VITAL STATISTICS

for the first time yesterday, inacknowledge ng mga newspapers dito sa singapore ang contribution ng foreign nurses laban sa SARS. it’s about time. hirap kasi rito minsan, puro sarili nilang iniisip eh. may mga tao kasi rito na sobrang yabang, akala nila umiikot ang mundo sa singapore.

consider this: 49 nurses na ang nagkaroon ng SARS dito sa singapore. nakuha nilang lahat ito sa trabaho. out of the 49 nurses, 20 dito ang non-singaporean. ibig sabihin 41% ng may SARS na nurses ay foreigner. out of this 20 foreign nurses, 10 ang pinay. this is 50% of all foreign nurses or if you look at the total, 20% of all infected nurses. malupit. ano ang kapalit nito?

araw-araw, makakarinig ka ng mga pinapaalis sa mga tirahan nila dahil nandidiri ang mga may-ari ng mga ni-re-rentahan nilang mga bahay. pinagbabawalang gumamit ng elevator sa mga housing complex. iniiwasan sa mga train at bus. hindi hinihintuan ng mga taxi.

mayron nang mahigit dalawang milyong dolyar na courage fund para sa mga health workers bilang tulong sa SARS related relief activities. sana naman, kahit papaano ay mabigyan sila ng konting pera para naman may kunswelo sila, kahit konti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *