When the world wearies and society ceases to satisfy

super ngiti hanggang tenga narito na kami sa pilipinas. halata ba ang saya ko? ngyehehe. ngiting abot tenga na medyo nakakaloko. ngayon lang nga ako nakaka ngiti – the night before we left singapore, hindi kami natulog ni jet dahil sa last minute na empake kaya pagdating ko sa airport hindi na ako makausap ng matino. nakatulong yung short flight dahil tulog ako most of the time pero running on empty na ako by the time kaming umakyat papunta sa bahay namin sa antipolo. medyo nanibago pa ako sa pagmaneho dahil right hand drive sa singapore. siguro pinaghalong pagkalito at antok, muntik akong makasagasa ng tumatawid na babae. pero ngayon fully rested na ako. nakapag garden na nga ako kaninang umaga. maraming bulaklak sa garden at pati nga yung mga gumamela kong lavender ay in full bloom din. maulan ngayong gabi kaya medyo malamig ang panahon at nakahiga ako habang sinusulat ito. sa labas ng bintana ng kuwarto namin ay may tanim akong jasmin. hitik na hitik siya sa bulaklak kaya amoy na amoy namin ang bango niya. ang sarap talaga rito sa bahay, sana hindi na matapos ang bakasyon na ito.

28 thoughts on “When the world wearies and society ceases to satisfy

  1. kaya nga ang saya ko ngayon ate Ca T. naka uwi na kami ni jet at tamang tama – full bloom ang mga bulaklak ko.

    maulan pa ngayong gabi kaya medyo malamig. naaamoy ko ang bulaklak ng jasmin na gumagapang sa bintana ng master’s bedroom.

    sarap.

  2. inggit ako! i wanna go home..waaahhhh!!! enjoy every minute of your vacation kuya jay, ang bilis matapos nyan…

  3. huwaw!! cguro kuya batjay nung una mong buhay eh isa kang magsasaka at ikaw ay may green thumb ikanga nila. mahilig kang magtanim ng mga flowers eh.. ang srap tlga kung nsa sariling bahay k dava?
    sana makapagrest kau mabuti bago ulit kau umalis sa inyong bagong tahanan sa US, i know matatagan ang pag uwi nyo d2..

    maligayang pagbabakasyon, mag eb kau ng mga ka berks mu sa blogkadahan!!

  4. Mang Jay,
    Sali ako sa mundo nyo…ramdam ko kung paano mo ninanamnam ang buhay..marami akong akong natutunan dito…

    There’s no place like home talaga…

    Mabuhay po kayo…

  5. Ano nga ba yung bulaklak na kapag naging high ka eh mamatay ka or masisiraan ka ng ulo… nabalita na ito noon.

    wala lang, natanong ko lang…

  6. kamusta gil marco?

    salamat sa pag dalaw. masarap mabuhay lalo na ngayon dahil narito kami sa bayang magiliw. kahit magulo at maraming nangyayari rito, there is always the garden.

    ingat.

  7. hi gail.

    medyo wild nga lang ang garden ko ngayon dahil matagal akong nawala. pero ok na rin dahil maraming bulaklak. aayusin ko siguro ito one of these days. maulan lang ngayong past 2 days.

    ang bango nga ng jasmin namin especially now dahil hitik sa bulaklak. it was a good move to plant it right outside our bedroom window.

  8. hi transience.

    it’s great being back home, even if my internet connections really slow. at least my garden’s real and my flowers are blooming.

  9. hi yasmin.

    i like the lamp post picture as well. there is a homey kind of appeal to it. we’ll be here until the 3rd week of july. then back to singapore for a few days. then off to the wild blue yonder.

  10. Wow nasa Pinas na kayo uli… i want to go home!

    Bilib naman ako sa garden mo, kahit wala ka tuloy na nabubuhay. Ako nawala ng 2 weeks, patay lahat pagbalik ko. For hire ka ba para sa landscaping?
    🙂

  11. ako naman ay napapa-sigh.. downside ng bakasyon sa pinas is yung knowledge na maikli lang sya. roller-coaster ride na emotions – sky rocket na saya at bottomless pit na lungkot. life.

    di ka lang pala elvis ng quiapo, batjay hardinero din. hehehe.

    regards kay tita jet!

  12. hi tin.

    buti nga sa amin medyo matagal tagal na vacation. at least makakapag pahinga until we make the move to the us. sarap dito sa bahay – maulan kaya medyo malamig. sarap matulog at mahiga.

    ganda ng garden ko ang daming bulaklak. sana narito kayo para makapag barbeque sa antipolo.

    kamusta na lang diyan.

  13. hi auee.

    oo nasa rainy philippines and currently enjoying the great antipolo weather. buhay na buhay nga ang garden ko – minsan sobrang buhay. my plants need a major trim. but i’ll do it later. sayang yung mga bulaklak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *