WHAT WOULD YOU THINK IF I SANG OUT OF TUNE

SI


matagal na kaming magkakaibigan. mahigit 30 years na. una kaming nagkakillala nung pagpasok namin ng kinder sa notre dame nung 1971. supot pa kaming lahat noon. although supot pa rin ako hanggang ngayon, patuloy pa rin kaming nagkikita-kita. yung iba sa amin ay dito na based sa california at pag may okasyon ay nagtitipon para makapag kodakan. ang isa kong ipinag papasalamat parati ay binigyan ako ng pagkakataon para makasama sila ng matagal na panahon.

wala akong malaking kayamanan pero mayaman naman ako sa kaibigan. ok na sa akin ito. although siyempre, gusto ko pa ring magkaroon ng maraming pera someday para may pambili ako ng viagra.

39 thoughts on “WHAT WOULD YOU THINK IF I SANG OUT OF TUNE

  1. ava, at may mga buhok pa naman! nainggit ako bigla..yung mga kaibigan ko, nakakalat na sa iba’t-ibang parte ng mundo. sana isang araw, makapagkodakan uli kami katulad nyo!petisyunan ko na lang kaya sila lahat?mwahaha…homsik na naman akesh. 😉

  2. napaka-heart-warming naman ito. naalala ko rin mga kaibigan kong malayo sa kin.

    yun pong title ng post, kanta ‘to ng beatles diba? naisip ko lang ngayon ang title–“i’d get by with a little help from my friends”. 🙂

  3. Ang sabi nila, at 40, the face you have is the face you deserve.

    Maybe it’s true. Kasi lahat kayo, mukhang bata pa and with naturally smiling faces. Such cool dudes! hehehe 😀

  4. Eto pa ang isang possible background song. Taken from an Apo Hiking Society song.
    “…problema lamang ay lagi kulang ang datong, nakakamiss ang dating samahan”. Sabay inum ng San Miguel beer.

    sniff. sniff.

  5. boss di na nga pala natuloy ang pagiging malayan colleges. mapua pa rin daw. at magkakaron pa ng malaking campus sa laguna.

    graduate ako ng BSME 2004, at nagwowork na dito sa Japan (hosto)temporarily..

    Kagabi lang kasi nakarating sakin ang info about sa blogsite mo.. kaya ako ay maligalig na maligalig. hehe more power po! nagsisimula pa lang kumalat ang virus nyo dito sa mga kasama ko. ehehehe

    PS: buhay pa rin nga pala si Engr. Bogus. hehehe

  6. ano pangalan, mapua institutute of laguna?

    ah, 2004 ka pala nag graduate. ibang iba na ang school nang dumalaw ako last year para kumuha ng transcript.

    ingat diyan at hanggang sa muli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *