All the vampires walkin’ through the valley

last saturday, nag sponsor ang company namin ng indoor skydiving sa perris, california. ito yata ang mecca ng skydiving sa southern california. ang daming sira-ulo roon na tumatalon sa eroplano.

IDSkyDive-043

ang sarap pala ng pakiramdam ng skydiver, kahit simulated lang ang ginawa namin sa loob ng wind tunnel. feeling mo, para kang si darna. sa murang halaga na $20 ay binigyan kami ng tatlong 1 minute “flying time” sa loob ng tunnel. i must say, it was breathtaking and i can’t wait for the real thing. ang isa kasi sa mga matagal ko nang pinapangarap ay mag solo skydive, hopefully before i turn 45 – habang tigas titi pa.

actually, matagal ko nang pinaghandaan ang skydiving trip namin dahil sa wakas ay nagkaroon ako ng chance para isuot yung jumpsuit na ginawa ng auntie nana ko na isang batikang sastre.

LIPAD DARNA, LIPAD!

23 thoughts on “All the vampires walkin’ through the valley

  1. masarap talaga mag-sky dive … i’ve done the tandem jump in santa barbara, ok sa view! … good luck sa iyong solo jump.

  2. wow, santa barbara – what a great place to do a tandem jump. iniisip ko nga, pumunta ng san diego para sa tandem. at least mas maganda ang view kaysa sa perris.

  3. wow, skydiving! inggit ako sa inyo! we have to try that too, though i strongly doubt if soulmate has the heart for it. matatakot yun sigurado ako! siguro feeling superman kapag lumilipad na, ano?

  4. oo doc, pakiramdam ko para akong sinaniban ng magkasamang darna at captain barbel. ang galing.

    pag nagpunta kayo rito, dalaw tayo sa perris para ma experience ninyo.

  5. I have low threshold when it comes to risky rides or activities. I don’t think I can manage to do the real skydiving but I would not want to miss the opportunity to do the indoor skydiving.

    You are really good at photo editing. That picture is hilarious.

  6. 250 lbs and below. inaderwords, pag kasing bigat mo yung eroplano, huwag na lang mag attempt.

    hi evi. the artwork’s not mine. it was done by polo – super duper artist extraordinaire. indoor skydiving’s like a roller coaster ride – simulated thrill that almost feels like the real thing.

  7. dito sa Sg, marami pa ring tumatalon ng walang parachute. lately lang may tumalong “pinay-na-pinoy” (tibo) dahil sa love triangle…:(

  8. MAKIKISABAT PO!!

    sosyal naman kayo..ako naman eh mag da dive lang po sa may skyway para naman magamit yun heheh wla kasi masyado nakakatapak dun..masyadong mahal…

    o kaya jan ako mag la landing sa c5 para sikat hehehe…

    sna makarating din ako sa amerika..

    pero sa ngayn makikiamot muna ako ng enjoyment at xSITEment k unkyel!

    GREETINGS!

    doc emer salamat sa comment mo sa blog kong ng uumpisa palang umusbong na parang dalaga at binata hehehe… dito muna tayo mag skydiving hanggat wla pa tayong ticket papuntang amerika..heheh

  9. hehehe, ang galing ano? para kaming mga bata doon sa loob ng wind tunnel.

    hey KB, kailangang magkita na tayo soon. malapit nang mag expire ang lease namin sa apartment and i don’t think we’re going to renew.

    ingat!

  10. Langya ka talaga, Batjay! Muntik na akong mahirinan nang matunghayan ko ang Darna persona mo kasi nagtatanghalian ako nang buksan ko. Ang galing mo pumili ng Darna version na gagamitin..laki ng boobs! Siguro si Anjanette Abayari yan, ano? Seksi mo, bossing! πŸ˜‰

  11. mas seksi ako ngayon kasi panay ang work out ko, kaya ko na ngang pagalawin ang boobs ko.

    hey AJay. sayang, sana nasubukan mo. masarap ang experience ng simulated flight.

  12. I know how much you love it so let’s do the real thing on your birthday Pa. Maybe that will be my birthday present to you. πŸ˜€

    Labyu!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *