Under the ruins of a walled city

ngayon lang ulit ako nakapag bike ng gabi. kakadating ko lang hekshuli after a short 20 minute 10K ride. umuulan kasi kaninang umaga kaya di ako nakapag bike papasok sa trabaho. pag nangyayari ito, binabawi ko na lang sa gabi – often, very late into the night. tulad ngayon, alas onse na ako lumabas. kung aalis kami rito, ang isa ko pang mami miss siguro ay ang lumabas kahit anong oras sa gabi ng walang takot. alam ko kasi puro mga supot ang mga magnanakaw at snatcher dito sa singapore. most of the petty crime here is commited against senior citizens na hindi makalaban. karamihan sa mga kaso ay mga snatcher na nang aabang ng mga lola sa loob ng elevator. pag nakita kasi nilang dagul na katulad ko, pasok ang buntot between the legs (most of the time).

nung una nga akong dumating dito, tingin ako ng tingin sa likod ko, parating nakayakap sa bag at nakikiramdam kung may tatalo sa akin. pero after a while, nawala rin ang pagka praning ko. ngayon nga, sa sobrang pagka care free, naiiwanan ko na ang susi minsan sa front door namin. para tuloy akong nangiimbita sa mga magnanakaw at nagsasabing – “hoy mga gago, ulyanin ang may ari ng bahay na ito. tingnan nga ninyo, kundi ba naman tanga, kinalimutan na naman ang susing nakapasok sa lock ng pintuan”.

38 thoughts on “Under the ruins of a walled city

  1. agree ako sa yo batjay although mataas ang cost of living dito sa sing safe na safe naman… last time nga na bumisita utol ko dito bumilib sya kasi me incident na naiwan cel nya after manood ng dolphin show sa sentosa… akalain mo ba namang me humahabol sa min para iabot un…

  2. ako din paranoid simula nung naagawan ako at sis ko ng cellphone. hehe. yan ang ok sa singapore. safe na safe. dito nga sa manila e sobrang nakakatakot, nakakaparanoid. dala dala ko yung pepper spray ko parang tanga. pero better to be safe di ba, kahit praning ang dating! =) hehe

  3. JON,

    ako, nakaiwan na ako ng cellphone sa taxi dito sa singapore. awa ng diyos, hindi sinoli sa akin. and speaking about taxis – 3 times na akong nagsauli ng wallet na napulot ko sa taxi. yung first time, punong puno ng pera. binigay ko sa driver. sana sinauli niya. a few minutes later kasi, lumabas na sa monitor ng taxi driver yung lost wallet.

  4. buti p kayo, may nanakaw, ako wala eh, khit wallet, ala nman lamang libo, at cel na ayaw n ngang pansinin eh. marunong mamili ang mga magnanakaw ngayon d2 sa pinas, alam nila ang latest at hindi. kya minsan kakatakot magsuot ng mga necklace kc baka maging mitsa p yun ng buhay mo sa daan.

    ganda tlga tumira jan sa sing..dbale balangaraw hehehe…

  5. Hay nakow, di po pwede ang ganyan dito sa Phnom Penh. Kung yung Brunei embassy dito nga e nanakawan in broad daylight at may gwardiya pa, ano pa kaya yung mga apartments lalo na’t may susi na na-iwan sa labas? Yung neighbor kong puti, ninakaw yung stinky Nike shoes niya na nakabilad sa veranda… The following day ay pumunta siya sa market at dun nakita niyang binebenta ang kanyang sapatos. O di ba, angsaya?

  6. sir batjay may seryosong tanong ako. sana makatulong kayo. kasi yung prof ko sa isang major subject, soooobrang anghit tlga!! as in pamatay! di naman ako pwdeng umupo ng malayo sa kanya kasi ang boses nya ay parang bulong lang, tuhod lang nya ang nakakarinig. huwat should my poor soul do? waaahh..~

  7. simple lang ang solution diyan…

    padalhan mo ng anonymous letter. pwede ring anomalous letter kung gusto mo. nung college kami, mayron kaming instructor na may putok. tiniis namin siya ng isang sem, pero nung second sem na hindi na talaga kami nakapag tiis. una, sinulatan namin siya – un named and un signed letter. pangalawa, sinumbong namin sa dean. the next day, nagreklamo sa class. bakit daw kailangan pang maka abot sa dean na may putok siya. tapos nagkaroon pa kami ng open forum at tinanong niya sa amin kung talagang may putok siya. siyempre, walang nakasagot.

    eventually nawala rin ang kanyang body odor. it was not because he was scolded by the dean. it was not because of our open letter. oh no. nawala ang anghit niya dahil nagkaroon siya ng girl friend. AYUN, naligo na kasi araw araw.

    happy siya, happy kami.

  8. now that u mentioned it, naalala kong he’s around 45-50 yrs old, not bad looking at all pero single pa din! naisip ko, siguro dahil yun sa putok nya. waaa.. anyway, gagawin ko po yung suggestion nyo. feels weird lang kasi alam ng buong department ung tungkol sa knya at ako lng ang maglalakas loob gawin ‘to. anyway, salamat ng madami sir batjay! 🙂

  9. kailangan lang naman mapansin niya. yung mga taong may body odor normally don’t know that they have dahil na immune na sila sa amoy. talk to your dean, normally schools have policies on cleanliness and part of this policy has to do with personal grooming. if this doesn’t work – guerillla warfare na. send him notes, hints. you know the drill.

    mahirap kasing mag concentrate sa classroom kung nagtutubig ang mga mata ninyo sa lakas ng putok ng instructor ninyo so you better do something about it.

  10. One of the good things in living in Singapore, it that you don’t have to fear for your safety, nor for the vandalism against any of your properties. Not that everyone is of a good soul – there’s bound to be a rotten egg somewhere – but things do get returned to you if you left them somewhere.

    Handphones were sometimes used in food courts as a means to save their tables. I know that’s not a wise thing to do but still no one bothers to pick the item; however, never ever leave your food on the table when no one is watching over it, an ‘auntie’ may come over and clean it up for you.

  11. Bosing, yang mga bagay na yan ang wag na wag mong makakaugalian at baka maiuwi mo dito sa pinas o madala mo stet. Patay kang bata ka pag nagkataon. ehhe

  12. hi Yen.

    thanks for the comment. natawa ako ng malakas doon sa never ever leave food in the table. ilang beses na kasing nangyari sa amin yan ni jet na halos makipag agawan kami sa mga auntie na overzealous sa pag collect ng mga used plates at linisin ang lamesa mo. kahit di pa tapos kumain, pinagliligpitan ka na. hehehe. typical singapore efficiency.

  13. hi ZJ.

    welcome back!

    parang pilipinas din pala sa Phnom Penh. ganyan ata talaga pag developing country. matindi ang competition kaya dog eat dog world. lahat tinatalo. eh kung nag stinky nike shoes ninanakaw at embassy ng brunei eh ninanakawan, kailangan extreme ingat ka.

  14. bosing, ipagpaumanhin mo ang excitement na nararamdaman ko sa pagbanggit mo ng mga salitang “kung aaliw kami ng singapore” dahil may kutob akong sa hinaharap ay 5 oras sa eroplano na lang ang magiging distansiya natin. at kung mangyari man yon, talagang dadayo ako west coast nang makapag EB tayo.
    pero matagl pa yon. back to singapore tayo. alam mo bosing, maswerte kayo diyan sa singapore dahil safe kayo. ako hindi na nawala sa akin ang mentlidad na any moment baka ma-mug ako o manakawan. pero slowly naman nawawala na yon. nagyon nga di ko na nilalalagyan ng bar lock si bruce. pano naman, di naman nakawin ang type ng kotse ko, hehe.
    ay bosing, kapag lumipat kayo ni boss jet eh di back to pagmamaneho na kayo!

  15. there’s no perfect place, tito batjay. i guess it’s a matter finding happiness wherever you are.

    pero i agree, nakaka spoil talaga ang safety. parang surreal na nga e with what’s happening everywhere else. di ba no?

  16. bat,
    ako man naiwan ko rin ang susi ko sa bahay na nandoon sa keyhole.
    tinawagan ko yong asawa ng aking kaibigan na malapit sa amin at pinacheck ko. Yong bahay ko raw ang nanakaw.

    Yon pala maling street ang napuntahan. Walang ganong address.

    hakhakhak

  17. BWEHEHEHEHE… ang daming beses na rin nangyari sa akin yan ate ca T. kadalasan puro mga non existent streets na halos maloko ako sa kakahanap. in the end, nagtatanong ako sa pulis.

  18. well that’s true tin. parang kanta ni billy joel na paborito namin ni jet.

    When you look into my eyes
    And you see the crazy gypsy in my soul
    It always comes as a surprise
    When I feel my withered roots begin to grow
    Well I never had a place that I could call my very own
    That’s all right, my love, ’cause you’re my home

    When you touch my weary head
    And you tell me everything will be all right
    You say, use my body for your bed
    And my love will keep you warm throughout the night
    Well I’ll never be a stranger and I’ll never be alone
    Whenever we’re together, that’s my home

  19. hi jop,

    pag natuloy eh magiging 5 hours na lang by plane from new york. gusto ko ring mapuntahan ni jet ang east coast. especially da big apol. gusto ko nga, long drive from new york to washington, sabay ikot na rin sa phily at atlantic city. ano sa tingin mo?

  20. hehehe… at naalala mo ba yung kwento ni Ate mylab? yung merong magnanakaw na pumasok sa bahay ng kaibigan niya dito pero nagiwan ng sulat at nagso-sorry sa pagnanakaw niya. gutom na gutom lang daw siya.

  21. 3 beses na ding naiwan ng tungek kong asawa ang susi sa labas ng pinto. papasok na sya at tarantang taranta at di makita ang susi.nag-decide syang hiramin nalang susi ko. pagbukas nya ng pinto, ayun naka-salksak yung susi nya! safe talaga dito noh?

  22. hi marj.

    pareho pala kami ng tungek mong asawa. pogi rin siguro siyang tulad ko. BWAHAHAHAHAHA! oo masarap talagang tumira sa singapore – safe and clean.

    maraming salamat sa pag comment! hanggang sa muli

  23. oo nga mylab. ganyan din ang nangyari sa magnanakaw na nagnakaw sa bahay ng kuya ko nung araw. kaya lang hindi sulat ang iniwan – gumamit ng banyo at hindi man lang nag flush.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *