Willpower is the ability to eat just one salted peanut

umalis kami nung birthday ni jet sa california nung sunday para sa isang linggo dito sa florida. may conference kasi kami sa orlando. eto ang trip na gusto ko – company event sa isang resort city. accidental tourist na naman at libre ang lahat ng accomodations at pagkain. pwedeng magsama ng asawa kaya parang mini vacation ang lalabas. plane fare lang ni jet ang babayaran ko. naka kuha ako ng murang ticket sa continental airlines – $200 lang ang balikan from california.

galing ano? for a coast to coast trip, ok na ang price na ito. nag stop over lang kami sa houston, texas. kaya halos walong oras ang total na byahe. na delay lang ng kaunti sa houston dahil naligaw daw yung eroplano.


ngayon lang ulit ako nakasakay ng domestic US flight in 3 years. bigla ko ngang naalala kung bakit ayaw kong sumakay ng eroplano dito sa amerika. UNA, hindi masyadong maganda ang mga airport dito. nakaka burat maghintay dahil walang masyadong magawa. TAPOS, masikip pa ang mga silya at walang masyadong leg room. pag may nautot nga siguro sa loob, malamang amoy sa buong eroplano. HINDI rin masarap ang pagkain. yung houston to orlando flight nga, mani lang ang binigay sa amin. siguro napansin ng maskuladong steward na bading na gutom ako, kasi dinagdanan niya ang mani na ibinigay sa akin. oo virginia, imbis na isang paketeng mani, ginawa niyang apat na paketeng mani. na spoil lang siguro ako ng singapore airport at singapore air lines. masasanay rin ako pagtagal.

19 thoughts on “Willpower is the ability to eat just one salted peanut

  1. sobrang mura naman ng round trip ni birthday girl. what i usually do e magbaon para sa mga flights to the US. di lang mani or pretzel, pero $5 ang sandwich na $2 sa grocery…enjoy florida….kitakits next month…

  2. sarap naman ng trabaho nyo sir.
    meron na rin sir na budget pa-pinas(mula gapore); walang meals. ang sabi binibili daw pati tubig dun. at gawa daw ng sobrang mura, pinapatay na raw nila yung plane kapag pa-landing na–cruising na lang.
    sa pr o sa sg:usually ginagawa ko kung gusto ko ng maraming mani, humihingi ako ng beer. ilang beer, ganun din kadami ng mani.

  3. ka junnie.

    yan nga ang naririnig ko sa mga kasama ko. bumibili ng pagkain sa labas at dinadala na lang sa loob. nakakapanibago lang ang setup sa nakasanayan ko sa service sa asia-pacific.

    malapit na pala ang february ano? ayos na ayos yan.

  4. I haven’t been to many airports outside the U.S., but I agree that the ones we have suck. Also, did you know that if you’re, ahem, large enough to take up 2 seats that you have to pay an extra fare?

  5. ay pucha sayang, di ko alam na may stop over pala kayo dito sa houston..sana man lang na meet ko kayo ni jet ng personal..pagbalik nyo sa cali at maliligaw ulit ang eroplano dito sa houston, let me know pare, para naman makakuha ko ng autograph mo..

  6. oo nga mr batjay korni ng domestic flights d2, para ka lang sumakay ng bus, dapat talaga may baon ka ng sandwich sa handcarry mo,para d ka gutumin!

  7. Sir Batjay,
    Yung budget airlines (no frills) bet SG & PH ay ranging from SGD200-300 lang pag non-holiday season. Napaka-mura talaga kaya walang problema ang pamasahe, yun nga lang pag nasa pinas na, yun ang magastos. And besides, mahirap mag-sched ng leave. May friend nga ako na ‘wag lang madikit ang 1-day holiday sa weekend ay umuuwi ng pinas. I’ve tried it once, yung food & booze bibilhin mo. Prices are slightly higher ng nasa mga food courts.

  8. jay-o!! i-je-jay-o!!

    i had to take din a domestic flight recently from boston to newark (on Continental) and it was THE most uncomfortable 1.5 hours trip ever! tapos ang sunget pa ng steward na bading! hmph!

    pero tama ka, if you’ve flown SQ, anything else doesn’t seem good enough.

  9. buti nga, mayroon pang fish crackers at cup cake diyan sa inyo. pero in fairness doon sa airline na sinakyan namin, nagbigay naman sila ng sandwich during the connecting flight from houston to orange county.

  10. LEAH! LEAH! LEAH!

    nasa singapore ka na pala. malamig ba sa east coast nung dumalaw ka? ngyehehe. iba talaga ang service sa SG flights at maraming kakainin pa ang mga airlines dito sa merika.

    musta na lang kay ka eder. miss na namin kayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *