WHERE THE SUN DOESN’T SHINE

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE ROMANIA. isang babae ang nahuli ng mga pulis kamakailan dahil sa pagnanakaw ng mga cell phone. nakita umano ng mga pulis ang ninakaw na cell phone sa loob ng pwet ng babae.

hinarang ng mga pulis ang isang nagngangalang petronela brandus, 24 years old, habang pababa sa bus nang magreklamo ang mga pasahero na siya raw ang nagnakaw ng cell phone. hinanap kung saan saan ang nawawalang telepono pero hindi nila ito nakita.

susuko na sana ang mga pulis sa paghanap nang may nag suggest na subukan nilang tawagan ang nawawalang telepono. laking gulat na lang nila ng bigla silang may narinig na kiri-ring sa loob ng damit ni petronela. dinala siya agad sa presinto at ginawan ng strip search. laking gulat nila ng makita ang ninakaw na cell phone sa loob ng pwet ng babae.

nabawi nila ito pero nilubog raw muna sa alkohol bago isinauli sa may ari. BAYAN, ang moral lesson ng balitang ito ay – sa susunod na magnakaw ng cell phone, ilagay na lang sa pekpek imbis na sa pwet.

ANG BALITANG ITO AT ANG PODCAST PARA SA MGA MALABO ANG MATA AY INIHATID SA INYO NG “BIRCHTREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NG DALAGANG INA”

19 thoughts on “WHERE THE SUN DOESN’T SHINE

  1. kung kukunin mo nga yun, kahit siguro ibabad sa alcohol o kaya i-steam, ayawan na. biruin mo tuwing gagamitin mo, feeling mo nakadikit yung puwit niya sa mukha mo, o kaya hinahalikan mo yung ass niya,, pwedeng sa hole pa di ba? yaiks~!

  2. bossing

    bago mahuli ang lahat, binabati kita sa iyong kaarawan at merry christmas din.

    hangad ko ang perpektong kalususang, maayos na trabaho, mainit na pagmamahal buhat sa yong maybahay, mainit na pagmamahal ng mga kaibigan, at masasarap ng pagkain para sa iyo.

    (baka kase hindi na kita ma-greet sa takdang araw ng iyong kapanganakan at sa araw ng pasko)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *