What’s the Frequency, Kenneth?

nung bata ako, tinanong ko sa mommy ko kung saan ako nanggaling… dinala ba ako ng stork? hindi raw. lumabas din ba ako sa pinagbiyak na kawayan tulad ni malakas at maganda doon sa himlayang pilipino? hindi rin daw. eh saan? sabi niya – galing daw ako sa puwet niya. bigla akong natahimik at hindi nakaresbak.

20 thoughts on “What’s the Frequency, Kenneth?

  1. hehehehe natawa naman ako don Ka Jay hahahahah,

    but seriously this is one question parents should be prepared to answer.

    matanong ko lang Ka Batjay, nung bang tinanong mo yan sa mommy mo nung bata ka pa eh may malisya ka na sa mundo?

    gandang araw po!

  2. eh fafa

    bakit nde ka nakaresbak? kasi naloka ka kung maisip mong kahilera ka ng echas na lumabas ng pwet? o kung gano kalaki yung butas, at pano ka lumabas dun?

    😀

  3. yan ang kasinungalingang malapit sa katotohanan!

    Actually, mabait ang nanay mo. Ang nanay ko at mga kapatid ko, ang paboritong kwento sakin e pulot lang daw ako sa tae ng kalabaw. Ang weird talaga ng humor nila non, ano? Sapat na para magalit ang mga psychologists.

  4. hindi kaya magkapatid ang nanay ko at nanay mo? malakas din mang-alaska nanay ko eh.

    my kuwento yung classmate ko tungkol sa anak niya. kasi na-late yung bata. syempre tanong ang teacher: “o, b- bakit late ka? san ka ba nanggaling?”

    b: “sa p____k ng nanay ko.”

    ayan. parents beware.

  5. thank you ka bongK.

    oo nga, if i were a parent – sasabihin ko talaga ng tapat at walang kulang. pero nung tinanong ko ito sa mommy ko – wala pa talaga akong malisya. kung mayroon, di ko na naman kailangan itanong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *