We could learn a lot from crayons

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom - amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic) sa amin ni jet, talagang importante ang mga kaibigan. bukod sa pwede mong mautangan eh masarap talaga silang kasama sa mga lakad. masarap kakwentuhan, lalo na pag may problema at hindi sila tatakbo kahit malakas kang humilik. pero siyempre aalaskahin ka nila (e.g “putanginang hilik yan daig pang tambutso ng palyadong motorsiklo”). parte na yan ng buhay at isa sa mga nagbibigay ng kulay sa pakikpagkaibigan. pag alis namin sa singapore sa sunday, ang isang magpapasakit sa puso ko ay ang malayo sa mga kaibigan na nakilala namin sa singapore. kung iiyak ako pagsakay sa eroplano eh dahil mami miss ko ang magagandang babaeng kita pusod masarap na pagkaing maanghang ang mga kaibigan namin. mayroon ding mga maanghang na babae rito pero hindi ko sila mami miss. ngyehehe.

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom – amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic).

our good friends in singapore sa PICTURE 2 above: from left to right, top to bottom - eder, batjay, growen, ron, jenn, marikit, leah, amor (click nyo na lang para lumaki ang pic) nakakatawa ngang isipin, karamihan sa mga close friends namin dito ay sa blogging namin nakilala. sina leah ang una, nagsulatan silang dalawa ni jet after na mag comment si leah sa blog ko. and then nagkita kami for dinner sa fisherman’s village and we’ve never looked back since then. ganoon din ang nangyari sa amin nina tin at ron – almost a year ago nagkita kami sa lucky plaza for dinner after kaming magkasulatan through our blogs. si jenn din at amor, nakilala namin nung dumating si jenn from canada at nagkapalitan sila ni jet ng comment sa kani kanilang website. simula nang makilala namin sila, nag-iba ang tingin namin sa singapore. it became friendlier. it became a great place to live in. it became fun. it became home. did it become fun? you bet. iyan siguro ang isa sa masarap sa mga pinoy friendships, hindi ka mauubusan sa mga nakakatawang mga kwentuhan. naalala ko tuloy yung brain teaser ni amor (na napag usapan na naman kagabi):

AMORe: paano mo sasabihin sa english ang ‘Pang ilang presidente na si Gloria Macapagal Arroyo’?

BATJAY: how many president is GMA?, is how many presidents before GMA?, what number of president is GMA, is it?

AMOR: paano mo sasabihin ang – “ano ang kapatid mo, lalaki o babae”?

BATJAY: “what is your brother, a brother or a sister?”, “is your brother a sister”?

yang mga kwentuhan ba namang ganyan eh kung hindi ka ba naman mag enjoy. isama mo pa yung mga karaoke na may song and dance, ayaw mo nang umalis sa singapore, ever. maraming salamat sa inyo mga kaibigan. it won’t be the same without you guys.

until we meet again.

23 thoughts on “We could learn a lot from crayons

  1. ika nga ni tin: “what numbereth is gloria?”

    at ni ron: “in what order, with a ‘nth’ is gloria’s presidency?”

    BatJet, thanks for dinner at wine kagabi… at sa monopoly giveaways! eto gamit ko na yung upuan na napanalunan ko! hhehehe… ang saya saya … ciempre mamimiss namin kayo. i hope distance will not make you forget the laughters that we shared, lalo nung kumakain tayo at halos talsikan ang mga kanin sa mesa sa katatawa ni brother sister!

  2. Don’t even know if I can blog about this. Dito pa lang sa blog mo naiyak na ko mylab, e dapat matawa ako. I will miss these friends so badly.

    Jen, anytime. Hopefully, hindi ka namamaga ngayon ha. 🙂

    At least mylab, we’d be better of as we start sa SoCal kasi may mga kaibigan na din tayo dun. Unlike when we started in Singapore, you and me against the world tayo.

    I know the people we know there now are every bit as fun and nice and sincere as the friends we made here in Singapore. But that doesn’t mean I will ever forget.

    I’m keeping you in my heart guys! Take care and we’ll see you in the ‘ber’ months!!!

  3. whew! from my blog entry to yours. ang bigat tuloy ng feeling ko. parang gusto ko tuloy kumanta ng ‘some good things never last’. hehe.

    seriously, all the best sa bago nyong journey. i’m sure you’ll make lots of good friends in Cali, kayo pa.

    keep your heads held high. thanks for the wonderful friendship! we’ll see you soon.

  4. hello batjay, lapit ka na dumating dito, ingat and goodluck. meron nga pala kami friend dito nag move din sila galing din singapore i think 3 yrs na sila dito, sa computer din ang linya nila, ang company nya dito ” stats chippac inc.”, meron din sa oracle,anyway sana makalibot ka dito. goodluck!

  5. Jet, hindi naman ako namaga… as a matter of pak, pinag-pyestahan pa namin kanina yung adobo mo at pansit at lumpia at thank heavens hindi naman ako naallergy! kaya ok na ok talaga!

    have a safe trip and of course all the best for your move. when i moved from montreal to here, i was also anxious, excited, scared and it was hard for me at first cuz i didn’t know a single soul — but like me, i know that you guys will meet beautiful people in calif. who will enrich your lives… kayo pa! eh ang galing nyo makisama! yun nga lang, wala kayong makikitang mga pepper cra-easting, singing-and-dancing monopoly players don! hehe

    (yung fave jacket ko na naiwan sa inyo pano ko makukuha? waaaa!)

  6. dear batjay,
    malulungkot kami mga pinoy sa office at wala ka na dito sa singapopo. matagal din namin binabasa blog mo at nakakaaliw, nakakawala ng pagod. alam naman namin na tuloy pa din itong blog mo maski nasa ibang planeta ka na…bansa pala. gud luck pare at kay jet. mabuhay kayo.

    mga pinoy sa samsung

    p.s. ingatan mo si spiderman

  7. maraming salamat sa pag comment gerry ong at sa lahat ng mga pinoy sa samsung. hopefully makapag kwento pa rin kahit wala na sa singapore. sana may oras pa rin. mami miss naming mag asawa ang singapore – parang ito na ang 2nd home namin.

    uwi na kaiming pilipinas ngayong umaga.

    ingat at hanggang sa susunod!
    jay

  8. hi jennipeng.

    buti naman at nakain mo yung mga pabaon. ngyehehe… at nagustuhan mo talaga ang lasa. maraming maraming salamat sa friendship ninyo ni amor. laking bagay nito para sa amin.

    sigurado magkikita kita pa rin tayo. sana sooner rather than later.

    ingat,
    jay

    ps yung beloved jacket mo ay binigay na namin sa salvation army. ngyehehe. hindi – bitro lang. na kay leah na. siya nang bahalang mag bigay sa iyo.

  9. ano na po ang magiging pamagat ng inyong blog ngayong umalis na kayo sa singapore. nawa’y patnubayan kayo sa inyong bagong trabaho.

    kwan

    p.s. ewan ko pero bigla kong narinig sa radyo ang ‘leaving on a jetplane’. di ko lang alam kung kaninong version… medyo rock ang dating

  10. sir, salamat for counting me as one of your friends. it was really an honor to have known you and jet.

    salamat din sa napanalunan ko sa monopoly. hehehe.

    again, good luck sa inyo!

  11. bosing at jet,

    nakakalungkot nang iiwan ninyo ang singapore. kung di dahil sa singaopre di ko rin kayp makikilala. di na bale, aaliwin naman namin kayo dito ng mga stateside na berks.

    eto itaga natin sa bato, in selebreyshen op yor nu layf, kelangan kita-kits tayo diyan sa west coast.

    good luck, and have a safe trip!

  12. nakakatouch naman dito ngayon. i hope sa muli nyong pagkikita na mga magkakaibigan, ganon pa rin, at mas masaya! happy trip at Godbless po!!!

  13. hay naku, may nagtext kanina ng “Hi Leah! This is my new number #xxxxxxx” eh di ko naman alam kung sino yun so my reply was, “Uhm…and you are?”

    a few seconds later, “Jet hahaha!” i can just picture her laughing nga, and buti na lang na-store sa memory ko (parang flash drive..haha) yung tawa niya kaya yun, medyo nag-echo yung laughter inside my head niya while i was reading her text…haha!

    we’ll miss you guys…but what god has put together, let no man put asunder…ehe…i’m pretty sure we’ll meet again. lunch sa airport ha! pag di natuloy, ay ewan, baka mapipilitan talaga ako pumunta ng LA sa september! 😛

  14. hi leah.

    nag text na pala sa iyo si jet. may bago na kasi siyang cellphone number. ngyehehe. sana nga matuloy din kayo sa US sa september para masaya.

    kita kita na lang tayo sa airport.

  15. hi gmarc. maraming salamat sa comment. narito lang naman ako parati. one way or another makakapag sulat pa rin ako. sana kasing regular pa rin dati. ingat na lang at isang magandang gabi sa iyo.

    ingat,
    jay

  16. Bakit parang di lumalabas yung comments ko?

    Anyway….na-shock ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Pero bakit…….bakit pag nag-ge-get together kayo di namin alam? (nanumbat pa)

    Anyway, good luck! Andyan ako sa Manila actually nung june tapos kababalik ko lang dito kahapon. Wala akong kaalam-alam!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *