WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

22 thoughts on “WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN

  1. tso! ang pogi! si jet neneng nene, ganda 🙂

    Kakasulat lang ng klasmeyt mong ulyanin na si Ka Tadyong (hehe), totoo ba na 5.50 na ang pamasahe? Medyo tagilid ata ang sitwasyon tso. tsk tsk.Buntong hinginga na lang.

    Musta kay Jet.

  2. bwahahaha…. ex-pogi na lang ngayon at matanda na. di ko alam ang exact pamasahe pero alam ko eh talagang tumaas na. nasa manila pa kami ng nag announce. ang taas na kasi ng gasolina – kaht dito sa singapore, tumaas na ng husto. mas mahirap kung sa pilipinas based, di talaga parehas ang kinikita mo sa ginagastos.

    sana mas gumanda ang takbo ng buhay nating lahat na mga pinoy.

  3. Pareng BatJay, para pala kayong matinee idols. Pang-cover ng Kislap noon or ng Yes! magazine ngayon. Kitang-kita ang pagmamahalan ninyo. Sana ganyan din kami ng sweetheart ko.

    Congrats nga pala! Panalo ang Pistons. =)

  4. hi doc.

    ayoko ng kislap. gusto ko ay “twinkle” para english version. hehe. hindi sa “liwayway” na lang. pero huwag lang “tiktik”.

    honga, kakabasa ko lang na panalo ang pistons. sayang lang sina malone at peyton. i admired them for the huge pay cut that they took just to be part of a championship team. it wasn’t meant to be this year. perhaps next season pag lumipat na si kobe as ibang team. away kasi ng away sila ni shaq eh.

  5. tama kayo, 5.50 na nga ang pamasahe. tumaas din kagabi ang LPG by about 18 pesos per cylinder. buti na lang, naharang ng supreme court ang hinihinging increase ng meralco. samantala, ang bilangan ng boto para sa presidente at bise presidente ay hindi pa din tapos.

    hirap talaga ng buhay dito sa pinas. haaayyy.. hindi na ko nasanay…

  6. Ang tagal na nga ng picture na yan. May bangs pa ako, ikaw naman di pa malapad ang noo… hehe. That was the time you were on a strict fruit and soup diet, jogging tuwing umaga. Nakabarong ka pag nagsisimba dahil commentator ka pa sa simbahan noon.

    Ano’ng camera ba ang ginamit natin dyan mylab? Ilang camera na rin ang nagdaan sa mga kamay natin… may nawala sa airport, may nasira, may pinagsawaan. Haaay! Now I’m talking about cameras because the memories are too much to talk about. Much too much.

  7. uy batjay, totally unrelated ‘to sa post mo pero I have a question for you. pa’no i-convert to a url/link ang isang pdf file? i’m doing a blog for work and don’t know how to attach pdf’s sa posts eh. help! thanks!

  8. hi boy.

    hirap nga talaga ng buhay sa pilipinas, lalo na’t kung nasa lower income bracket. nagtaasan na lahat ng presyo.

    damned if you do and damned if you don’t nga ang mga options whether to leave or not to leave, ano? kami, we made the decision to leave 3 years ago. but not after working for 12 years in the philippines.

    sabi nga ng asawa ko kahapon, mas mabuti pa raw ang NBA… alam na nila kung sino ang nanalo.

  9. hello mylabopmayn.

    yan yung camera na binili ko sa US nung mawala/manakaw yung camera na binili ko sa hongkong. hehehe.

    maganda naman ang collective nating memories. parang pelikula ni dolphy… may sayawan, may iyakan, may comedy, may drama, may action. at kung ano ano pa.

  10. hi papa rodge. salamat sa well wishes. oo nga, ako man ay glad na wala na ako sa hospital. ang hirap palang ma confine at maging helpless sa kama. tapos naka gown ka pa na litaw ang pwet sa likod. dang.

    i’ve been reading your blog. inggit na inggit ako sa skydiving adventure mo at sa beach escapades.

    sayang, i wish we were in the states with you guys.

  11. Janno Gibbs and Manilyn! Aaaaaaaaaaaaaaaaaaargh!!!

    Mas gusto ko pa si Daruis Razon at Perla Adea. Kilala mo ba ang mga iyon? Kami lang nina Jet, Ate Sienna, Mona, Sassy L at lahat ng mga late 30’s over 40’s ang nakakakilala sa love team na ito.

  12. hi mec.

    ngyehehehe… guilty ba ako ng corruption of young little ladies. oo na. sige na. yan talaga ang aking role in life. ang mang seduce ng mga dalagang walang kaalam alam as mga makamundong bagay. pero actually, ako nga ang na corrupt ni jet. hehe. dati kasi, ako ay mahinhing talipandas, bago ako naging full blown malanding talipandas.

  13. Hi Kuya Jay! Speaking of old photos, I have written a haiku and a poem about it. By the way, ang cute ni Mama Jet ah. Mukhang super bait nyo sa picture noong MAS bata pa kayo ah. Hehehe.

  14. hi belle. siyempre mabait ako nung araw eh. hanggang ngayon naman eh mabait pa rin ako kahit mahigit isang metro na ang sungay ko.

    hi catsudon. hehehe… nag blush tuloy ako. thank you sa papuri mo kahit hindi tutuo.

  15. grabe! sir batjay!!! ang gwapo niyo pala DATI! hehehe syet tapos baba pa boses niyo! langya no wonder na-uto niyo si tita jet… kalaglag panty na combination… hehehehe.. ang ganda rin ni tita jet… pashy-epek pa ata yung pose niya… langya sheryl romnick naalala ko sa inyo eh.. hehehehe maitim ka kasi tapos si ate jet maputi… BAGAY!!! hehehe kelan kaya ako makakahanap ng tulad niyo pero mas maputi version… hehehe kulay tsokolate rin ako eh.. hehehe kawawa naman mga magiging anak ko kapag maitim din partner in crime ko.. baka uling na…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *