Well, don’t it always seem to go

malapit nang mag summer kaya nagpupursige ako ngayong magpaganda ng muscle tone. ang pangarap ko kasi ay magkaroon ng six pack abs, simula pa nung mabasa ko ang mga ads ni charles atlas sa mga komiks ng aking kabataan. tiningnan ko yung tiyan ko kaninang umaga, nasa 3 packs pa lang – dalawang muscle sa itaas at isang malaking tiyan. kaya nga pursigido ngayon ang aking pag exercise. kahapon nga, pakiramdam ko sa sarili ko ay parang super athlete kasi nag bike ako ng 8 miles to work, tumakbo ng 3 miles ng lunch, nag bike ng 8 miles pauwi at naglakad ng 4 miles nung gabi.

pagtapos kumain ako ng tatlong chicken burger sandwich na ginawa ni jet. tanginangyan, parang wala rin ano?

17 thoughts on “Well, don’t it always seem to go

  1. hehehe!! ganyan din ako araw araw.. ang hirap magpababa ng timbang!! sana meron tablets na pwedeng inumin tapos magkakarun ka na ng sikspaks abs!! tapos pwede pa rin kumain ng sangkatutak na kapsa at broasted chicken!! …haha!!

    • mayroon namang tablets na pwedeng inumin para pumayat pero hindi iyan kasali sa program ko.

      pwede rin sana magpa-lypo pero dadaanin ko na lang sa exercise. wala pang bayad.

  2. kulàng pà yung cheese burger, sàbàyàn mo ng redhorse litro, tiyàk, solve nà pàg dà diet mo, àhihihihi

    solve pà kinàin mo, it helps goes down,lol

  3. parang bale wala nga ata yung inexercise mo no? Unless, exercise naman ng buong bibig at digestive system yung pagkain mo.

    Ako nga isang ab lang eh. puro tyan.

  4. Baka naman di 6-pack gusto mo kundi 1 barrell?

    Ok lang yan, try uli tomorrow.
    Pero grabe, milya-milya ginagawa mo. Dapat mag-before and after shots ka pag may well-formed abs ka na.

    Baka laging mapagod si Jet nyan 😛

    • same routine kahapon – 16 mile bike, 3 mile run during lunch pero 2 mile na lang ang lakad sa gabi. ok lang naman pero hindi na siguro talaga ko magkakaroon ng 6 pack abs. not unless, mag gym ako ng 4 hours a day siguro.

      • well tama ka, para magka-6 pack ka di pwedeng running/biking lang dahil ibang muscle/area ang dapat mong i-tone

        gosh 4 hours in the gym, di naman siguro… kaya siguro yan nang mga crunches… or yung rowing machine

        • pag over 40 na, hindi siguro. yung mga kakilala kong may 6 pack na over 40 ay either genetically gifted or spend hours in the gym. ganyan talaga ang metabolism – it doesn’t favor the old.

  5. hi unkyel! you do those things so you can afford to eat 3 chicken burgers and so you can enjoy life, diba? if i really want to have a frap, i have to do a good workout and run at least 5miles :p

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *