UMUUTOT DIN BA ANG ISDA?

maaga akong nagising kanina dahil alas sais ng umaga ang flight ko. alas kwatro y medya pa lang ay pababa na ako sa hotel lobby. pag sakay ko ng elevator ay hindi ko napigilan na mautot. iniisip ko, maaga pa naman… sana wala akong makasabay. medyo mabaho kasi. sa sobrang bahu nga eh pati ako ay nabahuan. siguro kasi enclosed ang space. isa pa ay di ko nailabas ang kinain ko kagabi but let’s not go there. anyway, nautot nga ako at ok na sana dahil ako lang mag-isa sa elevator. kaya lang a few floors after i farted, biglang bumukas ang pinto at may pumasok na stewardess sa emirates airline. nginitian niya ako pero bigla siyang napahinto at sumimangot. palagay ko ay naamoy rin niya ang utot. sasabihin ko sana eh – “nakikiamoy ka na nga lang, ikaw pa ang galit“. kaya lang, di ko alam itong sabihin sa english kaya dinedma ko na lang siya at yumuko. pag bukas ng pinto sa lobby ay tumakbo na lang ako papalabas. sana di ko na siya makita ulit.

33 thoughts on “UMUUTOT DIN BA ANG ISDA?

  1. hahaha!

    Look on the bright side mylab. O di ba, at least binigyan mo pa siya ng conversation piece para may ikuwento siya sa mga kasamahan niya.

    Dapat nga, magpasalamat pa siya sayo. 🙂

  2. You remind me or roxlee and the JINGLE sessionists. Nakakatawa pero its eerie like i was time-warped into the 80’s pre and besides the JINGLES i was reading then was my cousins pa na galing pang 1970’s with Leif Garretts on their cover pages. Like i am in twilight zone.

    Congrats anyway.

  3. hi gelboy.

    perhaps it’s the artwork in my site that reminds you of jingle magazine. the caricature was made by my friend – the great pinoy artist dengcoy miel who started out in jingle. perhaps it is also about the references to the 1970’s and 80’s in my stories – those were my wonder years and i talk about them from time to time. or maybe it is the mood of my writing – i was born in the 1960’s and grew up when jingle was at it’s peak.

  4. hi kristin… based on the facts which cannot be denied, ang sagot sa tanong na kung umuutot ang mga isda ay hindi. hindi ko alam. BWAHAHAHAHA. kung umuutot ang mga isda, mayron din ba itong amoy? yan ang TANONG!

    salamat sa pag comment.

  5. hi luchie. ganyan talaga ang mga mister. pag pasensyahan mo na… alam mo kasi – yan ay isang pagsukat ng pag-ibig: pag nakakautot sa iyo ng harapharapan ang partner mo at hindi ka natinag – true love na yon. pag nautot ang partner mo at may tunog at hindi ka natinag ay handa ka na talagang ialay ang buhay mo sa kanya. pag nautot siya sa harapan mo ng malakas na mabahu pa at hindi ka natinag – yon. pwede ka na talagang sabitan ng medalyang ginto.

  6. oo nga mylabopmayn. i agree with you. sasabihin ko sana eh – “nakikiamoy ka na nga lang, galit ka pa”. kaya lang, di ko alam itong sabihin sa english. MWAHAHA. lab U!

  7. hahaha! nakakatawa ka talaga, batjay! maikukumpara mo rin yang pag-utot mo sa elevator sa pag-utot habang nakahiga ka na sa kama at naka-kumot. enclosed space din yan, at kung matiis nang partner mo yan, eh deserving talaga ng gintong medal!

  8. Corollary to your fish question is may bad breath din kaya sa kanila? Nakakaamoy ba ang mga yon? paanong mawawala ang lansa nila kung ganong hindi sila naliligo?

    Actually, mas maigi ang marami kang kasama sa elevator pag umutot ka. Mas madaling mauubos ang amoy. Mapagtutulungan nyo kasing amuyin at nang maubos kagad e.

  9. WOW! gisiing ka pa tito rolly? hehehe… may pasok pa mamaya.

    alam mo ba ang bukang bibig ko pag maraming tao sa elevator? “ok, the elevator’s full. nobody farts. ok?” pag binabanggit ko ito, nagtatawanan sila (pati mga singapoeran na medyo walang masyadong sense of humor ay natatawa).

  10. hahaha! ang kulit! that’s exactly what happens to my dad also… ang mas nakakahiya pa eh sa harap din na girlfriend ng kuya ko. hahaha! :-p 2nd time different girlfriend. hahaha! :-p but i love my dad pa rin. :-p

  11. Koyang batjay, omigawd umagang-umaga pa ang bombshell mo sa elevator. Siguro grabe ang pagkakulob ng hanging tiyan na yon! Siguro sabi nung stewardess, “ano kaya ang pabango nitong lalaking ito?” Anyways, nangyari na rin sa akin yan noon, buti na lang medyo amoy langka yung iniluwal ko kaya medyo kaaya-aya ang amoy.

    Hmmm, di rin kaya nabuo yan dahil sa pressurization at depressurization na naranasan mo sa flight mo. I think it’s you body’s way of decompressing from a turbulent flight. Hayun, it found the nearest body opening it can exit from with gusto!

  12. hi B2.

    pag tinanong ako kung “ano kaya ang pabango nitong lalaking ito?” ang isasagot ko ay…

    LANGKA!

    ngyehehe. baka nga yung delta-P. ayos ba sa term? yung change in pressure ang responsible sa pag utot ko. on second thought (on 2nd utot would be more appropriate. bwahaha), inherent na talaga sa akin ang pag utot. aray. kaya wala akong excuse.

  13. oo nga tanya. ilang beses na nating napagusapan ang pag utot ng daddy mo. ayos. pagsubok yan ng daddy mo sa mga girfriend ng kuya mo. pag nautot ang kanyang potential father in law at hindi siya pumalag, pwede na niyang pakasalan ang kuya mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *