Will you find a reason to see what I have today

BIKER DUDE! ok ang sunday namin ni jet. maaga akong nagising at diretso akong nag bike sa beach. maganda ang panahon kanina. mahangin at di masyading mainit. pagdating sa bahay, nagluto ako ng brunch namin. siyempre, kumakanta ako habang nagluluto. yan nga pala ang dahilan kung bakit maamo sa akin ang mga kumakain ng luto ko. tumatalsik kasi ang laway ko sa pagkain eh. hehehe. simple lang muna ngayong lunch – salmon with olive oil at ginisang toge. mamayang dinner ang medyo challenging: magluluto kasi ako ng beef stew. upgraded na ang skill set ko at graduate na ako sa stir fry. di na nga ako makapaghintay. sa sobrang excitement ko nga, parang gusto ko na namang mautot.

ang maganda pang nangyari ay sa sobrang ganda ng araw na ito (so far), biglang na inspire na mag blog ulit ang aking mylabopmayn kaya na break tuloy ang kayang hayatus. puntahan ninyo sa “My Life… A Cup of Deja Brew”

“kung umutot ako sa forest and there’s nobody there, will it make a sound? hehe. will it make a smell?” fart of my meditation shit kasi maganda ang weekend namin.

10 thoughts on “Will you find a reason to see what I have today

  1. Thank you mylab. Ganda nga ng bati saten ng umaga ngayon ano? Parang hindi Lunes bukas… hehe. It’s the kind of morning I’m grateful to have someone to share it with… kinda makes it more special.

    Sarapan mo luto mo ng beef stew ha. Pag successful, imbitahin natin sila Tin and Leah next weekend para masampolan nila.

    Labyu… just because your here… today.

  2. Does that mean madadagdagan ang pulutan natin nila Doc Emer pag nagkita-kita tayo sa bahay mo? Aba, wag mong damihan ang putahe at baka sa ospital tayo pulutin. Remember, barkada tayo ng matataas ang blood sugar. hehehe

  3. hello mylabopmayn.

    oo nga mylab. sana parating sunday morning. ang sarap nga ng umaga kahapon. next sunday ulit. hehe. lab U! nasarap ka ba sa beef stew? baka di mo nagustuhan dahil sobrang anghang.

    in any case, marami ka namang nakain at mabilis ang kain mo kaya masarap nga siguro. hehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *