What you see revealed within the anger is worth the pain

nagising ako kaninang madaling araw sa tunog ng kulog. maya-maya, yung patak naman ng ulan sa bubong. naalimpungatan ako at biglang napatayo. bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil akala ko, nasa pilipinas ako kahit alam ko naman na hindi.

masarap sanang umuwi pero ayaw ko namang bumalik kasi ang gulo ng mga nasa gobyerno. hindi ko kasi gustong i-asa ang buhay ko sa mga taong puro sarili lang ang iniisip. tanginangyan, kung mayroon talagang diyos, matagal na sana siyang nagpadala ng delubyo para patayin lahat ng mga pampagulo sa bayang magiliw.

eh kaso wala. ni hindi nga niya kayang magpaulan ng palaka, tulad ng supposedly ginawa niya sa egypt nung time ni moses.

26 thoughts on “What you see revealed within the anger is worth the pain

  1. Actually – gustong magtanong ng technique kay Hayden. Sa dami daw ng tsiks mukhang nalamangan yung mga pulitiko lalo na si ‘Kap Bong Revilla πŸ™‚

  2. kung may magpapadala ng delubyo tito jay, hindi ang Dyos yun… si S*tanas.. πŸ™‚ but then again, di ka rin naniniwala sa kanya. πŸ™‚

    kami rin, di makauwi-uwi sa pinas dahil sa gulo ng gobyerno. hay buhay.

  3. I feel your pain kabayan. Minsan naiiyak ako sa situation ng Pinas, parang napaka-hopeless.

    There is a God, that I’m sure of. Ang wala sa Pinas ngayon ay si Moses, who will trigger the tidal wave of change. It will only take one good man/woman and the rest will follow… Kaya lang lahat nang nag-au-audition for the part, tinimbang pero kulang… kulang bait, conviction, conscience, decency, ability…

  4. unkyel, we have the same reason why I’m here in the land of the rising sun. just saving enough before i move with maylab in the land of the long white cloud.

    stopped watching philippine news for a while, mahaba pa yung balita about kho-halili scandal.

    basahin ko na lang blog entries mo, natuwa pa ko, πŸ˜€

  5. Kabayan, nalungkot ako sa iyong pahayag na walang diyos. Hindi ko kokontrahin ang iyong paninindigan, kapatid. Pero, sana ma-realize mo na ang mga umiiral na kabulukan ng mga politico at sistema sa bayan natin ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng Diyos. Kung ang dahilan ng paniniwala mo sa bagay na iyan ay ang talamak na kalagayan ng ating bayan gawa ng tiwaling mga pinuno, damahin mo na lang ang magagandang alaala ng nakaraan mo dito sa bayan natin. Seguro naman meron ka pa ding mga mahal sa buhay dito. Marahil nahihirapan din sila at nasusulasok na sa sistema. Pero, gaya ng maraming mabubuting Pilipino, patuloy na umuusad kahit paunti-unti ang ating bayan at kamalayan. Ang kabutihan na nagmumula sa puso ng kapwa mo Pilipino ang patunay na may Diyos pa at patuloy na gumagabay sa ating bansa.

    • huwag kang malungkot kabayan. yung kawalan naman ng diyos ay hindi dahilan upang makaramdam ng matinding panghihinayang. sa kantunayan, pakiramdam ko nga, para akong pinalaya sa matagal nang pang aalipin sa akin ng isang paniniwalang hindi naman tunay na pilipino.

      ang isang dahilan ng katarantaduhan sa bayan natin ay mga taong nagkukunwaring may diyos pero wala namang iniisip kundi sarili nila.

      ang isa pang dahilan ay yung mga taong pumapayag na magpa alipin sa mga makasariling nagpapanggap na may diyos. siguro, para sa kanila, yung paghihirap na nadarama nila sa pilipinas ay ok lang kasi ang paniniwala nila ay pag namatay sila, pupunta sila sa isang lugar na mas maganda.

      • God have plans for us bkit ns abroad tyo & wls Pinas. f it’s not from God isa prin tyo sa mga maraming nagdudusa sa Pinas. and f it’s not from God maybe wl n tyo humihinga.
        from babies We r created in God image pure & clean but as we grow old God works pr patangapin tyo ng tamang aral at pag uugali, same with the devil who want to seed us with bad thoughts. Bakit? pr ilayo tyo sa pakikipisan kay God.
        What will u accept God or Devil teaching?
        If we do good lets glorify God not our selves.
        others make posters showing they made this and that but for who’s glory? We glorify God or our selves or the devil?

        Romans 3:23 For all have sinned, and come short of the glory of God;

        John 3:16 For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.

        John 14:6 Jesus saith unto him, I am the way, the
        truth, and the life: no man cometh unto the Father, but by me.

        God is planting a good seed of character to us…
        seeds will not grow into a tree for a day… it will take time. Have faith and keep the faith. Kaya kailangan natin mag antay.
        God is taking care of the seed buy his teachings. the devil will dig God seed out. So be watchfull…
        When the time comes, the seed will grow into a tree and you will reap a bountiful harvest for you and your family.

        is it Jesus Christ seed planted in you or the devil? is the same seed your planting to your wife, son daughter friends or peers and to others?

        pag isipan mo kabayan.
        God didn’t die for those who don’t want to be save.

        1 John 1:9 If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins, and to cleanse us from all unrighteousness.
        1 John 1:10 If we say that we have not sinned, we make him a liar, and his word is not in us.

        I can do nothing for you… only God can.
        to God be all the glory.

        • kung may god, siya rin may kasalanan kung bakit maraming nagdurusa sa pilipinas. pero wala talagang god. kung mayroon man, hindi siya yung diyos ng mga hudyo – yung pikon na diyos na parating galit at inconsistent.

          ingat!
          jay

  6. kung magiging strict naman po ang Diyos at para maging fair, parusahan na ang dapat parusahan, eh baka wala nang maiwan sa mundo..ΓΌ

  7. May tamang panahon para sa kaparusahan sa lahat…. nakalagay nga sa bible

    And I saw the dead, small and great, stand before God; and the books were opened: and another book was opened, which is the book of life: and the dead were judged out of those things which were written in the books, according to their works.
    And death and hell were cast into the lake of fire. This is the second death. And whosoever was not found written in the book of life was cast into the lake of fire. Rev – 20:12-15

    Dont worry makikita mo rin cya sa napakatamang panahon, dahil lahat tayo haharap sa kanya… pero sana makita mo cya bago mahuli ang lahat at wag sana tayong humarap sa kanya dahil sa paghatol

    For God shall bring every work into judgment, with every secret thing, whether it be good, or whether it be evil. — Ecclesiastes 12:14

    Merong Dios, nde ka lang naniniwalang meron, at hindi mo lang cya hinahanap..

    Ask, and it shall be given you; seek, and ye shall find; knock, and it shall be opened unto you — Mat 7:7

      • Ok… yan ang paniniwala mo eh…. sa akin kasi lahat ng mga mabubuting bagay na nangyari sa akin ay dahil sa mabuting kalooban Niya… at yung mga magagandang nakikita ko alam kong galing sa Kanya at nararamdaman ko presence Niya…. kaya nangyayari ang nde maganda kasi dahil sa kagaguhan at katarantaduhan ng iba… inabuso nila ung free will na bigay ng Dios. Pagbabayaran naman nila un balang araw, pinapabayaan na lang cla ng Dios dahil wala na Siyang magagawa sa pinili ng ibang tao. Parang magulang sa anak, may mga bagay na wala nang magawa magulang dahil cra ulo talaga anak niya.

  8. Who is pikon? Malamang hindi ka na rin naniniwala sa muling pagkabuhay kasi wala ka ngang Dios.

    Kaya tama ang ginagawa mo sa ngayon, live life to the fullest just drink and be merry for tomorrow you will die. Ganon kasimple. No God nga e.

    Tsaka bat ba atat kang maparusahan agad ang masama, e kaya nga me judgement day. Hindi pa ngayon. Ang Dios nagbibigay na biyaya hindi lang sa mabuti doon din sa masasama. Di ba nga pag umaaraw o umuulan hindi lang sa isang area ng mga tao sa lugar mo rin.

    Sino ba ang pikon di ba ikaw? Minsan ka lang yata naloko ng relihiyon sumuko ka na.

    Nakakalimutan mo ng magpasalamat ikaw din baka bawiin sayo yan. Minalas ka na sa lupa, malasin ka pa sa langit. (hep hep hwag mo ng sagutin to sa e-mail add ko nakalimutan ko na password di ko rin mababasa).

    Tsaka hwag mong sabihin kayo lang mga OFW ang swerte. Ikaw na rin ang nagsabi ang kasimplehan ng buhay ay nakapagbibigay ng ligaya. Swerte nga kami dito sa PInas simple lang kaligayan, marunong pang tumanaw ng utang na loob at magpasalamat sa biyayang ibinibigay.

  9. Di pa ako tapos, tsaka out of topic ka e, bakit ba kailangan isiksik mo yong di mo paniniwala sa Dios? Sana ito na lang ang ginawa mong title tutal ito naman gusto mo.

  10. naaaliw ako sa dami ng reply sa post na ito. I consider myself to be highly spiritual but never a religous person. Pero sa pagtira ko sa Amerika at ngayon sa bansang Hapon, its amazing that the most compassionate people and most kind people I’ve met are those without religious affiliation. Sa bayan natin lahat Diyos ang bukang bibig pero ang karamihan naman ay panglalamang lang sa kapwa ang nais na lagin gawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *