Well, I’m leaving in the morning as soon as the dark clouds lift

ang topic ngayon sa “rebels without because” ay tungkol sa mga multo. malapit na kasi ang holloween at araw ng mga patay. kaya kung may oras kayo, imbis na magkamot ng galis eh baka gusto ninyong basahin ang mga entry doon. toka ko ngayon kaya nag post ako ng top 10 places kung saan magandang makakita ng multo – sana matakot din kayo tulad ko.

1. umuwi kang mag-isa ng madaling araw, malakas ang ulan at may nakita kang babaing nakaputi na nakaharang sa daan. gusto mong makatulong kaya ihihinto mo ng kotse. bigla kang kikilabutan dahil bigla itong nawala.

2. ipapasa walang bahala mo ang nakita mong babae sa gitna ng daan at magpapatuloy sa pag maneho. bigla ka na lang makakaramdam na parang hindi ka nag-iisa sa kotse. titingin ka sa rear view mirror at makikita mo ang mukha ng babae na nakatingin sa iyo – nanlilisk ang mga mata at mukhang nagagalit.

3. pag pasok mo sa kubeta para maligo, may payat na taong nakatayo sa loob ng bath tub pag tanggal mo ng shower curtain – nakangiti at nakatingin sa iyo ang kulay dilaw na mata.

4. pag bukas mo ng trunk ng kotse, papawisan ka ng malamig dahil may katawan na nakahiga sa loob, umu ungol at gustong lumabas.

5. pag buhos mo ng tabo habang naliligo ka ng madaling araw eh biglang naging kulay dugo ang tubig.

6. pag pasok mo sa kwarto mo, bigla kang makakakita ng katawan ng tao na nakabitay from the ceiling at ang mga mata ay sinusundan ang bawat kilos mo.

7. pag tapon mo ng basura, makakakita ka ng kamay na puro buhok, biglang lalabas sa trash can

8. pag gamit mo ng salamin habang nagbibihis sa umaga, bigla kang makakita ng taong maitim sa gilid ng mata mo na mabilis na naglalakad sa likod mo

9. mapapatingin ka sa bintana ng dahil may maririnig kang kaluskos. tapos, biglang may biglang lalabas na matandang babae na may itim na pakpak na humahampas sa salamin ng bintana.

10. may taong nakatayo sa likod mo habang gumagamit ka ng computer. mararamdaman mo ang malamig niyang kamay na nakahawak sa batok mo.

22 thoughts on “Well, I’m leaving in the morning as soon as the dark clouds lift

  1. ganun nga daw yun pag nakita ka ng multo, wag mo nang alisin mata mo kasi isang kurap wala na, pwera na lang pag dilat mo, nasa harap na ng mukha mo multo tapos puti mata…meron pa nga daw, pa pag higa mo para matulog sa gabi at patay na ilaw, me nakatayo sa paanan mo at nakatitig sa yo..e yung namang pagpasok mo sa kotse tapos amoy korona ng patay?

  2. hi batjay, long time no see! 🙂

    alam ko na, maglagay ka na lang ng ihi ng palaka para makakita ka ng kulugo. hindi lang ikaw ang matatakot, pati sila matatakot sa iyo

  3. MIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIS P!!!

    GARDENGET, i missed you. where the hell have you been all this time?

    tama ang suggestion mo. gusto ko rin idagdag na kumain ng butiki para hindi magkahika at mag dikdik ng pototoy ng langaw sa noo para hindi makalbo.

  4. e yung sinasabi nila na pag patay ilaw, mag lagay ka ng apat na mamera sa lamesa, tapos dalawang daliri ipatong mo tig isang kamay, habang nakaharap ka sa salamin, may maaninag ka na image sa likod mo na nakatanghod sa yo…ang trick, wag kang kukurap dahil mawawala image…

  5. naku unkel batjay, andaming horror nanaman ngayon. ako kasi e nagtrtrabaho dito sa regal kaya alam ko.. hehe. katunayan, gagawa nanaman ng Shake Rattle and Roll 2k5! Ika-7th part ng Regal’s shake rattle and roll. o di ba, ang hightech ng dating. si mother lily kasi e mahilig gumwa ng horror. Then, panoorin nyo yung “Sigaw” or “the Echo”… kasali sya sa Los Angeles Scream Fest, kaya nakakaproud din kasi pinoy film ito, na most likely gawan ng hollywood re-make.

  6. Ay naku, Jay, you are one funny person! I burst out laughing after reading your comments. Never heard of such things but made me laugh like crazy. Akala tuloy nang mga scientists nasisira na ang ulo ko. (Alam mo na.) Talagang magaling ka pa kesa sa mga komedian. Saludos!

  7. hi lola baby. para talagang oxymoron ang lola na mayroong baby. but it sounds great kaya ok na ok sa akin ang pangalan mo. it reminds me of a guy i know named “tito”. his pamangkins call him “tito uncle”.

    alam mo, kaya ka siguro natawa ng malakas ay baka nami miss mo ang pinoy humor na mahirap i-translate sa english. isa sa mga dahilan why i love to write and speak in pilipino ay ang fact na may mga kwento na walang dating pag sinabi mo sa english.

  8. wow! shake, rattle and roll 2005. sana maganda ang pagka gawa para masarap panoorin. sino-sino ba ang mga artista? saan makakakuha ng “SIGAW”? mukhang maganda nga yon.

    pwede ba akong mag-suggest ng title ng susunod na horror movie ni mother lily? eto… “PATAYIN SA KINDAT SI KIRAT!”

  9. OO nga, kasi lola na, baby pa rin. (my nickname is Baby and I’m stuck with it.) I’m really a lola but young at heart. Bungisngis especially if I read or hear something like what you talk about in your blog. Yes, there is a big difference between yong puting joke and pinoy joke. Talagang nakakahimatay tawa yong sa atin. Ipagpatuloy Tito Uncle………..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.