Morcon con Binagoongan


Posted in Soul Food | Leave a comment

Hamburger Surprise with Garlic


Posted in Soul Food | Leave a comment

Sinigang na Tuna

simple lang gawin ang sinigang na tuna – sangkutsa lang ng sibuyas, kamatis at luya. haluan ng tubig at pang-asin. pag kumukulo na, ilagay ang isda at gula, sabay patay ng kalan.

pag nami miss ang pilipinas, luto agad ng sinigang. pangtanggal ng lungkot.

Posted in Soul Food | Leave a comment

Our Neighborhood Fruit and Vegetable Stand

eto ang bago naming suki na fruit and vegetable stand. it’s about a mile away from home. yung taniman ng tinitindang mga prutas at gulay ay nasa likod lang ng tindahang ito.

Posted in Veggies | Leave a comment

Bawang na may Tuna

late lunch ngayong sabado – tuna steak na may bawang. binaba ko lang sa ref ang tuna bago ako tumakbo. pag dating ko sa bahay, malambot na kaya tinimplahan ko na lang ito ng lime, pepper at soy sauce marinate. tapos nag gisa ako ng mushrooms. in an hour or so, mayroon na kaming masarap na low calorie, low fat lunch.

Posted in Seafood | Leave a comment

Tsikan Kali Lah!

nagluto ako ngayong sabado ng gabi ng singapore style chicken curry. ano ba kaibahan nito sa chicken curry ng mga bumbay? mas may personality at mas bold ang singapore style sa tingin ko. mas maraming naglalarong lasa kasi sa dila mo – naroon yung anghang, alat at yung distinct curry taste na hinaluan ng gata.

Continue reading

Posted in Singapore | Leave a comment

Miso Soup

nagluto ng miso soup si jet ngayong gabi. first time niyang gawin ito using ingredients na binili namin sa korean grocery sa tapat ng bahay. it was really good if i may say so myself.

Continue reading

Posted in Soul Food | Leave a comment

Brown Rice, Ang Kanin ng mga Diabetic

brown rice, ang kanin ng mga diabetic. recently ay nilalalagay na ulit namin ni jet sa cup para sukat ang pagkain namin. ang tendency mo kasi pag maraming kanin sa hapag kainan ay kainin lahat ito.

Posted in Rice | Leave a comment

Argentinian Red Shrimp

recommendation ng kapitbahay naming si gigi na subukan itong argentinian red shrimp. mura lang dito dahil naka sale at masarap ang lasa. impak, may pagka lobster ang dating. ginisa ko lang sa bawang, kaunting paminta at asin. bagay na bagay para sa friday dinner, lalo na kapag may kasabay na malutong na gulay.

Posted in Seafood | Leave a comment

King Crab Dinner

nagluto ako ng king crab para sa dinner namin ni jet ngayong president’s day. eto ang isa pang lutuin na napaka simple lang gawin. kuha ka lang ng steamer at ilagay ang crab sa loob. after 5 minutes, luto na. walang kahirap hirap.

ang secret lang sa king crab ay ang sawsawan. para sa akin, sukang maanghang na may toyo at kaunting asukal eh ok na. samahan mo pa ng lemon para pampatanggal ng lansa eh mapapa-putangina ka sa sobrang kasarapan.

eto nga pala yung king crab bago ko lutuin.



Posted in Seafood | Leave a comment

Peanut Butter and Jelly Weekend

sabi ng doctor ko, ang diet daw ng mga diabetic ang pinaka healthy sa lahat kasi kontrolado mo kung ano at kung gaano karami ang pagkain. experience tells me that this is true. ever since na nag-iba ako ng lifestyle at sinunod ang diabetic’s diet ay bumaba ang timbang ko at parati na akong tinitigasan ngayon.

Continue reading

Posted in Breakfast | Leave a comment

BOK CHOY SURPRISE

BokChoy-02

bok choy with garlic na sinamahan ng tokwa na may sawsawang suka at toyo. simple lang itong lutuin at magaan sa tiyan dahil walang karne. bagay na bagay bilang hapunan, lalo na kung nagpapapayat, high blood o kaya ay tulad kong pogi pero diabetic.

nakakatuwa kasi sikat na rin ang gulay na ito rito sa california. who would have thought na magkakaroon ng appeal sa mga amerikano ang isang gulay na bok choy ang pangalan. i bet in most cases, malamang ay hindi nila ito ma-pronounce ng tama.

una kong nakilala ang bok choy sa singapore. pag tinatanong ko sa suki kong hawker na intsik kung ano ang masarap na gulay appetizer, ang parati niyang sinasabi sa akin ay “treibokchoygud”.

matagal bago ko naintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin.

Posted in Veggies | Leave a comment

Pot Roast

this is my wife, jet, cooking her pot roast.

PotRoastLunch-09

Continue reading

Posted in Meat | Leave a comment

Crispy Salmon Skin

CrispySalmonSkin-07

imbis na itapon ko ang mga sobrang ingredients sa ginawa kong sinigang na salmon this afternoon. nag decide akong pag experimentuhan ang mga latak – ang kinalabasan ay crispy salmon skin at spinach. putangina, mapapamura ka sa sarap.

Posted in Seafood | Leave a comment

Kick Ass Paragus

PorkChop-06

asparagus – isa na naman sa mga easy to cook, great tasting pero masustansyang pagkain. ang plural ba ng asparagus ay “asparagi”? i think so. parang ang plural ng hocus pocus ay hocay pocay. pero whether singular or plural, this veggie is great to eat ginisa or grilled. isa ito sa mga paborito ko lately – both to prepare and to eat. in fact, i could probably eat this all day, everyday at hindi ako magsasawa. dahil nga sa sarap ng lasa ng asparagus, minsan gusto ko tuloy maniwalang mayroong diyos.

ano-ano ba ang mga kailangan sa kick ass paragus? simple lang – asparagus, bawang, kaunting asin, paminta at olive oil. tapos.

PorkChop-03

doon sa mga nagtataka kung ano ang ginagawa ng kamatis sa litrato. huwag kayong mag-alala, saling ket lang yon.

Posted in Veggies | 2 Comments

Kang Kong Juice

Sinigang-Na-Pig-001

bagong lumang pagkain, so to speak. bago sa akin dahil ito ang una kong luto ng sinigang na baboy. luma dahil matagal ko na itong paborito. impak ang sinigang na buto-buto ng mommy ko ang isa sa aking childhood comfort food. tinuloy ito ni jet nung nag-asawa kami at masarap din ang sinigang niya.

during the time we were lonely abroad, ang sinigang na baboy ang isa sa mga nagpapasaya sa amin.

Sinigang-Na-Pig-003

ngayon, ako naman ang nagluluto ng sinigang. hehehe. pakiramdam ko, parang a torch was passed. big deal para sa akin to be able to cook my favorite food for the first time at 42 years old.

Sinigang-Na-Pig-004

dito sa california, lahat ng mga rekado sa sinigang ay mabibili mo ng walang problema. nagpunta lang kami ni jet sa local asian grocery nung weekend para bumili ng gabi, kang-kong at okra tapos tinuro niya sa akin kung paano ito lutuin, once more while i was half asleep.

if i must say so myself, like the adobo i cooked for the first time a few weeks ago, my sinigang was fucking spectacular.

Posted in Soul Food | Leave a comment

Sinigang na Salmon

SinigangNaSalmon-4

unang venture ko sa teritoryo ng sinigang at pinili ko ang isa sa pinakamasarap na lasa. sinigang na salmon. actually, hindi ako ang pumili. si jet ang nagsabi sa akin na lutuin ko ito dahil puyat siya sa kakahanda ng paglipat namin ng bahay at wala nang oras para maghanda ng pagkain. siyempre, dahil ako’y isang masunurin na asawa ay pinaunlakan ko ang request niya.

SinigangNaSalmon-2

inexplain niya ang recipe sa akin habang half asleep ako kaninang madaling araw. buti naman at masarap ang kinalabasan. natatakot kasi ako na maglasang bangungot ang luto ko.

Posted in Seafood | Leave a comment

We skipped a light fandango

AdobongTuyo-02

specialty ng mommy ko ang adobong puti. basically adobo without the toyo kaya mas light ang kulay niya kaysa sa regular adobo. at dahil suka lang ang timpla nito, mas maasim ng kaunti ang lasa. ang version ng mommy ko ay chicken at pork at talagang masarap ang lasa nito. baon ko halos araw-araw nung elementary ako, standard fare sa mga picnic all throughout my growing up years at regular soul food hanggang sa tuluyan na akong umalis sa bahay niya.

sinubukan kong gayahin ang adobong puti ng mommy ko last weekend. hindi ko pa nakuha ng 100%. sabi ni jet, kulang daw sa alat at dagdagan ko raw ng kaunting sabaw (ie, huwag masyadong tuyo).

pero ok lang. hindi naman ako masyadong worried na hindi ko agad nakuha ang timpla. the good thing about cooking is that you can do a dish over and over again hanggang dumating ang panahon na perfect ang lasa nito. parang buhay ang pagluto ng adobo, you are always given a 2nd chance.

Posted in Adobo | Leave a comment

BAD TO THE BONE

BulaloSteak-01

bihira lang magkaroon ng bulalo sa mga american supermarket kaya nung nakakita ako nung sabado ng umaga ay bumili agad ako. ginawa kong bulalo steak para simple lang lutuin. budburan mo lang ng paminta at kaunting asin ang bulalo, sabay salang sa grill. first time ko lang itong ginawa sa buong buhay ko pero ok naman ang kinalabasan. sa tingin ko eh isa ito sa mga lutuing bobo. in other words, tanga ka na lang talaga kung palpak ang kinalabasang lasa.

ang secret ata sa bulalo steak ay ang sauce. kadalasan ay gravy ang nilalagay ng mga restaurant sa pilipinas, which is good kaya lang hindi na pwede sa akin dahil baka sumakit nang tuluyan ang batok ko. kaya patis lang ang sawsawan ko na may kaunting kalamansi at sili. putangina, nagutom na naman ako sa kakakwento tungkol sa pagkain.

Posted in Meat | Leave a comment

Take me back where I belong, Take me back where love is strong

i love cooking kahit na hindi ako expert cook. ngayon ko lang ito nakahiligan, kung kailan pa kami nag abroad ni jet. pero yung pag abroad na rin siguro ang nag udyok sa akin na mag-aral magluto, especially ng mga pinoy na pagkain. kasi, tuwing nagluluto ako, naalala ko yung masasayang panahon nung pinagluluto kami ng mommy ko nung bata pa ako.

yung ang isang maganda sa cooking – the smell it generates brings you back home.

Posted in Home | Leave a comment