Where no one asks any questions, Or looks too long in your face – In the darkness on the edge of town

GENTLE READER: dear unkyel batjay, welcome back! ang gaganda naman ng pictures ninyo doon sa “jay and jet’s bakasyon ispesyal in kiwiland”. at very interesting din ang kwento ni jet doon sa kanyang latest blog about your stay in auckland. buti pa siya, magaling magkwento – di katulad mong puro drawing. pero, ang tagal mo ring nawala ano? ang galing mo talaga, nakakapunta ka sa mga iba’t ibang lugar. masarap ba ang maging isang byahero?

UNKYEL BATJAY: kamusta na, GR? matagal din akong nawala, ano. masarap ba talagang maging isang byahero? kung ok lang sa iyo ang nakaupo ng sampung oras sa eroplanong masikip na may katabing taong mas malakas pa sa kanyon ang putok. kung ok lang sa iyo ang maghintay sa harap ng isang immigration officer dahil iniisa-isa niya ang mga page ng passport mo na halos kabisaduhin niya lahat ng mga tatak rito. kung ok lang sa iyo ang magbuhat ng bag na sa sobrang bigat ay halos halikan na ng iyong luslos na betlog ang lupa. kung ok lang sa iyong sumagot ng mahigit 600 emails pagbalik mo sa opisina. kung ok lang sa iyo ang umurong ng todo ang iyong pototoy dahil sa sobrang lamig ng klima. kung ok lang ang lahat ng ito sa iyo, eh di oo masarap ang maging isang biyahero.

14 thoughts on “Where no one asks any questions, Or looks too long in your face – In the darkness on the edge of town

  1. Sabi nga nila, laging 2 side ang kwento. Kung may sarap, may hirap. I’m sure naman, from your previous entries, marami ka ring sarap na nakukuha sa pagba-byahe.

    Salamat naman at nagustuhan ni ‘gentle reader’ ang kwento ko. Pinipilit ko talagang makapag-kwento ng maayos, kasi di naman ako marunong magpatawa gaya ni unkyel batjay… hehe.

    Labyu mylab! At salamat ulit sa pagsama saken sa NZ.

  2. marami ngang mga perks ang pag byahe mylabopmayn. pero it really isn’t that much fun when it’s work related.

    masuerte talaga pag nagsabay yung work with pleasure like what happened in this trip. it seldom happens but when it does – it is fun. salamat sa pag share mo sa trip na ito.

  3. welcome back bro, alam ko na miss na miss mo na ang chicken rice, curry fish head, nasi lemak at ibp. at good news mura na ang itlog ngayon…. wala na raw bird flu…

  4. salamat kuya goliath… aba! parang tula.

    di pa nga ako nakakakain ng singapore meal since we arrived. perhaps next week. this weekend puro home cooking kami ni jet kaya pinoy food until sunday.

    next week may mga bisita ako kaya siguradong papakainin ko sila sa labas – sa tingin ko ay sa jumbo ko sila dadalhin para makatikin ang mga kupal ng pepper crabs na makakapagpalaglag sa mga karsunsillo niya.

  5. ang ganda ng mga pics nyo. nz is beatiful. binasa ko din yung blog ni jet. masarap talaga magbyahe. kinda correct ka dyan, pag work related di masyado ma-enjoy yung trip. kelangan mag-extend talaga.

  6. WELKAM BAK to singapore/reality hehehe

    Sa suma ng sagot mo kay Gentle Reader e halatang-halata talagang nag-enjoy ka sa travelling hihi

  7. Buti na lang ganyan ang sagot mo unkyel. Inggit na inggit na ko sayo dahil parati kang bumibiyahe e. A least may pampalubag loob. At least hindi ko nararanasan ang mga yan. Kunsabagay, if beauty is in the eyes of the beholder, ganun din siguro ang pagbiyahe. It’s all a matter of perspective e no?

  8. BatJazz,Jet!
    welcome back nga pala! hehee! wala lang…walang maisip na idea so binabasa ko lang itong mga BetLOGs from Kiwiland mo at naiihi na naman ako sa kamwamwahaha!

  9. hey tito rolly,

    masarap-masakit-nakakainis-exciting but definitely not a “glamour profession” (patang kanta ng steely dan, ano?).

    pero tama ka – it’s all a matter of perspective and you take both the good and the bad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.