WALANG BUNTIS SA SINGAPORE

biyernes santo ngayon… ang init. etong isa sa nga seven last words na ankop sa akin: “i thirst”. hehe. punta kaming sentosa ngayon. doon kami magkakalbaryo.

my mom in singapore. yesterday, we went to the singapore zoo and the night safari. my mom had a great time.

here’s a pic of my mom here in singapore. kinuha ko ito sa loob ng zoo. halata bang 80 years old na siya next month? ok ngang makasama ang mommy ko rito. ever gracious pa rin siya at sobrang bait, pati mga waiter sa restaurant ayaw pag hintayin.

mommy ni batjay: “bayaran mo na ang kinain natin at naghihintay na ang waiter.”
batjay: “hayaan nyo lang yan maghintay mommy. kaya nga waiter ang tawag sa kanila eh.”

very observant din siya. kanina, nagpunta kaming suntec city para mag shop. napansin nga niya ang isang glaring na fact – kaunti lang ang mga babaing buntis.

mommy ni batjay: “apat na araw na ako sa singapore, wala pa akong nakikitang buntis.”
batjay: “gusto ko sanang gawan ng paraan yan mommy, kaya lang may asawa na ako.”

FAMILY in singapore... we went to Suntec City today to shop. from left to right: my sister Emy, Mommy, Kim, Paula, Rene and Sara.

marami kami ngayon dito sa singapore… sa picture, from left to right: my sister Emy, Mommy, nieces Kim and Paula, brother-in-law Rene and other niece, Attorney Sara.

12 thoughts on “WALANG BUNTIS SA SINGAPORE

  1. ganon yata sa mga 1st world countries, daming DINKs (Double Income No Kids). Dito nga siguro dahil sa walang pagkaabalahan, paggawa na lang ng bata ang ginagawang past time… ahay! Kaya rin siguro maraming fertility experts dyan sa Singapore. meron kasing isang Singaporean ang kinuhang consultant dito ng isang hospital para sa kanilang fertility unit. Di ba nga si Ate Vi dyan nagpunta para mabuntis at ang bunga nga ay si Ryan Christian? uy di tsismis yan ha…=)

  2. Ate Sharon, dito ba nabuntis si Ate Vi? Di ba sa merika?

    Ang sexy ni Let-let sa picture ah…Ang mommy, diretsong-diretso pa rin ang tayo…:)

    Mylab, asan ka?

  3. jet, dyan siya sa singapore nagpa IVF. Meron nga akong kilala sa belgium pa nagpa IVF. The procedure is also done here, at least sa St. Luke’s however it is not as effective as how they do it there.

  4. hehehe..you’re mom’s funny. reminds me of the mom of Ariel in one of our shows “The Misadventures of Maverick and Ariel” hehehe.. hilarious! oh and it’s a reality show so whatever the mom likes to say.. we air it.. and she’s brutally blunt.. hihihihihi.. 🙂 maybe i might get you and ate jet a copy of one of the episodes. 🙂

  5. Hi Perskasin! Ang kasagutan sa inyong dilemma ay padalhan n’yo ako ng ticket papunta diyan, para may buntis nang makita si Auntie Lita sa Singapore! 😉

  6. thanks jennie and carmela. oo nga, my mom looks 60 to me. mabait kasi siya at maganda pa rin.

    hoy ate sharon! hehehe… salamat sa mga comments mo. ang dami ko tuloy nalalaman na mga showbiz tsismis sa iyo. kamusta nang ninong mong panday?

    hi junnie, AnP, delish and Tanya. medyo makulit lang ang mommy ko. actually, ang daddy ko ang talagang makulit. playboy pa. hehe.

    hi Ate Sassy Lawywer. 2 na nga ang apo ko eh.

    hi perkasin PradaMama – oo ba. pag ipunan natin. hehehe. o kaya mas maganda. bibigyan ko ng ticket ang mommy ko para makadalaw siya sa inyo!

    HELLO MYLABOPMINE! kamusta ka na diyan sa bahay? lab U!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *