WE TOOK OUR SOULS AND WE FLEW AWAY

CLICK TO OPEN WEB ALBUM. click nyo lang etong photo at diretso kayong mapupunta sa web album ng trip namin ni jet sa genting highlands itong weekend. ok naman ang trip namin, tulog kami pareho. hehehe. naka post na yung “genting highlands vacation” online. huwag kayong magtataka kung puro solo pictures lang ang makikita ninyo. yan kasi ang hirap kung dalawa lang kayong magbabakasyon… pag dating sa kodakan, you are either the photographer or the subject. well, it’s either solo photos or you can try your luck getting pictures of funny signs and nature scenes. dalawang beses naming sinubukan magpakuha from strangers, kaya lang nakaka depress yung mga resulta. yung una, naninigarillo ata yung kumuha na securtiy guard at puno ng usok yung litrato namin. gusto kong kutusan kaya lang baka barilin ako. yung next naman eh against the light at akala mo eh mga ati-atihan kami ni jet. inedit ko lang yung picture para magkaroon kami ng mukha.

as expected, hindi kami nagpunta sa casino. eh in the first place, hindi pala ako talaga pwedeng pumasok. ang sabi sa akin ng guard doon sa entrance ay: “your dressing cannot inside“. in english – hindi daw ako complying sa dress code dahil ako’y naka shorts at sandals. sayang gusto ko pa namang mag tong its.

pag dating namin kahapon eh malakas ang hangin at maulap. nagtuloy nga ito sa malakas na pagbuhos ng ulan. kung kaya’t buong araw ay mahamog (“pags” ang tawag dito ng mga kasama kong taga mindanao) at malamig.

yung trip papunta roon ay ok na ok. gusto ko yung bus ride sa VIP coach. maluwag talaga ang mga silya at pwede mo itong ihiga. as a place naman, ok ang genting highlands. maganda ang clima, at punong puno ang paligid ng mga punong kahoy. medyo overrated nga lang ang napaglumaan na facilities at hindi masyadong maganda ang service.

pero don’t get me wrong, masaya ako sa aming munting weekend getaway na ito. wala naman talaga kaming ginawa doon masyado except to eat, walk in the cool mountain air and to sleep. in short, napahinga kaming dalawa ng husto. yun lang naman ang gusto kong mangyari at yun nga ang nangyari. so, happy ako kahit di ako happy sa accomodations. ang importante naman eh kasama ko si jet for this short break.

27 thoughts on “WE TOOK OUR SOULS AND WE FLEW AWAY

  1. bosing, mabuti naman enjoy kayo ni boss jet sa genting.
    suggestment lang po sa susunod ninyong trip, kahit mukha kayong timang, bili kayo ng tripod. kami ni P mukhang mga batang magka-camping, tangan-tangan namin yung tripod kapag may bakasyon kami, para naman pareho kaming kuha sa kodakan. yung mga kasabayan naming “honeymooners” parang nagkaroon ng mahiwagang apparition tuwing nakikita kaming nakaposing sa harap ng ami ng camera at tripod. ismart deva?
    yun lang tengks.

  2. salamat sa payo mo jop. maganda nga yang magdala ng tripod. actually, mayron nga kaming mini tripod na pwede mong ikarga na hindi ka parang civil engineer or geologist na may dalang transit at gumagawa ng survey.

    mura lang ang tripod na malaki rito sa singapore. ang problema lang eh ayokong magbitbit dahil ulyanin ako at malamang sa hindi makakalimutan ko ito somewhere.

  3. uy welkam bak! good idea nga ang tripod. alam ko na para di mo malimutan. mag-ala samurai ka at isabit mo sa likod. tapos lagyan mo ng tali na nakakabit sa kamay mo. eh di hindi mo sya malilimutan. 🙂

    hi jet. 🙂

  4. honga… ang hirap pag dalawa lang kayo… tas lalo na pag alang tripod, susmio… tamang hanap ka ng pedeng patungan ng naka-timer na digicam 🙂

    pero am sure, super happy naman kayo sa trip nyo… ahihi

  5. hi mec.

    ang laking problema ng kodakan kung dalawa lang ano? kaya dapat, huwag nang i priority ang kodakan na iyan ang mag pakasaya na lang na maglambutsingan buong araw.

  6. sinadya ko talaga yan ate ina.

    alam ko kasi na darating kami ng madaling araw kaya sabi ko kay jet…

    “isuot natin mylab ang ating mga black outfits at blue jackets para tamang tama sa bukang liwayway na bughaw at itim.”

    kaya yan. ang galing ano. hehehehe.

  7. Hello sa lahat! At dahil may special bati ako galing sayo, ‘Hi Jessie!’ hehe…:)

    Jops, delikado nga ang tripod. E ultimo camera nalimutan na nyan e… nyehe!

    Mec, o di ba? Mala-HK escapade nyo ang mga pics namin… puro solo pics… hehe.

    Ina… ayos sa terno-terno no? Pero ang di namin kayang ternohan, yung fog… hehe. 🙂

    Rolly, hindi ako naka-jacket. Manipis na polong maong lang yang soot ko kaya ayun, kahit mala-Baguiuo lang ang weather, nginig ako sa lamig.

  8. Maganda nga yung me dalang tripod… since laging bitbit ni hubbie yung backpack, dun nakalagay ang tripod, kainis lang i-setup. Saka kakatakot baka biglang itakbo hehehe

    Ang best bet ko lagi e makisuyo sa kapwa turista, palitan kami ng kuha.

  9. Ay! hehe…

    E kasi mylab, alam mo naman nang sobrang enjoy ako sa weekend natin e. Kung baga, I have no words left to say… except, thank you. Labyu!

  10. hello!!! mukhang nag-enjoy talaga kayo sa genting! buti pa kayo, nakapost na ng picture, kami rin lahat nasa computer pa. 🙁 totoo yan, tinatamad ako i-post yung aming genting trip kasi puro solo shots! Haha. good to know, magaling na ang sugat mo, batjay! 🙂

  11. ano daw? bosing cannot inside? anu yun ulit? hahaha! reminds me of my P.E. teacher.. “sir may i go to the bathroom.” “no! no! a while ago! a while ago!”

  12. hi tin.

    puro solo shots nga rin yung sa amin hehe. pero pinost ko na rin kasi utos ni boss. hehe. ok naman ang trip sa genting. at least napahinga kami ng straight. actually, most of the time nga, nakahiga lang kami sa kama.

    which is why i really feel rested. etong past 2 days since the trip, ang ganda ng gising naming dalawa. especially me, for the first time in a month, i really really feel good.

  13. HEY TANYA!

    nice to hear from you again… hehehe. ang sabi niya ay “dressing cannot inside”. hehe, natawa rin ako sa PE teacher mo. naalala ko rin yung isa kong kakilala….

    one day tinanong ko siya kung kailan dumating ang isa naming kaibian from a trip sa probinsya. ang sagot niya ay “mga two days from now” instead na “nung isang araw pa”. hilig kasing mag inglis spokening eh.

  14. ehehehe… sabi dun sa isang sign, “TOLAK” daw.

    ganda-ganda naman ng trip nyo. koyang, mokhang oke ka na ngarud. bote at nakapagpahenga kayo ni ditseng Jet.

    wala pa bang lugar yung nz trip nyo tsaka kailan? excited na akong makita kayo eh. sana sa auckland ha?

    hellow ditse!!! ala lang. miss u na. 🙂

  15. hi ate kiwiP.

    oo nga maraming mga salitang pareho sa bahasa malay at pilipino. por eksampol yung “tolak pintu” ay maiintindihan nating pareho na malay at pinoy. marami pang mga common words – utang, bayar (bayad), makan, kanan, etc.

    although kahit marami tayong mga common words at halos pareho ang tabas ng mga mukha natin, siyempre mas magaganda at mas mabango ang mga pinoy at pinay. hehehe.

  16. Lol. Di pala sila sanay mag English? Nice pictures. Puro nga kayo ang laman ng pictures! Pero di naman nakakasawa ah. Don’t worry. Enjoy kami sa pagtingin. 😉

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *