Tubero

buo na ang new year’s resolution ko. actually isa lang naman: mag-aaral akong maging tubero itong darating na 2008. bakit ba ito ang napili kong gawin itong bagong taon?

nasira kasi yung gripo ng kitchen sink sa bahay nung december 22 at tinawagan ko yung home insurance para ipa repair. under warranty pa ito, kasi less than a year pa lang yung bahay. nagpunta naman yung tuberong consultant nung hapon ng 22nd, tiningnan yung sink and within less than a minute sinabi niyang gripo ang problema. magpapabalik na lang daw siya ng tao the next day kasi wala siyang dalang gamit. charge for this visit that took less than 2 minutes? $55. bwakanginangyan, naisip ko, what a fucking ripoff.

pero hindi pa ito yung huli, kasi tumawag yung tubero the next day at sinabing gagawin na raw nila yung gripo pero kailangan magbayad muna kami ng $250 dahil hindi raw ito covered ng insurance and oh, by the way, sabado ngayon kaya overtime rates apply. pero kung gusto ko raw, pwede siyang bumalik after christmas for $125.

sabi ko sa tubero (tinagalog ko na lang dito sa kwento ko para mas maintindihan) – “titi mong blue. gusto mo bang magkaroon ng gripo sa tagiliran? tangina, tinataga ninyo ako porke alam ninyong wala akong ibang option dahil malapit nang magpasko. what are you taking me for? granted?”

siyempre, hindi na nila ito narinig dahil binagsakan ko na sila ng telepono by this time.

kinalaunan ay ginamit ko na lang ang aking mexican connection para magawa ang gripo. sa munting halaga ay gagawin ng mga magagaling na handy man ang kahit anong sira ng bahay mo – electrical, plumbing, masonry, painting at kung ano-ano pang mga odd jobs na gusto mong ipagawa. mas mura siyempre dahil yung license nilang mag practice ay sa mexico, hindi sa america. ayoko sanang gawin ito pero wala akong magawa. ayokong magbayad ng $250 para lang sa pagpalit ng gripo at ayoko ring maghintay ng after christmas para mahugasan ang maduming pinggan.

in any case, ok na siya ngayon. gumagana na yung kitchen sink at masaya na si jet. pero ang episode na ito ay nagbigay sa akin ng isang importanteng leksiyon: kung gusto mong magtipid sa amerika, kailangan marunong kang gumawa ng gripo.

24 thoughts on “Tubero

  1. ang hindi mo kinuwento Pa, paulit ulit na tumatawag yung contractor para magschedule ng appt. pero di mo pinapansin dahil gawa na nga yung gripo natin… hehe. Ano kaya iniisip nila no? Buti nga sa kanila. Beee!

    palagay ko maganda nga na matuto kang maging tubero. practical na para sa bahay, puwede mo pang gawing sideline… hehe.

  2. naku mr batjay di lang yan dapat ang matutunan mo kami naman nagkabara ang banyo since ang mga bisita namin di ata gumagamit ng tabo para maghugas tissue paper ng tissue paper kaya ayun nag overflow ang aming banyo sa baba ng bahay..yikes! ang mahal magpatawag ng roto rooter iba talaga ang charges pag weekend mas mahal..langya magtangal ng bara e 225.00 ang singil no choice ako kc ang asawa ko e nasa iraq at that time di naman ako marunong magsnake ng kasilyas.

    happy new year sa inyo ni mrs batjay..tagal na akong nagbabasa ng blog mo pero now lang ako nag comment…

  3. That’s why I’m a bit ambivalent about the illegal immigration issue here in the US. In a lot of instances, these illegal immigrants help counter the abusive and arrogant behavior we experience from some of these so-called legitimate contractors. Naranasan ko na rin iyang mga abuso na iyan. Nakakayamot talaga. And the sad thing about it is that a high price does not guarantee a high level of workmanship. Without the illegals, we would be at the mercy of these mofos.

  4. hahaha. what a funny story. i heard that in some states of america, you badly need a license before you plumb your own faucet. ewan ko pero madami ring palang raket ang mga kano. mas matindi pa sa mga fixers dito sa pinas. hahaha

  5. it’s funny now pero nakakainis pag yung a few days before christmas at gipit ka na nga, parang feeling mo ginugulangan ka pa.

    in fairness to my friend, hindi naman siya illegal immigrant. solo handyman siya kaya mas mura lang siyang sumingil kaysa mga malalaking kumpanya. pero tama ang sinabi mo – marami rito sa california opt to hire illegal immigrants because they charge below minimum wage.

    may mga guild at union din kaya hindi basta basta pwedeng pumasok sa isang trade.

    oo, mag-aral ka rin maging tubero. kahit saan ka magpunta, in demand ito. i kid you not.

  6. I have an outdoor faucet that sprang a leak which I could not fix by replacing the gasket (gastado na kasi yung unit). I decided it was simpler to replace the whole faucet with a new one. Guess what? The faucet was welded and not screwed in! Fortunately, I know a handyman who works solo and he cut the old faucet and replaced it with a screw-in type. He charged me $120 for the job. Mahal pa rin, pero I hate to think what a company plumber will charge me.

  7. ripoff nga! Ang dali lang gawin ng gripo. Ano ba ang problema at sa susunod, ako na lang ang gagawa- libre!

    Kaya lang, padalhan mo ko ng tiket, letter of invitation atsaka room and board. E ang lakas kong kumain, baka mga $100 bawat kain ko. hehe

    Buti naman at merong ibang alternatives no?

  8. wtf? ang mahal ng singil ha! buti pa nga unkyel batjay mag-aral ka nalang mag-tubero. babae man ako eh may alam din ako diyan, mahirap kasi maging dependent sa ibang tao pag may mga kailangan na ganyan.

  9. happy new year gilbert. musta na riyan sa kuta ng mga bato?

    pwede ka rin namang maging tubero. marami akong kilalang mga babae na gumawa ng man sized job. yung iba, kasama kong namundok at naghihila rin ng mga cable.

  10. that’s funny, uncle, our toilet was acting up and because the following day is xmas, i had no choice but to fix it because i wouldn’t want to use the gas station’s and stores will be closed =P so i had to shell out $250. then the friggin h2o heater broke down, so we called the plumbers and same deal only they charged me $95/hr and they had to come back and what was supposed to be $150 job, in the end cost me $350. talk about pillaging.

  11. wow. talk about bad timing. it’s always good to have a handyman on call who can do repairs for you so you’re not at the mercy of these companies who charge a small fortune for service.

  12. hehehe.. tama, fafa, mag-aral ka nang maging tubero… at karpintero, at hardinero, at electrician, atbp.

    ang mahal talaga ng manual labor dito sa US. ano? kaya nga ata ang bayaw ko, talagang DIY sya. pati si bossing, DIY. eh diba nga, ang tiling ng bahay namin, si bossing at yung isa nyang kapatid ang dumidiskarte? I’m sure kung tinanong mo sa home depot yang problema mo, binigyan ka nila ng pointers kung paano gagawin.

  13. Hapi nyo yir bro.Jet! Ako si ace tulad mong namuhay sa kabilang bansa, bansa ng mga sakang. Ganyan pala buhay dyan. Parang dito din. Pero mas malala dahil wala silang dilang englis e. Ala rin mehikano dine. Got a good lesson from you para gawin ko rin ang new year’s resul ko. Tenks bro.

  14. malas lang ng timing mo.

    salamat din sa pagdalaw. ingat at good luck sa japan, kabayan!

    NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG! tama ang sinabi mo. halos lahat ng mga kakilala kong pinoy rito ay magaling magpintura ng bahay. yan siguro next project ko after mapaganda ang maliit na garden sa harap ng likod ng bahay namin. kamusta ka na?

    thank you SR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *