When your fears subside and shadows still remain

umuulan ngayon dito sa southern california. it’s about time. medyo nalihis kasi yung mga bagyo nung mga nakaraang linggo kaya tuyong tuyo rito pero this week i think ay bubuhos talaga. nagtataka nga yung mga kaopisina ko kung bakit masaya kong sinalubong etong pagbuhos. nami miss ko na kasi ang tunog at amoy ng ulan. nung nasa singapore pa kami ni jet, panay kasi ang ulan at hinahanap hanap mo rin pala ito pag nawala siya. napaka hopeless romatic ko kasi kaya pag ganito ang panahon, gusto ko ay nakatapat sa bintana habang pinapanood ko ang mga patak ng ulan na tumutulong parang luha sa salamin. nag mature na siguro ako. kasi nung mas bata ako ay iba – pag ganitong maulan, gusto ko naman either kumain, magjakol o matulog. minsan pag sinisipag, kakain muna tapos magjajakol bago matulog. bigla ko tuloy naalala – maiiba pala ang exercise schedule ko ngayon dahil hindi ako makakalabas para maglakad.

16 thoughts on “When your fears subside and shadows still remain

  1. ako din po namimiss yung ulan ulan na ganyan sa baguio. pero minsan pag bagyo na nakakainis kasi nakakatakot na bumagsak mga pine trees. gusto ko din tinitignan yung patak ng ulan sa bintana, lalo na pag nasa sasakyan ka. =) parang sarap magpaka senti. =)

  2. Sir Batjay,
    Nararamdaman ko na miss mo ang Singapore.
    Ano nga pala maipapayo mo sa akin na gustong magtrabaho sa Singapore or Malaysia?
    Mabuhay po kayo,
    Gil

  3. talagang ang kasiyahan ng isang tao, hindi lahat nakukuha sa pera no. Isipin mo na lang yang kalagayan mo, ulan lang, masaya ka na. E hindi mo mabibili yan kahit saan.

    Kakatuwa no. Kasi kung nandito ka ng tag-ulan, naku baka isumpa mo’t umuulan na naman.

  4. maiba ako sir, ano ng nangyari ke axl, slash at duff?

    kainis ang ulan kung me pasok; kainis din ang ulan kung walang pasok gawa ng di makalabas. tapos hahanapin mo pala siya kapag nawala. tokneneng, oo!

  5. ang latest kong narinig ay may concert ang G’NR sa dublin ng june. ewan kung tutuo, napaka unreliable kasi ni axl rose.

    masarap pag umulan sa antipolo dahil malamig. masarap din sa singapore dahil walang baha. dito sa california – nakaka senti. parang gusto mong umuwi sa pilipinas.

  6. oo nga growen. kaunti lang ang mga natutuwa sa ulan. lalo na rito sa southen california, dahil hindi masyadong maulan ay hindi sila sanay. kaunting ulan lang, puro aksidente na. marami rin ang nade-depress.

    naglakad nga ako kaninang umaga kahit umuulan. pakiramdam ko, naglalakad ako sa neighborhood namin sa pasir ris.

  7. naku tito rolly, minsan nga pakiramdam ko ay mababaw ang kaligayahan ko. buti nga hindi ako nalulunod sa ulan sa sobrang babaw. pero tama ka – yung mga taong nag e-enjoy sa mga simpleng pleasures ang mga taong masayahin at walang masyadong problema sa buhay – tulad mo rin.

    naalala ko pa nung sa pilipinas, pag umulan sa pasig nag-iiisip na ako kung saan dadaan pauwi kasi baha sa marcos highway, baha sa ortigas extension, baha sa pasig kaya mahirap daanan ang floodway. minsan life and death. mahirap ano?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *