You got to roll me and call me the tumblin’ dice

kahapon ng umaga, tinawag kami ng boss namin sa kanyang kwarto for a highly irregular (and definitely unannounced) staff meeting. akala ko nga magpapakain ng breakfast. naalala ko, di pala uso ang magpakain sa singapore. anyway, sabi niya, kaya raw hindi pumasok ang isa naming office mate ay dahil nag self quarrantine (kaba-kaba-kaba).

apparently, yung father in law ng office mate ko ay nagkaroon ng high fever after visiting a clinic whose former patient contracted SARS. hmmm…. “interesting”, naisip ko, habang maraming scenario ang naglalaro sa fertile kong imagination:

1. (medyo excited) bibili na ba ako ng maraming chips at salsa, kung ano-anong chichirya at pagkain for a forced 10 day quarrantine at home! Yehey!

2. (natatakot) kung may SARS si father in law, baka may SARS din si office mate… baka magka-SARS din kami! Aray!

so we go through the motions of being responsible… everybody is informed. office orders thermometers. we check each other out and wait and see what happens next. it turns out in the late afternoon that my office mate’s father in law’s tests come out negative. (huge great big sigh of relief)

in retrospect over this incident: i feel as if, we are in this great big game, and some cosmic master is playing with our collective fates. gusto kong makawala at umuwi! melodramatic ba? hehehe…

You just slip out the back, Jack
Make a new plan, Stan
You don’t need to be coy, Roy
Just get yourself free.
Hop on the bus, Gus
You don’t need to discuss much
Just drop off the key, Lee
And get yourself free

sa office namin ngayon, required na ang bawat empleyado na mag-record ng body temperature 2x a day, which will be recorded. pag mataas sa 38 ang temp mo, uwi ka by ambulance at automatic quarrantine. lahat kami ay binigyan ng kanya-kanyang thermometer for this purpose (digital pre, high tech!). ilalagay ko sana sa pwet ko kanina yung thermometer kaya lang baka mag-iba ang tunog ng utot ko eh, pag panay ang tusok sa “bangag sa lubot”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *