Winter must be cold for those with no warm memories

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo? sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayan, sampu ng inyong mahal sa buhay. may itatanong lang po ako unkyel tungkol sa isang nakakahiyang sitwasyon na nangyari sa akin. mabigat po kasi ang sipon ko at halos maubos na nga ang tissue sa bahay dahil walang hinto ang tulo ng aking uhog. kanina pong umaga ay na hatsing po ako habang naglalakad sa corridor ng opisina at hindi ko po alam na may paparating na tao – natamaan po siya ng brunt ng aking hatsing, unkyel. hindi ko nga po alam ang gagawin. napayuko na lang ako at lumakad ng mabilis. ano po ba ang tamang etiquette sa pagharap sa ganitong sitwasyon.

nagmamahal,
gentle reader


dear gentle reader,

mabuti naman at nabanggit mo ang “etiquette”. sikat kasi ang salitang ito sa singapore lalo na pag pupunta ka overseas. minsan nasa airport nga ako at nakaharap sa counter ng singapore airlines dahil may trip ako sa japan. ang sabi ng nasa counter sa akin – “mr. david, where’s your etiquette? i need it before i can give you a boarding pass, lah!” – aray ko. bwakanginangyan, nagiging corny na ata ako. anyway, balik tayo sa problema mo gentle reader – alam mo, wala ka nang magagawa kapag nahatsingan mo na ang kaopisina mo. ang pinakamaganda rito ay mag apologize ka at ipahiram mo sa kanya ang iyong bimpo. mas maganda nga kung nabasbasan ang bimpo mo ni brader eddie ng el shaddai, baka magmilagro si lord at gumaling agad ang magiging sipon ng opismeyt mo.

ingat na lang at sana mawala na yang bara mo sa ilong,
unkyel batjay


pakinggan ang DEAR UNKYEL BATJAY PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.

7 thoughts on “Winter must be cold for those with no warm memories

  1. tama ang payo ni mr batjay, pahiramin mo na lang ng pampunas, buti nga hindi mo naranasan gentle reader yung katapat mo yung opismeyt mong pogi sa canteen, tapos paghinga mo biglang lumobo na parang plastik balun yung uhog mo sa ilong sabay putok saka tumama sa katapat mo. aysus! hihilingin mo na sana bumuka na ang lupa at lamunin ka ng oras na yon

  2. oh, my!

    kakaloka talaga itong website mo…

    it’s been a while since i last visited. and now that i have extra time in my hands, i shall keep coming back for more.

    hayyyyyyyy… kaloka talaga!

  3. Galing ng payo mo sir. Tama, there’s nothing one can do but to apologize and offer help. Hope that he/she will understand that it was an accident. Ang mahirap e if the person takes offense at sampalin ka. That will be the problem. Ano ang gagawin mo? E talaga namang hindi mo sinasadya e, di ba?

  4. naalala ko tuloy yung isa pang experience ko tungkol sa ganitong sitwasyon, tito rolly. nakasakay kami ng classmate ko sa bus at bigla siyang dumura. problema ay tumama ito sa salamin ng bus at hinangin pabalik sa loob. umilag kaming lahat pero may natamaan sa t-shirt na innocent bystander sa likod namin. pababa na kami ng bus, apologize pa rin ng apologize yung classmate ko. buti na lang, hindi siya sinapak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *