UWING UWI NA AKO

ayos bang porma ko mylabopmayn? halata bang galing sa silk street ang suot ko? obvious bang armami ito? hehehe. dear mylab. basahin mo itong sulat habang tinitignan ang piktyur ko at para mo na rin katabi si richard gomez pagtapos siyang sinapak ni robin padilla akong katabi. tapos na kami sa wakas. hintay na lang ng flight pauwi. altough malapit na ito, matagal pa rin para sa akin. naiinip na kasi akong makita ka ulit. kahit anong ganda ng tokyo, kulang pa rin pag wala ka. hirap din ng trip na ito. pakiramdam ko, para akong ginulpi ng tatlong baklang maton. masakit ang paa ko ngayong gabi dahil maghapon akong nakatayo. para tuloy gusto kong kumanta ng “magtanim ay di biro”. ang maganda lang ay wala na akong LBM. hehe. tingin ko eh fart part lang yon ng “the korean food and drink effect “.

maganda namang panghimagas ang japanese food. bongga ang dinner namin kanina during the post conference cocktails. nag hire ang host namin ng caterers from four famous japanese restaurants. ang salap salap ng rasa. ang paborito ko? tea soba at tempura. altough di ko kinain yung hipon dahil sa aking allergy – pamatay pa rin kahit vegetable tempura lang. wala siyang sauce. asin lang with a slice of lime. ang galing.

o sige, ingat ka na lang diyan. isang tulog na lang andyan na ako. lab U!

4 thoughts on “UWING UWI NA AKO

  1. Hampogi mo talaga mylab! (Lagot ka saken pagdating mo dito… hehe).

    Isang tulog na nga lang, kung makakatulog ako. Goodnight mylab. Ingat ka sa byahe bukas ha. Tawag ako bago ka umalis sa hotel. Labyu! šŸ™‚

  2. hello mylabopmayn. hehe. siyempre pogi. mwahahaha.

    hallo cathy, ang reyna ng mga pusa. sa lahat nga ng pinuntahan ko, doon pinakamaraming hapon. business suit daw pag nasa japan kaya nagbaon ako ng pang porma.

    ka durga. bakit limited ang comment system mo? lipat ka na sa haloscan. lahat ng comment ko sa site mo, di pinapakita. di ako payat, inedit ko lang ang litrato para mas vertical instead na horizontal. hehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *