WELL THEY’LL PASS YOU BY

nung 5-10 years old ako (1970-1975), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: jolens, teks, trumpo, kung masakit magpatuli, kung talagang bakla si batman at robin, bakit mabaho ang kupal, taguan, tumbang preso, kung bakit paliit ng paliit ang size ng double bubble gum, ano ba ang lasa ng beer

nung 10-15 years old ako (1975-1980), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: yung size ng bra ng mga teacher namin, magkano ang bedtime stories sa recto, paano magpisa ng tagyawat, kung talagang nakakabulag magjakol araw-araw, paano manligaw, saan mura magpunta para mabinyagan, ano bang mabisang gamot sa tulo, CRISPA-TOYOTA, sino mas magaling si voltes v o si daimos, ERIKA-RICHARD, bakit makati ang titi pag may kalkal, sino pinakamalakas uminom

nung 15-20 years old ako (1980-1985), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: ano ang magandang course na kunin sa college, saan magandang school, sino ang may discount card sa anito, kung ano ang mas effective withdrawal method o condom, masarap bang magpachupa sa bakla, ano gagawin pag hindi niregla ang syota, saan pwedeng magpa secret marriage, paano paalisin si marcos, kung hero ba si ninoy, saan mura ang beer

nung 20-30 years old ako (1985-1995), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: saan maganda pumasok para magtrabaho, tigas titi pa rin, EDSA revolution, boses ni kris aquino, paano makaalis ng pilipinas, saan ang murang simbahan magpakasal, saan magandang school para sa mga anak, paano ipagkasya ang suweldo, ano magandang kotse, saan mura magpa tune up, kasundo mo ba ang biyenan mo, saan masarap ang pulutan

nung 30-40 years old ako (1985-1995), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: ano magandang negosyong pasukan, saan magandang bumili ng bahay, kasing tigas pa rin ba ng dati ang titi mo, ano na kaya hitsura ng mga teacher namin na dati naming hinuhulaan ang size ng bra, tumigil ka na sa pagyosi, saan magandang magbakasyon, san mig light para hindi nakakataba

ngayong 40 years old and above (1995 onwards), eto na ang mga pinag-uusapan ng generation namin: rayuma, sino ang doctor mo, saan ang clinic niya, mahal ba siyang sumingil, ano ba ang mabisang gamot sa gout, ano ang blood sugar mo ngayon, tumitigas pa ba ang titi mo, saan mura ang viagra, cholesterol and triglyceride levels, paano ba magpaliit ng tiyan, yung mga namatay naming mga kaibigan, umiinom ka pa ba ng beer – red wine na lang para maganda sa puso

27 thoughts on “WELL THEY’LL PASS YOU BY

  1. hahaha! And there goes the history of evolution for you mylab… hehe.

    Galing nito. Dapat mapagusapan din natin ito sa berks cafe. Palagay ko masayang topic yan.

    Labyu! 🙂

  2. Had you gone on, ang nakakalungkot na kwentuhan ng mga 50 and above: Si Pedro, saan na? Ay naku, patay na!
    E si, Nene? Naku patay na rin! E si kwan? Wala na rin?

  3. idol batjay.. bata pa ako pero sa panahon at sa kultura kaya naming mga bata ngayon ano kaya pwedeng pagusapan.. per circa.. hehehe
    malamang pagtanda ko eh ganito na rin itatanong ko.. eto na rin paguusapan.. wala nga lang viagra hehehe

  4. oo nga tito rolly. ngayon pa lang nga marami na sa mga kaibigan ko ang nawala na. karamihan mga neighbors na either minalas ng kaunti dahil maagang nagkasakit or mga self inflicted deaths – too much food, cigarettes, alcohol and drugs.

  5. kick-ass entry! it’s true though..time flies, things change, but we’re lucky if we have someone constant to talk to about these changing topics.

    ako naman, i have to learn a whole new vocabulary: “parentese”

  6. hi mommy kat.

    kamusta ang new mom? i’m sure it must be so exciting for you and your husband. you’re right – time sure flies. one day you’re in school, the next you’re a lawyer. now you’re a mommy.

    i have been lucky to have friends whom i’ve known since i was 5 years old. in fact, most of the close friends i have are my classmates from kindergarten and i’ve really experienced the progression of our conversation topics from 1971 to 2006.

  7. bosing,

    ang galing galing naman ng post mong ito!!!
    very motivating to be reflective din. maaari bang mahiram ang ideya for a future blog entry?

    may discount card pala sa anito, hihihihi.

  8. hi jop.

    sige, gamitin mo ang format. gusto ko ngang mabasa ang perspective ng isang babae from another generation. eh lalo na sa iyo dahil matalino kang tao kaya siguradong maganda ang insight mo.

    oo may discount card sa anito – card ito na wallet size. may kalendaryo sa isang side at logo sa kabilang side.

  9. nakakatawa pero totoo. ngayon medyo alam ko na ang topic ‘pag boy talks. hehehe. in a way medyo pareho din ang pinag-uusapan ng mga babae, maliban nalang sa mga usapan tungkol sa aming mga… bulaklak. pero madalas tungkol sa mga ovaries, uterus, itlog at dugong dumadaloy kada buwan.

  10. wow! makakapaghanda ako ng para sa asawa ko. hm, pero baket parang nasa huling generation choice yung akin? (adbans yari)—eh kailan pag-uusapan ang pampabagal ng pagkakalbo? nyahaha

  11. Hahahahaha

    Sinasabi ko na at matatawa ako pag nagpunta ako dito.

    Pero parang kulang, hindi ba pina-uusapan ng mga boys kung kanino mas mahaba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *