WHERE BROKEN HEARTED LOVERS DO CRY AWAY THEIR GLOOM…

sa mga di nakakakilala sa akin, ako nga pala si batjay, ang “elvis presley ng quiapo“. tingnan mo yung picture ko doon sa upper right ng screen. hindi yung aso ha. your other right. di ba kamukha ko si elvis na may gitara? gawa iyan ng idol kong pinoy artist na si dengcoy miel. i digress, back to elvis… i’ve loved elvis’ music simula pagkabata. wala pa akong buhok sa pwet, paborito ko na siya. until the end of his life, in spite of the drugs, overeating binges, pagka praning and all that crap, his voice never failed him. i loved that voice and tried to imitate it but all i could come up with is a poor edgar mortiz imitation. dang. pero ok lang, sabi nga ni elvis eh “that’s alright with me”.

o siya. heto na ang tribute ko kay elvis: are you lonesome tonight, alay ko sa lahat ng mahahaba ang patilla. pakinggan nyo na lang. habang kinakanta ko nga pala ito, naghuhugas ng pinggan si jet kaya maraming mga platong kumakalampag. pakinggan nyo rin yung ending, parang si elvis mortiz talaga. hehe. andy kaufman man lang sana.

bakit ba ako pakanta kanta pa ng mga elvis songs? 50th anniversary kasi nung lunes ng kantang “That’s All Right”, ni record ito ng then unknown na bagets truck driver from memphis na si elvis presley. although it was not a number 1 hit, napatunayan ni elvis sa kantang ito that there is a future in the music that he embraced and helped define. “that’s alright” became known as the first rock and roll single. the rest, as they say, is history. etong kanta nga palang ito ay ginawa ni elvis bilang birthday gift sa mommy niya. kahit kasi anong giling at sexy dance ang gawin ni elvis sa harap ng milyong mga kababaihan, mama’s boy pa rin siya. hehe. siguro ganon na lang ang pagmamahal ng mommy niya kasi elvis was an only child. pero mayron siyang kakambal, si jesse garon, na namatay pagka panganak.

27 thoughts on “WHERE BROKEN HEARTED LOVERS DO CRY AWAY THEIR GLOOM…

  1. Maganda talaga ang boses ni Elvis. And he’s sexy without even trying (some men are just born with it). I still enjoy his old movies. Blue Hawaii, especially.

    But not his concerts nung gurang na sya. Nung nagsusuot na sya nung puting bell bottomed suit na may agila pa sa likod at may belt malapad pa yata sa hita nya. Hay, ang baduy!

  2. ako rin type ko ang mga movies niya and all the songs of the first two years of his career. these are the best.

    although he loved hollywood, did you know that he hated all his movies? well he did, except for one – “KING CREOLE”. the rest he hated but he accepted the cash. hehe.

    he also loved to eat which was why he became fat in his later years (which he also hated). he loved peanut butter and banana sandwiches, and ate a large amount of burnt bacon. he also loved pepsi.

  3. uy,fave ko rin si elvis!!typ na typ ko itsura at kanta nya,hehe tama hanapin mo si microphone at sampulan mo kami!!hehehe ingats palagi

  4. magaling sana si Elvis kaya lang kinukulili ang tenga ko kasi paboritong paborito siya ng kapatid ko. Naku, lahat ng album, write-ups meron siya. Just like Michael Jackson na mas nagustuhan ko mga kanta nung kasama pa siya sa Jackson 5, mas gusto ko yung mga kanta niya nuong bata pa siya. Sassy, baduy talaga fashion nung 70’s. Di lang si Elvis. But the music was great!

  5. naka bellbottomblues ka rin bang katulad ko tito rolly? sigurado ako. hehehe. teka hulaan ko ah..

    bell bottom pants
    bulaklakin na shirt
    leather shoes na mataas ang takong
    belt na malaki ang buckle
    long hair

  6. My dad’s a big ELVIS fan kaya lumaki akong nanonood ng concert nya sa tv (tsaka sa betamax, hehe) and we used to listen to his albums all the time… kaya hanggang ngayon alam ko pa rin ang mga words sa mga kanta nya 😀

  7. ayos mik. thank you. para mo nang sinabi na kasing edad namin ni tito rolly and daddy mo. hehehe.

    pag nagkita tayo, papakantahin kita ng hound dog.

  8. I think Elvis is the Michael Jackson of his generation. His sideburns and pelvic movements are patented just like MJ’s “hihihi” and moonwalk floats. Sana magpa-sample ka kahit konti, BatJay. =)

  9. Binili ko yung Volume 2 ng biography niya, Careless Love, but I haven’t been able to get hold of a copy of the first one, Last Train to Memphis.

    At hindi ko pa siya nababasa pa.

  10. “para mo nang sinabi na kasing edad namin ni tito rolly and daddy mo. hehehe.”

    Hindi ba? JOKE! HAHA di no, inexplain ko lang kung bakit Elvis fan rin ako… dahil sa tatay ko…

    You ain’t nuthin’ but a hound dog…

  11. Mylab talaga, ok na yung kanta e, ginulo mo na naman sa huli. Baka magalit sayo si Elvis nyan. Pero di bale, peborit singer pa rin kita. Labyu!

  12. hi doc emer. nakagawa na ako ng kanta doc. naka post na doon sa blog ko kagabi pa. pakinggan mo hanggang sa huli dahil maganda ang ending ko.

    hi ninaaaaaaaaaaaaaaaang! welcome back. miss ka na namin. ako rin sina justin timberlake na ang inabot ko eh. hehehe.

    hi paul. ako, i have the prescilla presley autobiography. great read if only to get an inside view on the life of the king. hirap din siya sa simula dahil she was underage when elvise met her. i also have an old beta copy of the elvis story in my parent’s house in novaliches. probably unplayable already.

    hi mik. hehe… malamang nga kasing edad namin ang daddy mo. eh ano ngayon, cute pa rin naman kami eh kahit tito na ang tawag sa amin ng mga bumibisita sa aming mga site. hehehe.

  13. hello mylabopmayn.

    sinubukan ko kasing gayahin ang style ni elvis. ginaya ko yung boses, intonation, modulation… di ko lang magaya yung yo-hoo-le-hee-who niya. ngayhaha.

    salamat sa inyong paghanga. at least i know that in this world, there is someone who likes my work. hehehehe.

  14. my mom was a big fan of elvis. huge fan. when i was much younger at siyempre more naïve, she told us that before she got married, elvis was her boyfriend. yup, i believed her. until my dad convinced me otherwise years later. then there was also the time she told us (my brothers and i) that elvis died because he ate too much peanut butter. she did this i think because we were consuming waaaaay too much peanut butter then. it worked…for a while. then discovered smucker’s peanut butter and grape jam….and didn’t quite care if we died eating too much of that. basta happy…haha!

    nagkwento na sa comments…hehe…

  15. hehehe.. ayos leah. actually baka nga tutoo yang peanut butter dahil addict si elvis sa peanut butter and banana sandwich. eh di kaya mo ring kantahin yung hound dog?

    di ba kinanta ko na ito sa bahay ninyo? ay tom jones ata yon. hehe.

  16. Hi Batjay! Favorite ng favorite tita ko si Elvis and when we were kids, naiimpacho kami ng mga pinsan ko sa kakapatugtog niya ng Elvis music. Favorite ko ang Can’t Help Falling in Love at Jailhouse Rock.

  17. ako rin fans ako nyan buti na banggit nyo si idol galing na dancer nyan kasama nya dati streetboys kaso nagsolo na xa sayang xa gumawa kanta ng sex bomb???

  18. Fan na rin ako ni elvis ngayon. Sayang nga dati pinabayaan ko lang mga plaka nya na mabaha kasi hindi ako interested sa rock and roll. Only recently when I listened to “elvis is back” album. Ngyon collect ko lahat ng plaka nya sa ebay. Hehehe. So excited na umuwi ng Pilipinas to see my collection of Elvis albums and CED videodiscs ni Elvis (ced is a vinyl movie prior to Betamax)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *