WHATEVER FATE DECREES

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

di pa nga kami nakasal sa simbahan hanggang ngayon. di na namin ito napapagusapan ni jet lately, pero alam ko, gusto niya ng church wedding. ako naman, di na masyadong naniniwala sa aking nakagisnan na religion at diyos. pero kung hilingin niya eh di ibibigay ko ang hilig. kung nabasa nyo yung mga kwento sa aming website, alam nyo na sa munisipyo lang kami ng kalookan ikinasal. wala kasi kaming pera during that time. sa jollibee lang kami nag reception dalawa. pati nga yung mga witness kong kaibigan, pinauwi ko na lang dahil wala akong ipakain sa kanila. hehe.

wala rin kaming singsing. anong magagawa ko eh wala naman talagang pambili. hanggang ngayon wala akong singsing sa kamay. sa ilong sana ano, parang doon sa “the owl and the pussycat“. but seriously, perhaps the absence of the ring to this day is my way of showing that we’ve done well in spite of the lack of resources. duriing our wedding, wala rin kaming nga parents at kamag-anak na dumalo. basta sinabi na lang namin sa kanila na ikakasal kami on this day and that was it. di naman sila nag offer na gastosan ang kasal namin. at kung nag offer man sila, baka tanggihan ko rin.

early on, alam na namin na di kami magkaka-anak. pero what the heck, basta mayrong taong nagmamahal, nagpapaligaya at nagpapatawa sa akin. sapat na iyon. i know we have more than enough to sustain us.

what’s the secret of still being happy together after 13 years? i don’t really know and i probably can’t explain it well enough. pero pag pinilit mo ako, i’d say, it’s the little things. it’s the small gestures that reconfirm the relationship. it’s the terrific sex, but i won’t get into that for personal reasons. hehe. it’s a bit shallow, but it’s also the way jet laughs at my corny jokes. if you’ve ever heard my wife laugh, you’ll know why. it’s the humor and the private jokes. it’s the goodbye kiss everyday before i leave for work. it’s the phone calls at unexpected times. it’s the history of all those 13 years, of starting together when we were still poor, building our home from scratch and finding our place in this world.

i hope we grow our love even more as we age. i don’t have any ideals on how a marriage should be, nor do i have expectations on how my wife should contribute to our relationship – financially, emotionally or otherwise. i take everything at face value and don’t look much on the shortcomings. bottom line: i’m happy enough as it is that i have someone to grow old with.

happy anniversary mylabopmayn. pakinggan mo ang kanta kong ito para sa iyo. lab U!

56 thoughts on “WHATEVER FATE DECREES

  1. hey jay you made me cry with this post. i know you wrote it a year ago, and just before your appendix (that ever historic one) broke. i don’t know why and how i know you and jet today… i believe there is a special reason for making our lives touch. and when i witness your love for each other, it has a way of lighting up the darkest places where no smile can thrive.

    i have to second (or third) rolly and emer’s entreaty to you… you know she wants it — for the love of jet, you will do it. but as the saying goes, you will know in the perfect time. i haven’t forgotten what you told me about your wedding specs… i hold you to that!!! i will be there come hell or high water.

    thank you for the story of your love. my throat is really constricted now. 🙂

  2. Hello.
    Wala lang ako magawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta sa internetshop tapos nagsearch ng kung anu-ano at nakita ko tong story nyo. Di tayo magkakilala pero feeling ko pareho tayong hopeless romantic. Kakainggit naman kayo ni Jet at syempre lucky girl naman nya inggit ako sa totoo lang. I just broke up with my boyfriend,imagine wala man lang anniversary o special ocassion na pwedeng iselebreyt kahit sana kahit itext lang di na nga ako ask ng date o anuman, greet lang sana okay na ako eh, pero wala.Ako naman okay lang nun kasi baka di lang talaga sya ganun. One year and three months din kami. Kaya sana madami pang tulad nyo sa tabi tabi.

  3. hi irene.

    thanks for the comment. oo hopeless romantic kami ni jet. malapit na pala kaming mag 15 years na mag-asawa. that’s more than a lifetime for some relationships. sa amin, pakiramdam ko eh developing pa rin. di pa naman kami nagsasawa sa isa’t isa and actually – mawawala na ako kung di ko siya kasama. di lang dahil hindi ko alam kung saan nakalagay ang mga fresh towels sa bahay. mawawala sa akin ang aking true north. siya kasi nagbibigay ng kaunting direksyon sa buhay ko.

    sana, makita mo rin ang iyong trulab. ingat at good luck sa iyo.

    jay

  4. wow! nakaka inspire naman yun! hehe more power to you bat jay and bat jet ahehe ^_^ sana one day magka baby kayo para may pagmanahan ng humor ninyo ^_^ KUDOZ! great couple!

  5. grabe true love tlg…touch ako…how i wish gnyan din ang love story nmin ng pinakamamahal ka..pero malayo kmi now…pero sb nya papalapit n dw…hayy love love love tlg…! thank u inspiring n kwento ha…lalo akong nainlove sa carlo ko…tc!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *