WORK HARD, PLAY HARD

kahapon, medyo maaksyon ang araw ko. nag host kami ng conference sa seoul na buong araw. in typical korean fashion na work hard, play hard: kainan at inuman after the long day. kumuha kami ng isang kuwarto sa isang restaurant at doon ginanap ang post conference party. siyempre, hindi mawawala sa isang korean dinner ang kanilang national drink na soju. tuwang tuwa ang mga koreano sa mga foreigners kaya ang grupong apat na intsik at isang pinoy ay pinagkatuwaan ng husto sa pamamagitan ng walang patid na toast. mapapansin mo na lang, palakas nang palakas ang boses ng mga tao, nagsasayaw na kahit walang tugtog, marami nang mga impromptu speeches… ipekto lahat ng alcohol.

after the drinking spree at dinner ay ang main event. tradition din ito sa kanila: ang pumunta sa isang bar for yet more drinks. beer naman ang iniinom at non-stop tagayan pa rin. by this time marami nang casualty, isang lampshade na basag dahil may nag-attemp na itoast ang bumbilia, isang partition na sira dahil may umupo sa silyang walang sandalan, isang sofa na bali ang paa dahil isang napaupo nang bigla, dalawang intsik na tulog, dalawang intsik na makulit, isang pinoy na gising na gising pa rin, at sangkatutak na koreanong enjoy na enjoy.

natapos kami ng mga 11 ng gabi. what a sight to behold: dalawampung lasing na naglalakad sa kalye ng seoul. di ko alam kung anong mga hitsura namin pero mukhang normal na occurence lamang ito sa mga koreano at di kami pinapansin ng mga nakakasalubong namin. after korea, i plan to donate my liver to science.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *