“Women should not be enlightened or educated in any way. They should, in fact, be segregated as they are the cause of hideous and involuntary erections in holy men.” – Saint Agustine

dear unkyel batjay,

aalis na pala kayo sa pilipinas ni ate jet bukas. nakakalungkot naman. mami miss ka siguro ng mga kaibigan mo at mga kamag anak ano? sana naman ay hindi kayo masyadong mahirapan. siyanga pala, napasulat ako sa iyo dahil gusto ko pong humingi sa inyo ng payo. ano po ba ang gamot sa premature ejaculation? yon lang po. good luck na lang sa bago ninyong buhay.

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

oo sa katunayan, bukas ay aalis na kami ng pilipinas. punta muna ng singapore tapos diretso na sa paboritong city ng mga batangueno sa america, ang Ala-Eh (Los Angeles). from there baba na kami sa aming magiging bagong tahanan sa orins kawnti. ngayon pa lang nga nalulungkot na ako. minimemorya ko na nga ang ngiti ng nanay ko, ang tabas ng damo sa aking hardin, ang bawat poste ng bahay namin. baka matagalan kasi bago kami makauwi. gusto ko, naka record lahat ng masasayang alaala sa utak ko para pag na homesick ako, ipe-play ko na lang ito na parang pelikula. mami miss din siguro ako ng mga inutangan ko, sama mo na rin diyan ang mga matrona at bading na matagal nang gustong masalat ang aking ginintuang pototoy. ano ba ang gamot sa premature ejaculation? ang pagkakarinig ko eh kadalasan ang sanhi nito ay psychological in nature, dala siguro ng over excitement. ang aking personal theory ay dahil ito sa sobrang pagjajakol nung kabataan (you can trace every adult screw up to some trauma during childhood). anyway, ang pinaka effective na treatment para hindi agad mag come ay ganito: during the actual sex, isipin mo na lang na katabi mo ang lolo mo sa kama. yon lang muna at hanggang sa muli.

adios gumbay,
unkyel batjay

21 thoughts on ““Women should not be enlightened or educated in any way. They should, in fact, be segregated as they are the cause of hideous and involuntary erections in holy men.” – Saint Agustine

  1. Mahirap at kawawa naman ang babae pag ang nakatapat ay isang eager beaver ano? If I may share something to your female readers, ito totohanang nabasa ko. Girls, what you should do is slightly pinch the head of your man’s member. Nang sa gayon, mauudlot ng konti ang kanyang urge at maiiwasan nyang mag-climax agad.

    At tama ang sinabi ni batjay, mag-isip ng something unerotic. Pwede ring magconcentrate sa pagbilang ng tupa, ingatan lang at baka naman makatulugan nyo mga tsong ang sexual act. hehe

  2. ang galing nga mga payo mo tito rolly. tama ka in all cases. magaling ka talagang mag advice, funny but correct. pero teka muna, delikado yang counting sheep during sex. baka maisip mo kasi na nakikipag sex sa mga sheep.

    kinky!

  3. Hello po goodbye, hehehe parang beatles hello goodbye. Nice advice. Di po ako mapuan o malayan good things di ako puamsok dun mukha na kasing pera wala na ung ningning ng school na un. TUPian po ako and I am proud to be kasi dami kong alam na technical na di ko nagagamit sa trabaho pero nagagamit sa araw-araw na buhay tulad ng pag repair ng mga bagay-bagay. BTW, agustino ka ba, agustino kasi ako?

  4. Jaaaaaaay-o…idede-idede-idede-idede-ooooo…

    tuloy lunch natin sa airport on saberday, ya? my flight arrives 11.40am kaya tamang tama!!

  5. Naku, pano yan? E di shelved na muna ang plano nyong pumunta ng Angkor Wat?

    Good luck on your new adbentyurs in the US of A. E di magkakaroon ka na ng bagong listahan ng mga snappy answers to stupid foreigners’ questions US series?

  6. naku aalis n kau ni ate jet ha..kakalungkot nga yan..eh di ibig sabihin eto na ang katapusan ng kwentong tambay sa singapore huwaaaaa!!!!!!

    kakalungkot ang mga gudbyes ano po? pero dvale may panibagong adventures nman na dadating sa inyong new home sa tate hehehe…

    good luck sa trip!! ingats palagi!!

  7. wow! i just read ate jet’s new post! thanks for sharing this new chapter in your lives!

    this must be such an exciting time for both of you! i’m excited for both of you! ang galing naman yung story nyo…

    good luck with the big move! but you don’t need it since you have each other! i’m sure you’ll do just fine!

    L.A. rocks! i used to live there myself! it’s a great place for beginnings!

  8. Hi, Batjay! Haven’t been around in a while, but I see that you and Ate Jet are moving to LA. Good luck to both of you! But be careful: lots of Filipinos have gained weight their first year here. ^_^

  9. Sige, ingat na lang muna batjay at kay jet na rin sa punta niyo ng USA. Good luck there. [Hindi pa naman katapusan ito ng blogging ninyo no? πŸ˜‰ ]

  10. kuya batjay, goodluck po sa US at ingatz po! sanay patuloy pa rin ang paghatid nyo ng kasiyahan sa tulad naming tagasubaybay ng inyong blog! =) Godbless po!

  11. batjay,
    welcome to the istet…naks… naman mas maraming jokes ‘yung magagawa mo tungkol sa mga pinoy dito lalo na ‘yung mga paenglis englis na akala mo kung sinong mga bruhaha. but anyway, have a nice and safe trip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *