Before the lightning fades and you surrender

two years ago, umalis kami sa singapore for good para pumunta rito sa amerika. on the way ay nag side trip kami sa pilipinas para magpaalam sa pamilya namin. umakyat din kami ng mount apo para tapusin ang isang project. di nagtagal ay bumiyahe na kami papunta rito sa california to start our new life. july 31st – eksaktong two years na kami ni jet dito sa california ngayon.

tinanong ako ng kaopisina ko kanina kung ano ang nami-miss ko simula nang tumira kami rito sa amerika. sabi ko, nalulungkot ako kapag nakakarinig ako ng tunog ng kulog at patak ng ulan sa TV. minsan kasi yung pagkawala ng mga simple pleasures ang pinakamasakit sa lahat.

28 thoughts on “Before the lightning fades and you surrender

  1. Napadaan lang po… at makikishare din πŸ™‚

    Ang nami-miss ko sa Pinas:
    – Ingay ng jeep, at hampas ng malamig ng maantot na hangin pag nakasakay ka, lalo na yun byaheng Espana pag umuuwi ako ng hating gabi.
    – Pagkatapos magbasketball, kuwentuhan sa kalsada, baon chicharon, suka at gitara.
    – Simbang gabi.. Ber na pala, malapit na!

    At meni to mention pa, hehehe… Hay sarap umuwi

  2. Napadaan uli, Mr. Batjay.

    Happy 2nd Anniversary to you and your dear wife. May you guys enjoy many more years here in the States.

    It is truly the simple pleasures in life that we miss. Matagal na rin akong nandito sa US (10+ years) and I find that the longer I stay away from home, simpler are the pleasures I miss. Pati daldalan with neighbors, friends, and relatives habang nagpapahangin ka sa labas ng bahay dulot ng brownout ay namimiss ko. πŸ™‚

    And so we keep trudging along.

  3. ako wala pa sigurong karapatang may mamiss sa pilipinas at mag-iisang taon palang naman akong umaalis. pero sa totoo lang, namimiss ko ‘yung pagsakay ng jeep at bus sa’tin. dito kase sa china pag sakay mo ng bus, kailangan kabisado mo ang pangalan ng lugar na bababaan mo dahil hindi mo naman kayang itanong sa konduktor na “dadaan ba to sa ilalim?” tapos sasagot sa’yo ‘yung konduktor, “oo” kahit hindi naman.

    hindi ka pwedeng makatulog sa bus dahil paggising mo hindi mo alam kung malayo ka pa o lampas ka na. nakakamiss din ang convenience ng pedicab at tricycle kahit balasubas ‘yung ibang driver.

  4. parang pilipinas kasi ang china in so many ways.

    ako rin. ako naman, yung palabok sa tapat ng cinco strella funeral parlor sa sangandaan. masarap doon ang tokwa’t dila at yung bopis. sabi nila, gawa raw yung bopis sa lamang loob ng mga na embalsamo sa punenarya.

  5. so true. it really is the simple pleasures that you’ll miss and cherish the most. i remember missing buying ice candy at the corner store when we first moved to california from the philippines. or the taho guy yelling “taho!” in the morning.

  6. KAya nga ang kasabihan e the best things in life are free. Yun ang mga una mong ma mimiss pag wala na sila.

    Bat ako, hindi naman ako umaalis dito sa pinas, miss ko na rin ang kulog at kidlat at ang pagpatak ng malakas ng ulan na tumatagal ng ilang oras at araw araw?

  7. parang kamag-anak rin yan. pag nakikita mo araw-araw, parang wala silang halaga sa iyo. pero pag nawala na sila, iyak ka ng iyak.

    pag umuulan, naiisip ko ang time nung bata pa ako at kumpleto pa ang pamilya namin. pag may bagyo at walang pasok, hihiga lang ako sa bahay buong araw. naroon lahat ang mga mahal ko sa buhay at nakikinig lang kami ng kung ano-anong musika at kakain ng paborito naming ulam.

    hey mama kat. i was in the bay area last weekend with jet and my cousins took me to a taho shop owned by a nice vietnamese lady. ang sarap, my first taho in years.

  8. hey batjay! padaan lang po.maraming bagay nga tayong binabalewala sa buhay pero sa huli tsaka natin hahanap-hanapin kapag nawala na. natatandaan ko nung bata ako ‘pag umuulan, maliligo kami ng mga kaibigan ko at pupunta kami palaisdaan tapos maghahanap kami ng mga lumulutang na plastic toys, minsan nga platic na may ebak napupulot namin eh.

    astig talaga ‘tong blog mo. i read your book, pinabasa ko rin sa mga kasambahay ko. alam mo bang pinagkukumpara yung book mo sa mga books ni Mr. Roberto Ong dito sa Pilipinas? anyway, mabuhay ka and more power to you!

  9. maraming salamat sa pagbasa ng libro.

    nung 70’s naliligo rin kami sa tullahan river. medyo malinis pa siya nung time na yon. pagkatapos ng malakas na bagyo, masarap mag swimming dahil mataas ang tubig. ngayon, puro basura na lang siya.

    ingat.

  10. namimiss ko sa pinas ang mag-agahan ng sinangag na may mainit na kape at ulam na tinapa. tapos habang kumakain e nakatakas ang paa hehe. miss ko na din makipag tawaran sa talipapa. at ang pinaka namimiss ko ay ang makipag-usap ng may puntong batanggueno. ala eh mabuhay ka mr. batjay! πŸ˜€

  11. speaking of batangas, miss ko na ang tawilis on a stick with garlic rice. yan ang isa sa mga ultimate breakfast meals para sa akin.

    tawilis, garlic rice, pritong kesong puti at hot pandesal.

  12. hindi katulad sa pilipinas. or sa singapore na halos araw-araw ay umuulan. dito, suwerte na yung ambon.

    di ba may kanta na “it never rains in southern california”. ngayon ko lang nalaman how true it is. itong past two years na narito kami, i haven’t experienced a real heavy down pour, altough once or twice nang umulan ng yelo.

    kamusta na buhay ninyo diyan sa SG? sayang di tayo nagsabay diyan.

  13. lipat ka dito sa east coast, matatakot ka sa kidlat at kulog, maulan din dito, nga lang medyo dumalang ang patak itong taon na ito. Kasalanan ni Al Gore kasi, dahil sa kanya naging aware ang panahon sa global warming, (power of suggestion baga)

    Happy 2 years sa inyo! sana permanente na kayo manirahan sa ‘Merika.

  14. KA Batjay,

    Ako naman na mi-miss ko yung amoy ng tear gas at spray ng tubig pag nasama ako sa rally sa Mendiola nuon. At higit sa lahat ang matulog sa Luneta, pag wala na akong masakyan.

  15. Kumusta.
    First time kung makisali dito pero palagi kong simubaybayan itong site mo Mr Jay.
    Ang namimiss ko ay iyong dagat at ang simoy ng hangin sa dagat. Wala kasing dagat dito sa Ontario. Merong lake na napagkamalan kong dagat dati πŸ™‚

  16. Relate ako dyan sa pag-miss sa ulan. Ngayon ay tuwang-tuwa akong makinig ng tunog ng ulan pagsayad nito sa yerong bubong. Pero dahil hindi rin madalas umulan dine, real treat talaga pag umulan lalo na kung sa gabi dahil may panahon ka talagang makinig habang nakahiga.

    Sa pagkain naman, miss na miss ko na ang sinaing na tulinga-a-an!! (sound ng tindera) with matching paho and kamatis, yum!:-)

  17. Madalang pong umulan dito sa Manila ngayong buwan at ng mga nakaraang buwan. This Friday, magkakaroon ang office namin ng tinatawag na ORATIO IMPERATE – Prayer for the Rain. With my almost 8 years of stay dito, ngayon lang kami magkakaroon ng ganitong activity. Dadaanin na talaga sa dasalan ang lahat. Masyadong magastos daw kasi ang cloud seeding. Tsk tsk tsk. Malawak na ang dry spell dito sa Luzon. Kaya nakakamiss na din ang pagdinig sa patak ng ulan sa yerong bubong ng bahay (minus baha sa lansangan ng Manila).

    Congrats po at 2 years na kayo diyan. Mabuhay po kayo at ang lahat ng ng mga OFWs!!!

  18. happy 2nd american sojourn anniv, batjay and jet. kaya siguro hanggang ngayon bachelor pa rin ako kasi a bachelor daw is one who never misses (mrs.) any girl. hahaha.

  19. Naligaw lang ako sa blog mo pero baka madalas nako 

    Mahilig din ako sa ulan nagbibigay kasi siya ng pagasa na alam mo na pagkatapos niyan aaraw na. Tulad ng buhay ng OFW parang ang mga araw mo sa ibang bansa ang tag ulan pero tulad ng pagtampisaw sa tubig at baha nahahanapan mo ng saya ang lungkot na dala ng pagiisa. Kung uuwi kana dina mag kanda ugaga sa saya nandiyan ang ang tunay na sigla, parang si haring araw sa umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.