We’ll jog with show folk on the sand, Drink kirschwasser from a shell

malakas ang hangin sa orange county simula kahapon. pakiramdam ko nga ay parang may dalawampung mayayabang na bumbay ang nagkwentuhan ng sabay-sabay. may nabuwal nga na puno sa campus namin. buti na lang walang tinamaan kun’di malaking bukol yon pag nagkataon.

narito na naman kasi ang santa ana winds at tamang tama ngang tumugtog ang “babylon sisters” ng steely dan sa iPod ko. medyo nakakainis nga kasi kasabay ng pagdating ng mainit na santa ana winds ang siya ring paginit ng panahon. nung tuesday, parang winter. ngayon, parang summer. sala sa lamig, sala sa init. ang hirap tuloy buksan ng pinto ng apartment namin. ano na nga bang tawag sa phenomena na ito? thermal expansion, ata. naisip ko tuloy, parang boylet na malibog pala yung pinto namin – pag naiinitan, lumalaki.

pero ok rin na mainit ang panahon dahil may picnic atmosphere sa opis ngayon at puno ang grounds ng mga batang naglalaro. may flu vaccine schedule kasi kami ngayon. pag dating kasi ng winter ay dumarami ang case ng influenza virus at policy ng office namin ang magbigay ng flu shots sa empleyado at kasali ang buong pamilya. mura lang ang charge ng flu shot sa employees – $15. kung sa labas ito, aabutin ng $30 to 40, kaya nga nagpa inject ako kanina. tuwang tuwa nga yung nurse sa akin kasi malayo pa yung karayom ng injection eh sumisigaw na ako ng – “MOMMY!”


uy, teka muna. may breaking news tayo.

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE MANILA. nagkita na si pyro at batista. dahil sa matinding support ng pinoy blogging community ay nagka tutuo ang wish ng batang may cancer na makita ang idol niya. here’s the video of their meeting na ginawan ng feature ng GMA7…

8 thoughts on “We’ll jog with show folk on the sand, Drink kirschwasser from a shell

  1. batjay! meron kang post abt hilamos and fek ah! bat nawala? nag comment pa naman ako don hehehhe

    andito ko ngayon sa pinas .. nanood ako ng smackdown kanina at nakita ko si batista ng malapitan… nagpapicture pa yung kapatid ko na nakaakbay si batista sa kanya.. tas kinwento nya mabait daw si batista dahil napanood daw nya sa TV na inentertain isang bata na may cancer.. alam ko agad na si pyro yun! sure enough sya nga! ang galing!!!!

  2. bwahahahaha! dalawampung mayayabang na bumbay na sabay sabay tumira ng kirschwasser siguro 🙂

    galing talaga ni batista, even my daughter thinks mas magaling pa siya kay john cena after watching him last night. tapos, champion pa ang ugali dahil pinuntahan niya si pyro. yan ang idol.

  3. ang galing mylab ano – who would have thought that pyro’s wish come true?

    hello misisPi. magaling talaga si batista dahil nagbigay siya ng oras kay pyro. i don’t care what other people say, he’s my main man.

    hi jennypeng. nakaka inggit ka naman, nasa pilipinas ka. yung tungkol sa feminine wash ay naroon sa post kung nasaan yung picture ninyo ni amor.

  4. ang hirap din ng pabago bago na panahon. buti na lang may flu shots kayo ni jet, pang insulate din.

    dito lumalamig na rin� ang panahon, sa wakas. para ngang wala kaming autumn e. from summer, dumirecho na sa winter. magkaka isno ba kaya dishyir?

    sana guminhawa na pakiramdam ni py. kung mahirap magkasakit in general, it’s excruciating when it happens to a child. mga anghel sila.

  5. ipinalabas din sa ‘wish ko lang’ noong nov.4 ang episode ng meet and greet nina pyro at batista…nakakatuwa na makitang natupad ang munting kahilingan ng bata na may malaking pag-asa! panalo din ang mga nagsimulang magpakalat ng tungkol kay pyro…(dito sa inyo ko unang nakilala si pyro!)source of strength and inspiration ang story ni pyro, mas marami pa ang magpe-pray para sa kanya ng paggaling!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *