Unraveling wherever I’m traveling

narito na si jet sa bahay kaya hindi na ako member ng SMAP. sinundo ko siya nung huwebes ng gabi sa los angeles international airport. dumating siya via a philippine airlines flight. oo, same airline na may fucking racist na nag walanghiya sa amin, three weeks ago. hanggang ngayon ay wala pa ring action ang PAL doon sa reklamo ko. sinulat nga sila ni sassy sa column niya sa manila standard.

ang sarap palang mag abang sa airport dahil ang dami mong makikita. una, nakita ko si KC concepcion (oo yung anak ni sharon at gabby) na kasabay pala ni jet sa flight. may dalawang bodyguard ang bruha at isang katerbang mga fans na bigla na lang sumulpot na parang kabuti sa arrival area. may nakatabi rin akong russian na shuttle driver na may bad breath. tanginangyan, ang daming bakanteng silya sa paligid, sa tabi ko pa umupo ang bwakanginang amoy imburnal ang hininga.

16 thoughts on “Unraveling wherever I’m traveling

  1. tol,

    thanks god, ma’am jet is back in your loving arms!
    as i told you before, PAL will never do anything to correct what the fucking guy in LAX did to you. the taxes that lucio tan is paying is not the one making our country’s economy float but it is the remitances that millions of OFW just like you and me. we don’t need to support this PAL just because its a filipino company specially if the people working under it don’t have good manners and right conduct (GMRC) which is a basic education.
    ooops…. carried away na naman! next time you come home for vacation, you know what airline you should not use. take care bro!
    paki sabi ke ma’am jet, welcome to your home!

    warm regards (as always)….bong

  2. Welcome Back Jet!

    Buti nalang bumalik ka na — sobra yata ang pumayat na ng asawa mo. Miss ka talaga niya. Last weekend, nakito ka siya — hindi pa siya nag-shave. Mas guapo talaga ang mister mo pag nandito ka. Inspired sigurado. 🙂

  3. Pards, paghatid at pag sundo mo sa Philippine Airlines eh meron kang unpleasant experience. Hindi kaya kinutsaba ng tsonggong kupal na taga PAL yung Russian na super bad breath na tabihan ka para inisin ka? Conspiracy theory baga… hehehehehehe

  4. talaga? sa states na yan,hah. ewan ko ba kung bat ganyan ang mga pal personel… me naencounter kami dati ng nanay ko mga flight attendant naman antataray… bale ang flight was manila-dubai pero stopover muna ng kuwait. tinatarayan nung mga flight attendant yung mga papuntang kuwait.

  5. kc and jet sa isang plane…sobrang gaganda naman ng mga tao sa eroplano…

    finally, tapos na ang mga tahimik na gabi na wala kang kausap….kundi ang butiki sa kisame…wala nga palang butiki sa Cali 🙂 geckko meron.

  6. bwahahahaha! natawa ako doon sa pagkaka-mura mo sa russian na may halitosis…ganyang-ganyan din kasi ako pag nakaka-amoy ako ng di maganda mula sa bibig ng isang tao, kadalasan nga lang mismo sa taong yon ko sinasabi…so dadagdagan ko na lang mo or ito, i.e. “sa tabi ko pa umupo ang buwakananginang ito…” or something like that…

    hay mr. batjay, medyo depressed ako today at naisipan kong dalawin ang site mo and you never fail to make me happy kahit temporary lang…thank you thank you po!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *