Who spits against the wind, spits in his own face

dear unkyel batjay,

mayroon lang po akong gustong isangguni sa inyo at sana po ay matulungan ninyo ako. kakatapos ko lang po sa college last school year at engineer din po ako tulad ninyo. dean’s lister pa nga ako at hindi naman po sa pagyayabang, natapos ko ang course ko ng 4 and a half years. nakapasok naman po ako sa isang magandang engineering firm dito sa maynila at marami kaming mga project sa iba’t ibang parte ng pilipinas. ok naman po ang suweldo ko pero may problema po ako sa boss ko. araw-araw po na ginawa ng diyos ay inuutusan niya akong magtimpla ng kape niya. naiinis po ako. hindi naman po nagsakripisyo ang mga magulang ko na patapusin ako sa pag-aaral para lang magtimpla ng kape. ano po ba ang maganda kong gawin? ayoko naman pong umalis dahil maliban sa pagtimpla ng kape ay gusto ko po yung ginagawa ko doon. tulungan po ninyo ako unkyel batjay.

lubos na gumagalang,
gentle reader


dear gentle reader,

ganyan talaga sa mga engineering firm, mayroong initiation rites at siyempre yung pinaka junior ang balagong. ganito na lang ang gawin mo para makaganti ka sa boss mo: sa susunod na magpatimpla siya sa iyo, duraan mo yung kape bago mo ibigay sa kanya. baka sakaling bumait siya sa iyo pag natikman niya ang laway mo.

ingat na lang,
unkyel batjay


pakinggan ang DEAR UNKYEL BATJAY PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.

19 thoughts on “Who spits against the wind, spits in his own face

  1. dapat samahan mo na rin ng masarap na pandesal yung kapeng binibigay mo sa boss mo sa katagalan baka ipromote ka na nya at gawing chef

  2. ako na lang ang dudura if your gentle reader wants… malala ang sipon & ubo ko e… para may condensed milk yung coffee HAHAHAeehehekehek

  3. Magaganda ang mga unang payo sa iyo. Pero kung di mo kayang dumura sa kape meron akong mas simpleng paraan. Hayaan mong dumumi ang mga kuko mo. Yun bang gaya ng sa mga mekaniko. Tapos siguruhin mong mapapansin ito ng boss mo habang inaabot mo sa kanya ang tasa ng kape, na kung maari pa ay malapit sa labi ng tasa ang hawak mo, o kaya ay nasa kape mismo ang isang daliri mo. Tinitiyak ko sa iyo, pagpasok ng boss mo kinabukasan ay meron na siyang dalang Starbucks.

  4. gentle reader, ang gawin mo ipunas mo sa sahig ‘yung panghalo mo ng kape. ok rin ‘yung duraan, pero parang nakipag lips to lips ka sa boss mo. nung araw, dahil ayaw namin na nagyoyosi yung ibang kabarkada namin, ginawa ko at ng aking best friend e nilagay namin sa ilong ‘yung sigarilyo nila.

  5. parang ganon na nga lang siguro gagawin nya. Duran yuung kape. Kaya lang siguraduhin nyang pag me bago ng balagoong, e hindi nya uutusan parati at baka siya naman ang makatikim ng laway ng iba.

  6. isa pang view point mula sa angulo ng ibang kultura. sa mga business trip ko sa headquarters ng toyota japan for about a month, yuong mga ol (office ladies -nagtapos at pumasok sa opisina para maghanap ng asawa, tapos magreresign) ay maagang pumapasok at pupunasan nila yuong mga lamesa ng lahat at tapos ipaghahanda ang lahat ng green tea. green tea o kape ulit bandang alas tres ng hapon. kahit na world class itong toyota (although sabi nila sa akin ay binabago na daw nila) medyo makaluma parin ang kultura, kahit na yuong mga ol ay mas technically capable at experienced kumpara sa mga salaryman nila.

  7. medyo traditional nga sa japan. mali para sa akin pero ganoon talaga ang kultura nila ano? sa office din namin sa tokyo, yung mga babae ang naghahanda parati ng mga tea.

  8. nung nasa pilipinas pa ako, parati akong ipinagtitimpla ng kape ng mga messenger namin sa opis. mabait kasi ako sa kanila eh. hehehe. pag bigay sa akin ng tasa, tinatanong ko parati kung dinuraan nila yung kape.

    oo raw! hehehe.

  9. hehehe..baket pag ingdyinir ba inde pede magtimpla ng kape sa boss? wag mo naman duduraan..wag mo din lalagyan ng sili ang tasa..wag mo din lagyan ng kulangot..wag kang baboy..ano bang timpla ang gusto ng boss mo?? lagyan mo na lang ng madaming asukal para in time madedo na sya sa diabetes..gamitin mo ang pagka engineer mo..sayang ang talino mo..simpleng bagay inde mo masolusyunan..kung sa kape sya nabubuhay..sa kape din sya mamatay hehe

  10. ok ang mga kababuyan nyo mga tsong! pero duraan nyo na lang. epektib un! ginawa ko na un ng mensahero pa ako sa makati. ang balasubas kong babae na boss, bumait saakin ang naging pet nya ko! wehehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *