Vision is the art of seeing things invisible

mga paborito kong pelikula na napanood itong nakaraang isang taon:

1. little miss sunshine

2. pan’s labyrinth

3. the departed

4. borat

5. heart of gold

6. apocalypse now, the complete dossier

7. letters from iwo jima

8. casino royale

9. kung mangarap ka’t magising

10. three iron

palabas pa sa mga sinehan ang ibang pelikula rito. yung mga luma naman ay available na sa DVD. panoorin ninyo, walang tapon sa listahang ito.

speaking about pelikula… nung pinalabas yung “castaway” ni tom hanks sa mga sinehan, tinanong ko kay kuya bong kung nagustuhan niya ito. nanghinayang daw siya sa binayad niya kasi simula umpisa hanggang matapos daw ang pelikula, isang tao lang ang nakita niya.

22 thoughts on “Vision is the art of seeing things invisible

  1. kaya nga “cast-away” ang pamagat dahil kulang sa cast…pero ang paborito ko doon ay si Wilson. Asan na kaya siya ngayun?

  2. uy.. nagagandahan din ako dun sa “kung mangarap…” simple lang ang istorya pero swak na swak. notice mo ba ang ilong ni fafa boyet? before rhinoplasty yun. hehehehe

    ay fafa, nanood ako ng “happy feet” sa IMAX dito nung friday. tawang-tawa ako sa kanya. at very relevant sa environment problems, ha!

  3. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAANG.

    ang dami ngang nagsasabi sa akin na manood ng “happy feet” kaya lang naka line up na yung papanoorin namin ni jet itong janaury to february.

    bumili na nga ako ng mga movie ticket sa opis namin. discounterd kasi – $6.00 ang isa, compared to $10.50 pag binili mo sa multiplex direct.

    anyway, eto ang line-up namin:

    1. letters from iwo jima
    2. volver
    3. notes from a scandal
    4. children of men
    5. last king of scotland
    6. the queen
    7. babel

    ngyehehe. dami ano?

    ingat,
    jay

    ps – nakabili ako ng “kung mangarap ka’t magising” na DVD sa kabayan central. ang pangit ng reproduction at may mga cut na scene. di ko alam kung saan nilo ito kinuha. minsan humuhinto pa ang pag play ng DVD. nagreklamo ako pero hindi nila ako pinansin. bwakanginang yan – sana magkagalis sila.

  4. watch it tanya. you studied film and i am sure you’ll appreciate the way guillermo del torro crafted this movie. one of the best so far this year.

    my main measure of a great film is my willingness to buy the DVD version and watch it again and again. this is one of them.

  5. ay, gusto ko din yang kung mangarap… naalala ko pa yung order na ice cream nina buboy, sundae monday tsaka lino mocca.

    yung babel, bossing, the best.

    me nagtimbre naman sa akin, matindi daw yung thank you for smoking.

    yung apocalypse, re-issued ba sa sine? alam ko merong apocalypse redux, pero complete dossier, hmmm, interesting.

  6. complete dossier is redux plus the original version with all the nice bonus stuff. i love the coppola commentaries especially since the film was shot in the philippines, maraming mga reference sa pinas.

    i’ve seen “thank you for smoking” – it’s a great film done by jason reitman, the son of ivan reitman. great acting by aron eckhart.

    babel – siguro one of these days. naka line up na rin ang 21 grams at amores perros.

    naalala mo ba yung inorder nina buboy at danny na “ladies choice” ice cream para kay bebeth orteza?

  7. napanood ko din yung mga napanood mo, except for mangarap and apocalypse. i agree, magaganda nga lahat especially yung the departed. pero mas maganda pa rin yung original movie which the departed was based from, yung infernal affairs. honorable din ang m.i.-3, the illusionist and yung concert ni neil young.

  8. napanood ko rin ang infernal affairs at maganda rin naman siya. pero mas gusto ko pa rin ang “the departed”. para sa akin kasi mas malalim ang mga characters sa version ni scorsese.

    buti nabanggit mo ang “heart of gold” ni neil young. nakalimutan ko. ilalagay ko rin ito sa listahan ko. probably the best concert movie, ever. galing ni demme

  9. ngayong binanggit mo yung ladies’ choice, parang naaalala ko na sha. ngapala, nanalong best ensemble acting sa actors’ guild ung little miss sunshine. pinanood ko yun sabi mo kasi maganda, aba e maganda nga. (yung lolo dun, una kong napanood as the police chief in ‘so i married an axe murderer’ and i had been his big fan since). tas natuwa pa ako dun sa linya nung scholar na cuckoo na “proust is the greatest writer after shakespeare”, kasi lagi kong sinasabi yun sa mga kaibigan ko, ang sinasagot lang nila sa akin e walang iba kundi matirik na ngatngat.

    sa trilogy naman ni inarritu, pinakagusto ko yung 21 grams.

    bossing, ano ba ang 5 best movies of all time mo?

  10. pare kamusta na?okey lahat pero sana ma post mo dito sa blog mo ang mga picture natin taken last sat Jan 27,2007 natangap mo ba? na sent na ni misis ko di ka naman nag reply thanks
    from Antonio “butchok” Nava

  11. preng butchok. ngayon ko lang natanggap ang mga litrato. ilalagay ko na sa album namin ngayon. salamat nga pala sa mga kuha. ingat

    hey CBS – ayokong maglista ng 5 all time dahil it changes. napaka relative sa mood ko. pero kung pipilitin ako, my right here, right now (end of january 2007) top movies to bring in a desert island are: godfather 1 and 2 (which i consider 1 film), apocalypse now (redux version with the plantation scene that was deleted from the original movie), groundhog day, little miss sunshine, blade runner, pan’s labyrinth, y tu mama tambien, belle epoque at antonia’s line.

  12. Agree ako sa Pan’s Labyrinth. It is one of the most beautiful movies I’ve seen. It’s Neverending Story meets Schindler’s List. Kung baga, this will be the Brother’s Grimm version of a fairy tale (where the Little Mermaid dies) and not the Disney version.

  13. Yeheeeey! Dami nating date! 😀

    Of course, you know that that list is far from complete. Wala pa dyan yung mga gusto kong no-brainer movies na nakakatuwa lang kasing panoorin… hehehe.

  14. I love, love, love ‘Thank You For Smoking’! Tawa ako ng tawa sa Death Squad conversations eh. But Katie Holmes ruined it for me, though.

    Yung ‘Little Miss Sunshine’, it grew on me nalang… ang tagal kasi bago nagkaron ng meat yung story eh. At first, I didn’t understand why it was nominated and won some awards pero ang kulit na nung kalagitnaan! I love the whole cast… super galing ng acting.

    I also liked ‘North Country’ … idol ko na si Charlize. Yung ibang films na nasa list mo, naka line up na din sa mga must see movies ko.

    Yun lang. Wambadu, wambadu, wambadu!

  15. little miss telok blangah – bwahahaha.

    panoorin mo ang pan’s labyrinth, jennypeng. gugustuhan mo yon. tawa rin ako ng tawa sa “thank you for smoking” – supder duper great intelligent story. pero tama ka, na turn off din ako kay katie holmes. dala ba yan ng association niya kay tom cruise?

    musta na riyan?

  16. ayan, sige, papanoorin ko talaga yang pan’s lab, in memory of you! ay mali, in honor of you pala dapat.. napanood mo na din ba yung “unknown” starring jim ‘passion of the christ” cavaziel? based on reviews eh maganda din daw.

    ayos naman dito.. parang pasko, ang lamig ng simoy ng hangin, pero ganon pa din ang amoy, lalo kanina sa serangoon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.