UNDER THE BLUDGEONINGS OF CHANCE

ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.

chick boy ang daddy ko. yan nga ang naging dahilan kung bakit naghiwalay sila ng mommy ko nung ako’y 13 years old. natagal din siyang nawala sa buhay namin. then one day, i think i was 25 at that time. he came home to live with us again. siguro nagsawa na rin siya sa buhay niya. a few weeks later, he suddenly died. sa tingin ko nga, he just came home to say goodbye. sayang, di na niya nakita kung anong nagawa ko sa buhay ko. di na siya nakabisita sa bahay namin sa antipolo.

i miss my dad. especially pag sumasama sa inuman ang mga tatay ng barkada ko. nang hihinayang ako at di ko ito magawa sa daddy ko. kahit ano gagawin ko para lang makainom ng malamig na beer with my dad habang nagiihaw ako ng liempo sa aking garden sa antipolo. pero, imposible na ngayon dahil matagal na siyang patay. hinihintay ko na lang siyang kausapin sa panaginip.

birthday ng daddy ko nung june 4. araw na nilabas ako sa hospital after my surgery. he would have been 82. happy birthday daddy. sayang di tayo nakapag celebrate. tangina kasi. bakit kailangan na mamatay ka pa ng maaga.

22 thoughts on “UNDER THE BLUDGEONINGS OF CHANCE

  1. Bosing, sayang hindi mo binuo yung Invictus. Paborito ko pa naman yun. BTW, magkano bayad sa yo ng Sunny orange juice. langya, para kong nanonood ng PBA nung 1980’s a. I know who you’re brother is but I failed to ask the name of your Dad. Am I right to assume he was a jockey, too?
    Musta bakasyon?

  2. there was this character actor / voice talent in the 70s … deep, booming voice, as you have described (palagi nga siyang cast na mamaw e) … his trademark: a very spooky HINDEEEEE … si ben david … you related?

  3. kuya jay sabi nila kapag pinadila daw ang sugat sa aso, mas bibilis ang paghilom… totoo kaya?

    nambubulabog lang po…

    p.s. kakaaliw iyong sunny orange juice commercial… brought back old memories…

  4. hi rolly and keng. hehe.. ang sarap balikan ang nakaraan with old commercial jingles ano? nung araw, ito ang hinahalo namin sa gin pag may mga party.

  5. Mylab, palagay ko alam ng Daddy at nakikita niya how much you’ve done in your life. And I’m sure wherever he is, you’ve done him proud. Labyu!

  6. hi Ca T. pwedeng pwede… ano gusto mo yung boses na parang tinatakot ang diyos or
    yung boses na parang galing sa ilalim ng lupa?

    hi ibet! ngek.. ayaw? standard MP3 file naman ang nakapost. subukan mo munang i-save sa computer mo, tapos play mo sa media player.

  7. Galing ng invictus mo! Nakakamiss talaga pag wala ka ng tatay pag ganitong Father’s Day. Perstaym ko ito, kaya parang d pa din ako sanay. Salamat sa post na ito, BatJay! =)

  8. oo nga doc. i heard about your dad from bayi. i wanted to offer my condolences pero i wanted to respect your privacy.

    i do miss my dad until now. hanggang ngayon, di pa ako sanay, more than 14 years after his death. and i do still dream of him. minsan pag naalala ko siya, naluluha ako. ang dami kong mga acheivements ang di na niya nakita.

  9. Happy Father’s Day! Kakaiyak naman ito Kuya Jay. Basta tungkol sa tatay, madali akong mahabag. Dahil siguro si Papa ang nagpalaki sa akin nung hiniwalayan sya ng Mama ko. Baligtad ano? Hehe. Ayun binati ko sya kahapon at sobrang pigil ang pag-iyak ko. Drama talaga ako poreber. 😛

  10. mwahahahaha… yan ang dapat mong i-record at ipost sa website mo. i would definitely want to hear the “sunny orange” jingle sung with a german accent.

    balang araw, maghihiganti sa inyo si JP. siya naman ang kakanta ng jingle na iyan at a time you least expect.

  11. ang galing nung sunny orange jingle! classic! hehehe…tama si sir rolly…malamang na biktima ka ng last song syndrome kung adik ka rin na tulad ko sa PBA nung araw…as for the deep throaty voice…darth vader talaga ang dating!

  12. hi joyce.

    marami akong mga last song syndrome na mga lumang pinoy commercial jingles. minsan ililista ko at ipapadala ko sa iyo para matorete ang utak mo sa kakakanta buong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *