WE ARE THE WORLD

nung araw, in my warped sense of justification, parati kong sinisisi ang mga bata sa africa kung bakit ako mataba. pag wala kasi akong ganang kumain, sinasabi sa akin ng mommy ko – “hoy bata ka, hindi ka na nanghinayang sa pagkain, ubusin mo lahat yang niluto ko para sa iyo. ang dami daming mga bata sa africa ang nagugutom samantalang ikaw…” siyempre, unfinished ang sentence para mas may emphasis ang point. dahil sa masunuring bata eh naging tendency ko tuloy na ubusin lahat ng pagkain sa plato kahit busog na ako. ayun tuloy – tumaba ako ng husto.


dala ko ito hanggang ngayon kaya mahirap para sa akin ang bigyan ng platong puno ng pagkain kasi naiisip ko pa rin yung mga mahihirap na bata sa africa. kanina nga, nung kumakain kami ng lunch napansin ko na ako lang ata ang parating ubos ang plato parati. kinakabahan na nga ako dahil malamang mataas na naman ang blood sugar ko at bumigat na considerably. kaya pala nung nasa asia-pacific pa ako based eh ganon na lang ang timbang ko’t mukha akong sumo wrestler.

the past two weeks traveling across singapore, taiwan, china and now korea eh na realize ko kung gaano ko na miss ang pagkaing masarap. hopefully, pag uwi ko sa california before christmas ay maibabalik ko ang dati kong routine na eat less, exercise more. ayoko nang magmukhang siopao.

5 thoughts on “WE ARE THE WORLD

  1. Sana sinagot mo na lang mommy mo ng “sige, ibalot nyo at ipadala na lang natin sa Africa!”

    Tama ka, merong isang psychologist na nagsabi na minsan daw ang dahilan ng pagiging obese ng tao ay dahil pilit ipinauubos sa kanila ang kanilang pagkain nung bata pa sila.

  2. tsk tsk.. palagi ko din nadidinig yan sa mga matatanda…

    ang iniisip ko naman, “kung kainin at ubusin ko ba ang pagkain ko, nde na magugutom ang mga bata sa africa?”.. hehe.. =P

    anyway, i’ve been to one country in africa.. and dun ko nakita na sa ibang parte ng bansang yun, totoo yun mga nakikita ko sa tv.. mga malnourised na bata at sadyang makukulit ang mga langaw dun.. =)

  3. minsan ginamit ko rin yang stategy na yan kay Pia para ubusin yung pagkain nya. sabi ko yung mga pulubi nga walang pagkain, nanghihingi pa sila para may makain…

    ang resulta- di nya inubos ang food, ibibigay nya lang daw sa pulubi. hehe!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *