WHERE EVERYBODY KNOWS YOUR NAME

CLICK TO ENLARGE. sina tin at ronald, ang aming mga bagong kaibigan sa singapore. nakasama namin silang nag dinner last saturday.

gusto kong i-feature ang mga kaibigan naming pinoy rito sa singapore na may mga websites. nag kita-kita kami 2 sabados ago at karamihan sa kanila ay nasa dalawang photo na iyan. sina christine at ronald, ang aming mga bagong kaibigan at nakasama namin silang nag dinner. puntahan niyo ang site ni tin na “My World.. My Life” para ma explore ninyo ang bago niyang buhay bilang temporary homemaker.

CLICK TO ENLARGE. birthday rin ni nona kaya nagkita kita ang mga ibang pinoy sa singapore. great party pero di ako makainom kaya nasa isang tabi lang ako. hehe

birthday rin ni nona and she hosted a great party pero di ako makainom, kaya nasa isang tabi lang ako. hehe. naroon ang sweet na mag partner na sina reggie at si sexy cherrie. siyempre, naroon din sina leah at eder. matagal na kaming di nagkikita pero, si world famous boss idol dengcoy miel ay dito rin nakabase sa singapore. abangan ninyo ang kanyang bagong cartoon strip sa philippine star this july.

si donita rose din ay dito nakabase sa singapore. pero hindi ko siya kaibigan at di ko alam kung may website siya. nakita namin siya a few months ago, buntis na buntis. sobra nga ang laki nga ng tiyan niya, akala mo puputok na. nahihiya ako, pero itatanong ko sana kung virgin pa siya. hehe.

15 thoughts on “WHERE EVERYBODY KNOWS YOUR NAME

  1. Di ko pa natatanong sayo, yun bang ex-gf ko nakikita mo jan? Si Asha Gill? NAg birthday siya nong July 3 e. 🙂

    Ang saya nyo naman pala jan kaya okay lang no?

  2. dito pa ba naka base si asha gil? parang wala na rin ang ex-girl friend mo rolly. hehehe…

    mayron pa ata siyang show sa discovery travel channel: “six degrees”, tama ba?

    siya rin ang host ng “weakest link” singapore edition. pero di na ata ito binalik.

  3. Sa susunod na makita mo si Donita…pakihingi ako ng autgraph…pero dapat yung baby sa tiyan yung mag-sign.

  4. uy hi osang.

    maraming salamat sa information, pag dating ng araw, tatanawin kong isang malaking utang na loob ang ginawa mong ito. salamat ulit.

    pinuntahan ko nga pala ang site niya. maganda pa rin si donita kahit malaki ang tiyan.

  5. sana may email alert everytime may magiwan ng comment para mabasa ninyo ito…
    taga GP kasi ako (actually, sa manila office ng GP)… yung remittance company na may restaurant din sa lucky plaza. na-recognize ko kasi sa pics nyo dito. tanong ko lang kung pwede ilagay yung pics ninyo sa website namin? thanks!

  6. kamusta kabayan?

    mayron naman talaga akong email back sa lahat ng naglalagay sa comment kaya nakikita ko ang mga message ninyo. anong pictures yung binabanggit mo na gusto mong ilagay sa website ninyo? ano ba ang address ng website ninyo para makita ko rin?

    ingat at merry christmas!

  7. hello batjay

    napadaan uli ….kilala ko yung nasa pic si ronald…ka opismate ko sya dati sa nortel….bagong graduate lang siya noon eh..di na siguro ako matatandaan nun (finance dept)…anyway, small world talaga….
    atsaka gracean ako 🙂 katabi namin ang notre…
    take care both you and jet…and i hope you’ll be as happy in oc as in singapore

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *