WATCH ME WALLABY FEED MATE

natapos din yung training session na binigay namin ng boss ko. ok naman, mga 12 people ang dumalo – 11 aussie at 1 kiwi. masayang kasama ang mag taga rito. gustong gusto ko ang aussie dry humor. parang ako. hehe. haluan mo pa ng kaunting mura ay ayos na ayos talaga ang mga kwentuhan. ayos din ang kanilang accent. pakiramdam ko nga ay kausap kong parati si bruce the shark doon sa “finding nemo“. hehe. nakakatuwa yung isang estudyante kong matanong – ngongo siya na may australian accent. nakaka tatlong excuse me ako para maintindihan ang kanyang sinasabi. una para maintindihan ang pagkangongo niya, pangalawa para maintindihan ang australian accent at ikatlong ulit para maintindihan yung english.

aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “ah, eh – say dat agen meyt, yor what sangat eksampol?”

aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “did you say kamatis mate?”

aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “ah… what is the difference between my first and second example!”

aussie: NGYET!
batjay: “shit ka rin!”

pero sa tutuo lang, i love australia. i love the friendly people, the good cheer, the food. i love sydney, i love the aussie accent and the humor. kung bibigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho dito. aayain ko na agad si jet na lumipat bukas.

17 thoughts on “WATCH ME WALLABY FEED MATE

  1. Matagal tagal na rin akong pabalik balik dito, and all I can say is HAHAHAHA!!! Great Job Batjay you never fail to make us laugh.

    I like the humuor being applied in everyday events!!

    Keep them comming!!

  2. Hirap naman pala pag natatapatan ka ng ngongo na aussie. Hanep din mga swerte mo, BatJay. Napaka-rare ng mga sitwasyon mo kahit nakakatuwa. Buti di ka naiinis. Si Cath the pusa galit sa mga taga-dyan ngayon kasi panay pa din daw mga tirada ng mga opisyal dyan tungkol sa “kaduwagan” natin sa Iraq.

  3. gusto ko din dyan. kaya nga i’m capitalizing on the trainings, studies, etc.. provided by my aussie employer.

    isa yan sa mga ultimate goals ko. haaaay..sarap mangarap.

  4. nagkaroon kami ng pagkakataong pumasyal sa sydney nung isang taon…maganda nga dyan…you have the comfort of a first world country without the usual hustle and bustle…hhmmm that was just our general feel of the place….

    although we had a bad experience with a young assie server in hardrock…pinalaki yata siya ng mga magulang na isa sa mga nag-udyok ng “white australia policy” (or something)

    but that was an isolated incident.

    sa kabuuan naman ay masaya naman.
    hanggang dito na lamang at baka madala pa ako…hehehe

  5. hi batjay. i love sydney too but wait till you come to NZ 🙂 First world country without the hustle and bustle in the truest sense of the word! hehe Kung dyan kayo lilipat ni Jet eh ok na ok pa rin because you are just across the ditch (Tasman Sea) mate so can come and see you any time! hehe o ha, ininvite ko na sarili ko! 🙂

  6. Pero mylab, papasukin pa kaya tayo ni Howard da duck? Mukhang galit na galit nga sating mga Noypi e.

    Sana siya na lang naging ngongo… heehee! 🙂

  7. Ngayon lang ako mapapacomment sa blog mo. Di ko maresist kuwentong ngongo mo eh. Subject ko kasing lambing mo rin. Gusto isurprise asawa kaya isang araw, di siya nagparamdam sa kanyang asawa, pumunta siya sa likod neto at tinakpan niya dalawang mata ng asawa sabay sabi ng:

    Ngongo: Nges hu?
    Asawa: Heee, pa nges hu nges hu ka pa diyan eh ikaw lang naman ngongo dito! (tahdah)

    O siya, enjoy your few moments left down under. Malamig ba diyan ngayon?

  8. panalo ka! grabe! that was a funny one! now i remember why i kept on coming back to this blog.. hehehee! through that i met ate jet… cool stuff! memories!

    you can be the next rex navarrete.. :-p seryoso! stand up comic..or the david spade of the Phils. sarcastic humor grabe!

    i want to go to Oz too.. i’m checking out one film school there.. APA International Film School.. ahh Lord! 🙂

    have a good one fafa jay! :-p

  9. Salamat Paring ‘Tambay’!

    Parang ‘Odessy’ ni Homer(di Simpson)o ‘ang paglalakby ni Guliber’ and buhay mo! Nakakainggit no! Ako, si Kim na walang kuwento ay kasalikuyang nasa Sapporo- bansang Sakang at tutal on line…….nakakaaliw bumasa ang mga entries ninyo!

    Ngayong gabi kumain ako ng Okonomiyaki at seyempre maraming Sake ….gamot pang-tulog he hehe.Kaliweyte din ako pero sayang at di ako kasing talented ni Leonardo ano…Well walang okonomiyaki sa Italia…

    More Power,
    Kim Rockell

  10. kamusta kim.

    maraming salamat sa comment mo. masarap daw diyan sa sapporo. malapit na namang mag winter at masaya na naman siguro diyan sa inyo. maraming mga show. hindi ba diyan ginaganap yung ice sculpture festival?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *