TURNING JAPANESE, PART 2

hello my love. kamusta ka na? sana ay ok ka lang diyan at di masyadong namomroblema dahil nag-iisa.

kakadating ko lang sa hotel at medyo pagod. nagpunta kami ngayon sa office ng distributor namin sa japan. nag dry run kami sa conference room nila kasama ang interpreter ko. hehehe… mahirap palang mayrong interpreter. di ka pwedeng mag-sabi ng kung ano-ano lang at siguradong mahuhuli ang pambu-bullshit mo. dapat ay puro katotohanan at every sentence ko sa english ay tina-translate sa japanese. di pwede ang style ng mga singaporeans na “etc. etc. and so on and so forth” o kaya “blah blah blah” na ginagawa nilang filler at the end of the sentence, kung di nila ma-express ang sarili nila sa english. medyo nakuha ko na ang style pag may interpreter – kailangan ay mabagal ang pagsalita mo at kailangan simple lang ang mga salitang gagamitin mo. pero yung interpreter ko ay magaling mag-english dahil laking amerika.

pag-labas ko kanina sa train station, nag-iisa na lang ako. naghiwalay na kami ng kasama kong hapon. wala lang, habang naglalakad ako eh feeling japanese ako. kunyari ay isa rin akong taga-Tokyo na uuwi galing sa trabaho. dumaan pa nga ako sa grocery at bumili ng paborto nating oolong tea. yung attire ko eh parang taga tokyo rin – siyempre todo porma ako para di naman nila masabi na api ang mga pinoy dito sa japan. nagalalakad ako sa kalye at tinitiis ang lamig para di nila halata na di ako taga japan hehehe. obvious naman dahil kutis bayag ako pero marami namang foreigner dito eh.

kaninang umaga, nakita ko kung gaano kabilis ang takbo ng buhay dito – actually parang singapore din ang bilis pero dahil mas maraming tao dito sa japan eh talagang mapapansin mo. sa train station at bumper to bumper ang mga tao at lahat mabilis maglakad. buti na lang at sadyang mabilis din ang lakad ko at nakakasabay ako sa kanila. pag ikaw kasama ko – patay tayo. baka maapakan ka.

isang napansin ko, habang naglalakad ako: maraming maliliit na restaurant dito sa tokyo. parang ang sarap nilang pasukin lahat at tikman ang pagkain. yung isa naming kinainan kanina during dinner, maganda siya na kainan. maliit lang at puno ng tao. kumain kami sa counter na nakaharap sa chef. eat all you can kaya panay ang salin ng mga kumag sa plato ko. hehehe… ngayon ko lang nakita kung saan galing ang layout ng mga japanese restaurants sa pilipinas. talaga palang ganito sa japan ang design ng mga restaurant. may mga counter, tapos tabi tabing kumakain ang mga customer. sarap nga ng kain ko dahil authentic japanese food ang kinakain ko pagtapos ang ambiance (mahal yon!) ay truly japanese. sana may ganito ring mga kainan sa pilipinas.

mas malamig ngayon kaysa kahapong pagdating ko. pag dating ko nga dito sa hotel, hinahawakan ko ang ilong at tenga ko para masigurado na nakakabit pa ito. wala na kasing pakiramdam eh. hehehe. mahirap talaga ang laki sa tropical country. walang winter spring at fall… lalo na saking galing sa singapore, di pa gaanong aclimatized. pero ok lang – mas gusto ko na yung malamig na nanginginig kaysa pinapawisan ng malagkit sa init.

bukas, diretso na kami sa osaka. sasakay na rin ako sa wakas sa pinagyayabang ng mga taga rito: bullet train. ngayon lang ako makakasakay sa train na kasing bilis ng bala. para siguro akong si superman – “faster than a speeding bullet…. more powerful than a locomotive. look up in the sky…” sabi ng kasama ko, kung malinaw ang panahon, baka makita ko ang mt. fuji. sana makita ko para ma-kodakan ko at nang makita mo rin.

ano bang impression ko sa mga japanese – mababait sila at magagalang. medyo mahiyain (katulad ko). masisipag at mapoporma rin. di ako nagtataka kung bakit ito ang pinakamalaking market sa mga luxury goods sa buong mundo. naikwento ko na rin sa iyo na high tech ang mga toilet seat nila di ba?. pag cr ko kanina sa japanese office namin eh naita ko rin na electronic ang toilet seat. mas high tech pa nga kaysa sa toilet seat ko rito sa hotel.

sige my love aaral pa ako ng sasabihin ko bukas. your accidental-tourist na animal-husbandry pa, jay.

p.s. labU and miss you – di bale ilang araw na lang at pabalik na ako diyan sa singapore.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *