sumulpot sa walang kabuluhang pagpupulong

nakahinto siya sa stoplight habang nagmumuni-muni: “ang pinakamasaklap na paraan upang mamatay,” isip-isip niya, “ay ang malunod sa septic tank”.

habang abala siya sa pagninilay tungkol sa death by septic tank ay may biglang tumabi sa kanya na isang kotse. babae ang driver at isa itong asian, nakasuot sa ulo nito ang isang napakalaking sumbrero na halos tumakip sa buo niyang mukha. naka long sleeves din ito at nakasuot sa kamay ang makapal na gwantes. “ayaw umitim ng bruha,” ang wika niya, sabay apak sa silinyador. nag go na kasi at gusto na niyang makarating sa opisina dahil may libreng pakaing naghihintay doon.

donut ata at kape para sa unang limang sumulpot sa walang kabuluhang pagpupulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *