Whenever these blue teardrops are falling

dumalaw ako sa groovy kong doctor mary last thursday para sa aking regular check-up. nagpupunta ako sa clinic niya every three months para sa diabetes ko. tuwang tuwa nga ang lola dahil maganda ang results ng lab exam ko. normal na ang aking hemoglobin A1c, triglycerides at cholesterol levels. wala na rin akong hypertension at although above normal pa ng kaunti ay medyo bumaba na ang aking blood sugar. in short, kaunting sariling sikap pa at malapit na akong maging normal na tao. ang pinaka ok sa lahat eh wala akong ininom na medication – puro exercise lang at diet. malaki na ang nabawas sa timbang ko. last january, ang weight ko ay nasa 216 pounds. ngayon nasa 175 na lang. that’s a 41 pound drop. not bad ‘no? ang goal ko ay bumaba ng mga 155 pounds, hopefully, by the end of the year. huminto na ako sa paninigarillo, kumakain ng tama at nag e-exercise araw-araw. ang sarap nga ng feeling knowing na sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging healthy ng ganito. ironic na na achieve ko ito at age 40 but what the heck, i don’t mind it at all.

nabanggit ko na ba na ang doctor ko isang sikat na babaeng biker na sumasali sa mga harley-davidson parade dito sa southern california. naiinggit nga ako sa kanya – gusto ko rin kasing mag motorsiklo dito kaya lang ayaw akong payagan ni jet. ayaw niya siguro akong maging potential organ donor. kung sabagay, wala ka kasing kalaban laban pag na aksidente ka at malamang ay gagawin mong preno ang mukha mo pag tumilapon ka. pero tulad ng parating sinasabi ng isa kong tauhan nung ako’y gumagawa ng mga planta sa bundok – “sir septipers, weryur hilmet.”

25 thoughts on “Whenever these blue teardrops are falling

  1. Well, ika nga, it’s never too late to get healthy.

    Congrats Nic sa pagbaba ng iyong timbang! πŸ™‚ Tuloy-tuloy na sana iyan.

  2. bosing,

    wowowee!!! congrats sa iyong clean bill of health! at saka hanga-hanga ang weight loss mo. idol!!!
    okay yang doktora mo ah, groovy talaga. gusto ko ring sumakay at magmaneho ng moto kaso di ako marunong magbisikleta, nyehehe

  3. Salamat mylab at pinagbibigyan mo ko. Ang hirap kasi nun. Biro mo, everytime nakasakay ka sa motorsiklo mo, grabeng pag-aalala ang mangyayari saken. Besides, mas malaking calories ang mababawas sa pagsakay sa bisikleta kesa sa motorsiklo. πŸ˜€

  4. Jay,

    Great!!!I had to translate your post for my husband. He is still at 225lbs. Sabi ko nga kung nagawa mo, kaya nya rin. He is also 40 yrs. old. and his target weight is 175-180. I even showed him your pics. Sana tuloy-tuloy na ang paggaling mo. Ako rin kailangan maging serious sa weight loss.

  5. Aba, you deserve a masigabong palakpakan sa pag-lose ng 41 pounds. Hindi yan biro. Alam ko coz I’m in the midst of trying to do the same thing. Mabuhay ka! πŸ˜‰

  6. how I wish I had your discipline. Bilib talaga ako sayo. Ako, pagkain pa lang, bagsak na. Ipinanganak kasi ata akong me vetsin ang bibig.

    Gusto mong maging biker? Ala Hell’s Angels ba? hehe, nasa Canada na sila ata ngayon.

  7. masyado yatang mababa ang 155. 165 na lang po, mukang ideal pa para sa height nyo. pag nalusaw naman kasi ng exercise ang fat, nako-convert sya into muscle, so, mabigat din.

  8. Hi Papa Batjay! I’m so happy for you!!! Bilib ako sa discipline mo. Okay pa ba ang 155 lbs? If yes, go go go! πŸ™‚ Kebs kung 40 years old ka na. Talo mo pa ang mga 20something na kebata-bata eh walang paki sa health nila.

  9. congratulations on your weight loss! pero yan pa lang ang simula, di po ba? meron ka pang paghihinto ng sigarilyo, pagkain ng wasto, at pag-eexercise. wag mo lang po masyado i-pressure ang sarili mo.

    good luck!

  10. wow ang galing mo idol!!

    hmmm..kung ayaw mi kumander jet ang motorsiklo sau, itry mo ang pagmountain climbing =)

  11. Galing naman, Batjay. You should be proud of yourself na kahit na 40 (tayo) ay kaya pa ring mag-lose ng weight ng ganyang katindi.

  12. hi maria. i hope your husband gets into the groove of losing weight. it’s actually starting the program that’s hard. once you start working out and once you see the results, you’ll get encouraged to work out even more.

    good luck to the both of you.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *