Viva Las Vegas

nasa vegas ako hanggang wednesday para bumisita sa customer, isa sa pinakamalaki at pinakamagandang hotel sa strip. ang sarap pag customer ang nag arrange ng hotel room dahil parating may libreng upgrade sa mas magara at malaking accomodation. muntik na nga akong maligaw sa loob ng kwarto ko dahil parang bahay. sa sobrang laki nga ay mayroon itong dalawang toilet at tatlong TV.

ang nakakainis lang ay dahil trabaho ang pinunta ko rito, pag dating ko sa kwarto ay late na. pagod na ako at gusto ko nang matulog. tapos maaga gigising kinabukasan kaya hindi ko ito masyadong ma enjoy. alam ko na ngayon kung ano ang pakiramdam ng isang gutom na lalaking binigyan ng isang lata ng masarap na corned beef pero wala naman siyang can opener.

9 thoughts on “Viva Las Vegas

  1. Ayan ang mahirap sa paid vacation este on official business di mo hawak ang oras mo di ka tuloy makapag enjoy ..Early to rise ,late to sleep…kailangan mong imaximize iyong time mo pag higa mo you have to think of your sked the morning after!

  2. wala din pinagkaiba sa maikling bakasyon sa ibang lugar, pero sa sobrang ikli eh pilit mong sinusulit ang lahat ng magagawa mapagkasya lang ang oras. para ding sobrang sarap ng pagkaing nakahain, pero busog na busog ka naman. wala din. hehehe. ingat! =D

  3. sarap naman nyan Pa… I would have looooved to be there. pareho din siguro tayo ng feeling no? nakalibre sana ng magandang hotel room kaya lang di naman ako kasama… hehehe

  4. anubayan…di man lang naginit sa pagdating si jet…ikaw naman ang umalis…sana mahaba haba next time ang welcome program šŸ™‚ enjoy yang vegas na yan…ano nga ba tawag nila – LOST WAGES ? šŸ˜›

  5. ganda ng simile mo using canned food and abre lata. Bilib talaga ako sayong mag-isip. Ako ang naisip ko bigla e nag-sex ng naka condom. Ay kumain pala ng juicy fruit na me wrapper yun. mali!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *