medyo matunog ngayon sa news ang isang study na ginawa ng mga researchers dito sa america tungkol sa power of prayer. or apparently the lack of it. ayon sa study, wala raw epekto yung mga dasal na ginawa ng isang group of strangers para sa mga pasyente na kakatapos lang ng heart surgery. actually nakasama pa nga raw kasi yung mga pasyente na sinabihan na may mga taong nagdarasal para sa kanila ay nagkaroon ng mas maraming complications.
kung sabagay, kung ako yung kakatapos lang maoperahan sa puso at nakita ko na may mga nakapaligid na tao sa aking hospital bed, kapit kamay at nagdadasal eh kakabahan din ako. ang unang papasok sa isip ko siyempre ay “tangina, bakit nila ako pinagdarasal? malubha bang kalagayan ko? nagkaroon ba ng complication ang operasyon at mamamatay na ako?” baka mapasigaw pa nga ako ng “hoy mga ulol, huwag ninyo akong ipagdasal at baka kunin akong bigla ni lord”.
pakinggan ang MAHALAGANG BALITA PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.
Dr. Koenig took the words right out of my mouth when he said that, ‘Science is not designed to study the supernatural.’
and vice-versa? the supernatural is not designed to explain science.
and why do scientists even bother?para bang hindi sila naniniwala sa salitang faith and destiny.would they stop if they have the answer they want or they’ll be wanting for more. naalala ko tuloy yung angels and demons ni dan brown.eniwei baka naman kasi may pari pang nagwiwisik ng tubig habang me nagdadasal e nakakatakot talaga yon.
science has always been in search for the truth wherever it may lead.
Dapat kung sino ang may kailangan siya ang humingi (magdasal)ng awa sa DIOS at magpasalamat. Ang Dios lang ang kayang bumasa ng budhi ng tao? Sino ang makakaalam ng tunay na hangarin ng Grupo na yan.
Sir Batjay, kumusta na po kayo.
“bumasa ng budhi ng tao” – ang lalim ah. ok lang kami rito – pumapayat habang gumaganda ang panahon dito sa california.
naman, talagang matatakot ako d lang baka mabaliw pa kung meron bulto ng mga taong nagdadarasal para sakin, mapasigaw ako nyan ng “walang himala! nasa tao ang himala!”
batjay, kung di mo pa nababasa, hanapin mo yun old man and mr smith ni peter ustinov. la lang, naalala ko lang yung libro nung nabasa ko post mo. 🙂
hi jet!
parang pareho kami ng pananaw ni usagi. why do they bother? Basta ang alam ko, pag religion na, it is about faith. Okay, ang dinidisprove ng study e yung prayer ng iba para sa may sakit. Maaaring wala nga maaaring meron. Who can say with accuracy? BAsta ang alam ko, yung power ng personal prayer. And that He answers us in different ways, sometimes through something we never imagined. Again, faith yan e.
yan din ang pumasok sa isip ko nung nasa heart center ang nanay ko at dinadasalan ng nurses doon lalo’t namimilipit sa sakit ng dibdib–na wala na syang pag-asa. Ilang buwan lang ayun, sumalangit nawa…ang prayers kasi may positive and negative effect sa atin depende sa kirkumstansya…
hi len.
kung nasa ospital din ako, ayoko nang may lalapit sa akin at magdadasal, lalo na pag hindi ko kakilala.
matagal din si jet na nurse sa heart center – doon naman siya sa children’s ward.
ingat,
personal prayer – baka yon pa siguro ano, tito rolly. basta ayoko nang dinadasalan ako ng hindi ko kakilala na tao. pakiramdam ko, parang nagbayad ako ng tagaluhod sa quiapo.
peter ustinov, the actor? kyul. sige hanapin ko – ano bang kinalaman nito sa topic ko?
hi jologs queen.
kung gusto mo itong isigaw, ang complete dialog ay: “walang himala! hindi totoong may himala! tayo ang gumagawa ng himala! tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos! walang himala”
si God at si Satan nagkita sa earth para tignan kung ano na ang nangyayari first hand. nobody believed it was them, kahit na yung mga nagsasabing naniniwala sila sa Dyos. (relate na ba?) 😛 ewan naalala ko yung libro nung nabasa ko post mo eh.
Ako man siguradong mamamatay agad pag nakita kong may nakapaikot sa aking mga di ko kilalang nagdarasal. Feeling ko iaalay na ako sa dambana, iyong napapanood natin sa mga cult. Pwede ba “virgin” lang ang inaalay doon, hehehe.
But I believe in the power of prayers. Pero mas maganda iyong mismong maysakit ang lalapit sa taas, siya ang makipag-usap kay Lord.
virgin sacrifice? hindi na ako pwede doon. naalala ko tuloy yung “eye’s wide shut” na pelikula ni kubrick.
hehehe… interesting. mukhang magandang basahin. hayaan mo’y hahanapin ko sa susunod na bookstore raid.