coach

  1. Hey Batjay, it was great meeting you in person too!!! I had a fun time, though medyo low-batt na ako that time. I really hope we could meet up soon, at nang makilala ko naman si Jet! Sige balik na ako sa “trabaho” kuno. Ingat!

  2. hey yasmin.

    it was really nice meeting you finally. sabi ko nga eh inevitable yon kasi you’re in bangkok and we’re just an hour away. singapore being a regional hub eh parang given na that you’ll show up one day. heto na nga. i hope you enjoyed dinner and the music CD. jet says thank you for the gift you gave.

    balak namin na magpunta sa bangkok when she gets back before the end of the month. tamang tama, it will be our 14th wedding anniversary on the 25th. what a nice way to spend it by visiting thailand. so be prepared to meet us again.

    cheers!

  3. nakakatuwang isiping na minsan kakilala mo pala yung kakilala ng kakilala mo. madalas din mangyari sa akin yung ganyan. magkakarugtung pala ang mga bituka namin 🙂

  4. sa singapore expo gagawin…

    btw, nasasarapan ka ba sa chicken rice? kumain kase ako sa singaporean resto dito sa ortigas na pag-aari ni aimee marcos… di ko nagustuhan… either di talaga masarap ang chicken rice o di talaga masarap ang chicken rice… hehehe

  5. hey-o, batjay, are you into sports, as in really into them? i noticed the quote in your title… not so much the words themselves but who said them. i always thought it was that famous pinoy football coach who told his kids that line. 🙂

    you guys really look happy and content in this photograph. how nice to be able to travel doing the thing you love, like writing! now that’s a dream come true talaga for me!

  6. bat! i really enjoyed that evening, especially since i’ve found out that our paths have crossed in orlando, florida, way back 2003!

    thanks again for the nice dinner! no signboard na tayo sa susunod for the chili crabs ha, pero wag kang dudukot! kami naman! para kang si pernando poe eh! dukot ng dukot!

  7. JenniPeng!

    kamusta na diyan sa pilipinas? sana ay masarap ang bakasyon ninyo. hehehe… gaylord. what a week. highlight pa yung concert ni huey lewis. lasing sa party. sayang, di pa tayo magkakilala nung time na yon.

    sige – tawagan nyo lang ako pag pwede nyo na akong ilibre sa no-signboad. hehe. sana narito na si jet by that time.

  8. masarap naman ang chicken rice – especially dito sa singapore. mayrong mga dinadayo na lugar na masarap talaga. ang sikreto ng chicken rice ay nasa kanin at chili sauce. chicken stock ang ginagamit sa kanin ng chicken rice instead na tubig, kaya malasa ito. tapos yung chili sauce na sawsawan ay mga family secret. ito ang nakapagpapasarap sa ulam. pag hindi masarap ang sauce, walang kwenta ang chicken rice.

  9. hi lara. di naman ako dedicated sportsman. pero i am a sports fan. napulot ko lang sa google yung quote na ito kaya di ko alam kung sino ang may claim to fame sa quote na ito.

    we’re a happy bunch here in singapore, that’s true. sarap kasi ng buhay rito. everything’s here and we’re able to do what we’ve wanted to do.

    wish upon a star.

  10. hi jay,

    speaking of bakasyon, pauwi na ako ulit sa atin for vacation then papasyal kami ng aking mag-ina diyan sa singapore from may 7-10.

    kita tayo kung libre ka, gusto kong matikman pati yung sinasabi mong curry fish head.

    roland

  11. Teka muna mylab…

    Si Jenn, na kaibigan nila Reg na kaibigan ni Leah na kaibigan natin. Yun ang kumpletong family tree.

    Hmmm… aba, ang dami mong ka-date ha… hmmmm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *