UPANG TAYO’Y MAGSAMA SAMA, SA LANGIT NG PAG-ASA

una ko silang narinig, sometime in the late 70’s. nag uwi ang kuya ko ng mga plaka na pinapatugtog niya sa pinoy rock and rhythm show niya sa RJ. isa roon ang nakakuha sa attention ko. ang title nito ay “super sessions“, and it was the first time i heard a live recording of a pinoy rock concert. the artists of course was the juan dela cruz band. early on, na impress na agad ako sa style ni mike hanopol, wally gonzales at ni pepe smith. nung time na yon, kasali rin sa groupo nila, ang isa ko pang idol na si edmund “bosyo” fortuno. ang juan dela cruz band ang naging early influence ko sa musika and i knew the lyrics of all their songs. when they broke up and had successful solo careers, naron pa rin ako – a fan who attended all the concerts. and i was only 11 years old at the time kaya kung may nakikita kayong bubwit sa mga pinoy rock concerts nung araw, ako yon.

nung high school ako, nag reunite ulit ang juan dela cruz band and they released the “kahit na anong mangyari” LP. tuwang tuwa na naman ako dahil puro mga bagong kanta at lahat magaganda. paborito ko ang “pag dating ng panahon” ni pepe – halos kopyahin ko nga ang theme ng kanta para sa lyrics ng graduation song namin.

then the years went by, i entered college, graduated and started my career. nawala na sila sa radar ko. mike went to the states. di ko na alam kung ano ang nangyari kay wally. pero si pepe, na paborito ko sa kanila, was still around. one day in december, nagulat na lang ako when he suddenly showed up in our house in novaliches with my brother dante. birthday ko noon at pumunta sila para bumati. simple lang ang handaan. naroon lang kami sa garden, umiinom at nagkakantahan kasama ang mga kaibigan ko. ang highlight ng gabi ay ang pag jamming namin ni pepe smith ng “himig natin” at “riders on the storm“. it was one of the most memorable birthday’s i ever had.

this coming saturday, may reunion concert ang juan dela cruz band entitled “PAGBABALIK”. gagawin ito sa world trade center sa pasay. kung nasa pilipinas lang ako, hindi ko ito palalagpasin. if you are a rock fan, buy your tickets now. bihira lang magreunion ang isa sa mga poste ng pinoy rock music. at saka isa pa, matatanda na sila’t nirarayuma. baka hindi na ulit mangyari ito, kaya make sure you attend.

17 thoughts on “UPANG TAYO’Y MAGSAMA SAMA, SA LANGIT NG PAG-ASA

  1. batjay,
    matanda ka lang pala ng konti sa akin. hehe. peborit ko rin ang juan dela cruz band. sayang kung nasa atin siguro ako manonood din ako ng concert nila. para sa akin sila talaga (at sa tulong ng DZRJ) ang nag-start ng pinoy rock. sumunod na lang sa kanila ang manila sound ng cinderella at hotdog nung 70s (if i remember correctly) and ang OPM ng mga sumunod na dekada. sarap gunitain.

  2. ka uro,

    oo nga sayang ano. sana naroon tayo. masaya sanang manood ng concert nila. isa nga ang juan dela cruz na nagsimulang magpatugtog ng mga sariling compositions. nung panahon na ang uso ay plakadong kopya ng mga sikat na kanta, lumabas ang “himig natin”. and the philippine rock scene was never the same again.

  3. lahat halos ng pinoy rock bands juan dela cruz band ang isa sa influence nila… si bosyo ba ung malupit na drummer na bigay todo pag nagperform at halos lahat ng facial expressions nagagamit? jeproks mike hanopol and hippie joey pepe smith, mga icons ng pinoy rock…

  4. si pepe smith, lagi ko nakikita sa Baguio noon. tapos one time, birthday din ng bestfriend ko, nakijam si pepe smith sa banda. hindi ako fan ni pepe smith, honestly, naasar kami kasi we’re expecting RNB ang tugtog! hehe. wish lang namin, magRnB si Pepe. hehe. Magaling si pepe, in fairness.. ROck N RolL! Lagi nya sinisigaw. Galing kumapa ng gitara! kaya lang, ang lyrics ng kanta, after 15 minutes pa kinakanta. Parang puro instrumental. Magaling. Pero di kasi ako fan e. sayang. di ko inenjoy! hehe. un lng pow!

  5. hi jon.

    oo si bosyo yung malupit mag drums – sayang namatay na siya. he’s a gifted drummer. perhaps the best in the philippines. add to that his great humor and showmanship. tama ka, all the bands today na sumikat owe their success to bands like the juan dela cruz band.

  6. greetings mr batjay..magaling pa din ang jdlc.
    wala pa din kupas lalo na si mike.hataw pa din hangang ngayon.they should be in the pinoy rock hall of fame.can not wait till mike comes back
    here.we are going to rock washinton dc…its nice to play wth him..tremendous guitar player and a fun guy to be around with..

  7. thanks a lot batjay..tonite will the concert of the JDLC reunion…..we hope that this the start of the comeback of Pinoy Rock and Rhythm……al the kids and young rockers should watch this fantastic band…….they who started it all…..kung walang juan dela Cruz…..wala ang pinoy rock…….wala ang pinoy rock……….at sabi nga ni Pepe…..wala na rin ang Pilipinas sa Mapa…….regards to you BatJay and wife……. i will give you the cd of this concert…….

    roy

  8. Si Fortuno yung nagbubutas ng drums pagkatapos ng concert? ehehehe

    Di ba mylab I was there when Pepe Smith came? Oo nga, galing nga nung birthday mo na yun. Naupstage ang Notre Dame boys… hehehe. E pano naman, fans lahat. πŸ˜€

  9. Pare ……it was Pinoy Rock at its best……the sound system abd the lights were hi tech……Wally was a master guitarist…. people were just awed by his performance…we cannot even clap our hands because we were so mesmerized……especially when he did the wally’s blues……Mike still has that power voice….and the edge…it was vintage Mike doing kagatan and Balong malalim…….and Pepe?…. I think that was Pepe’s best performance….. I saw that in his eyes…….Pare you cant just imagine the crowds reaction……. the show started with the 3 arriving in the stage in motorcycles (harley davidson yata yon)….. and after the concert we wnet to Hobbit House and watched the Jerks………pare 2 bands in one night????? thanks to you and best regards and hope to see you soon

  10. that’s great roy.

    sayang – i wish i was there to see them perform. inggit na inggit ako. sana they can do a repeat concert next month when i come home.

    i also love the jerks. in fact i play one of their songs almost everyday in my PC player.

    ingat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *