Trust me when I say I know the pathway to your heart

kung nasa bintan, indonesia kayo nung sabado ng hapon at may nakita kayong isang lalaking tumalon mula sa itaas ng bangka papunta sa beach at sumemplang sa tubig dagat, pagulong gulong pa at tumihaya ang dalawang paang nakaturo sa langit – ako yon.

bwakanginangyan. basa ang cellphone at digital camera ko. ayun, hindi na umaandar pareho.

31 thoughts on “Trust me when I say I know the pathway to your heart

  1. aba nakataas ang paa? ayos yun ha. hehehe.. bili nlang kaw ng new cel and digicam yung di nababasa sa tubig =)

  2. I am, I am, I am superman
    And I know what’s happening.
    I am, I am, I am superman
    And I can do anything.

    Ayan tuloy, natepok mga gadgets mo.
    Balitaan mo ako pag me waterproof cellphone kang nakita. Last month, nahulog din CP ko sa tubig. Buti umaandar ulit matapos kong patuyuin.

  3. Doc Emer!

    Ang galing mo talaga. You guessed correctly why the title of this blog is “Trust me when I say I know the pathway to your heart”. Medyo malayo at first glance pero if you dig deep enough eh… hehehe. galing mo man.

    Yes, it is a line from the “Superman” song by R.E.M. and that’s what I just did last Saturday. Nagpaka Superman – ayan tuloy sira ang cellphone ko at digicam.

  4. ANku, sayang naman ang celfone at digicam mo. Yung anak ko din nahilog sa banca in Elephant Island sa Marinduque. Naku hinayang na hinayang sa kanyang celfone at ito’y nasira. From that time on, hindi na nagdala ng kahit na anong electronic device pag nasa beach kami.

    Anyway, bili ka na lang ulit at ng may magamit tayo sa pag-uwi nyo ni jet. hehe

  5. Wag mo nang isipin yun mylab. Sasama lang ang loob mo. Walang iniwan yang ganyang pakiramdam sa makaiwan ka ng wallet na andun lahat ng major IDs and credit cards mo. Nakakapanglata.

    Turn it into something positive na lang. Isipin mo na lang na now you have reason to buy new toys. Ma-e-excite ka pa… hehe.

    Besides, gamit lang yan e di ba? Either replace them or do without, yun lang ang solusyon. Either way, I’ll be with you real soon! hehehe… Labyu!

  6. Ako never kong pinabayaan ang mga gamit kong high tech … come to think of it wala pala akong gamit na high tech … ako yung type na “do without” sabi nga ni jet … pero sa CP subukan mong i-blowdry … in case mabasa ulit yung bago mong bibilhin …

  7. hi,kuya batjay
    bakit po kasi kau 2maLON SA bangka na may cell,at digital camera kaung dala.kung tinapon nyo na lang kaya ung cell at digital camera nyo,bago kau 2mALON SA DAGat.hehehe di sanay umaandar pa ang mga yun.

  8. sus oo nga. bakit ka tumalon? pero naiintindihan ko yung urge tumalon.

    next time tuturuan mo ang gadgets mong tumalon pabalik sa bangka pag nararamdaman na nila na tatalon ka sa tubig. 😀

  9. Superman? Akala ko batjay? di ka man lang sinalo ni Spiderman?

    Woohoo. together again na ulit kayo ni Jet. woohoo. mas importante yun kesa cellphone at digicam. when is it gonna be?

  10. sign lang yan na mag canon eos or nikon d70 ka na, mwehehe. sabi nga nila, manghinayang ka na for a day pero don’t let it drag. replaceable naman ang mga yan.

    ingats.

  11. no worries kat. you can laugh with me and at me. hehehe. i don’t take myself seriously so why should you.

    pero seriously though – i love to laugh at myself. in fact among the three of us who went to bintan, indonesia, i was the one who laughed the hardest. especially post accident kwentuhan when they started to describe how i looked like with my butt on the beach under 2 feet of water and my two legs waving in the wind.

  12. hi jessie – it was a hot day, high humidity, no wind… the urge to jump in to the water was so strong that i was not able to resist it. next time ibibigay ko muna ang bag ko doon sa kasama ko bago ako tatalon.

  13. di bale kuyang. buti na lang at mura ang celfone dyan pati na camera. pero ang lufet ng bintan na yan, kuyang! ang ganda-ganda naman. sana makarating din ako dyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *